DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 20. October 2011

Haharapin ang Problema

October 20, 2011

(Oct 20, 2011- Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

 

Host/Noralyn: “Kaibigan may problema ka ba? Mabigat bang Problema? Madalas ang taong may problema ay  stress,   may taong kapag may problema, parang nagunaw na ang mundo, kaibigan, malaki o maliit man yan na problema,  relaks ka lang muna diyan kaibigan, dahil ang   ibabahagi  sa atin ni Kaka Ali ay papaano haharapin ang problema,  sa ating  segment na:

 

(PLAY Gabay at Talakayang Pampamilya- INTRO)

 

Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih, kumusta ang umaga, mayroon ka bang problema?

 

Kaka Alih:  Magandang umaga din  Nor.

 

Sino ba naman ang taong walang problema, bibihira sa isang normal na tao na hindi makaranas ng problema, maaring personal o  problema ng  kanyang  pamilya.

 

Buweno kaibigan, bago natin pag-usapan ang problema, Assallamu Alaikum WW.. ang kapayapaan ay sasaatin nawa..

 

Agree ako Nor, na madalas ang taong may problema ay  stress,   may taong kapag may problema, parang nagunaw na ang mundo, kaibigan, malaki o maliit man yan na problema. 

 

Host/Noralyn: Kaka ano ang stress o tensiyon?

 

Kaka Alih: Ang istres ay hindi problema kundi  nasa isipan lamang. Ang ating katawan ay may pangkagipitang pagtugon na nangyayari kapag tayo ay nakararamdam ng tensiyon o istres. Halimbawa, kapag tayo ay kailangang humabol sa sasakyan, ang bahagi ng ating katawan ay naghahanda para matugunan ang kagipitan o  gahol sa oras. Ang pagtugon na ito ay tumutulong para tayo makatakbo ng mabilis at umabot sa nag-iisang sasakyan. Ang pagpintig ng puso ay bumibilis at ang presyon ng dugo ay tumataas. Lumalabas ang sugar patungo sa dugo. Ang paghinga ay bumibilis. Ang ibang bahagi ng katawan ay bumabagal. Ang pantunaw ay humihina. Ang sistema ng ating katawan na lumalaban sa sakit ay bahagyang sumasara.

 

Nor, may halimbawa ba ako, stress naman sa trabaho.

Ang ganitong stress sa trabaho ay nakararamdam tayo ng tensiyon sa trabaho kapag hindi natin nagagampanan ang mga hinihinging gawain ng ating trabaho. Maaaring hindi ninyo nagagampanan ang inyong trabaho dahil  sa panahon o haba ng oras na ibinibigay sa inyo para tapusin ang gawain.  Palpak o may sira ang mga kagamitan ninyo para magawa ang trabaho. Ang mga alituntunin o regulasyon ng inyong opisina  na kailangan ninyong sunurin, ngunit labag sa inyong paniniwala o kultura.

 

Ang mga trabaho na nagbibigay ng sobrang stress ay yaong mga mabibigat ang hinihiling sa manggagawa subalit walang gaanong kontrol na ibinibigay sa kanila kung paano gagawin ang trabaho.  

 

Ang sabi ng kaibigan,  “hindi naman lahat ng problema ay   nakakasira sa tao,  kundi kong minsan pa nga ay magagamit natin ang problema para maging lalong matatag at malapit sa isa’t isa.”  Nor, agree o disagree ?

 

Host/Noralyn:: Agree!!! Ang experience Ko Kaka sa problema, pag may problema ako, feel ko down na ako, papaano ba haharapin ang ating problema?

 

Alih:  Kailangan lamang na harapin natin ang problema, kong anon a siya,  dahil kung   babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag. 

 

Pag-uusapan natin ang   ilang bagay na maaaring makagamot kung sakaling dumating ang problema sa inyong buhay.

1.     Maging kalma (Be calm)   mag-isip ng anumang mabuti, kahit gaano man kakumplikado ang sitwasyon na inyong kinakaharap.

2.     Humingi ng payo o tulong sa kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, o humingi ng payo sa mga espesyalistang gaya ng sikolohista, abogado, o tagapangalaga ng kalusugan. Depende sa problema, kong sino ang alam mo na expert o nakakaalam, ang siya mong dulugan ng inyong problema.  Maaari silang makapagbibigay ng magandang payo, dahil hindi sila “tense’ tulad ninyo na hindi na makapag-isip dahil sa problema.

3.     Kunsultahin ang iyong pamilya o sikaping  magsama-sama bilang isang pamilya.  Dahil sa pagsasama-sama ay maliligtasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.

4.     Tandaan ang anumang pagbabago sa buhay — pagsilang ng isang anak, bagong trabaho o pagkataas sa tungkulin, kasal, kamatayan o pagreretiro–ay laging stressful. Alam mo ba LMor, na kapag wala kang pera problema, pag marami ka ng pera problema pa rin? (LAUGHING)

 

Host/Noralyn: Papaano nangyari ang ganoon Kaka?

Alih: Problema niya papaano gastusin ang kanyang miliones…(LAUGHING).

 

5.     Pakatandaan din, Kaibigan na    ang mga stress, problema at paghihirap ay bahagi ng isang normal na buhay ng tao.  Abnormal   daw ang taong walang   problema?  TOTOO?

6.     Kaibigan, Para masolb ang problema mo, harapin ito ng  dahan-dahan o isa-isa, one alter one another.  Ganito ang gawin, ilista ang    mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin o gawin  ito.

7.     Huwag alalahanin  ang mga nakalipas o ang mga bagay na wala kayong kapangyarihang kontrolin.

8.     Ayon naman sa mga nakaranas ng mga ganitong sitwasyon na problema,  maaring manood ng isang nakakatawang palabas sa TV (kong may tv kayo, hindi ang X rated- PLAY LAUGHING), kong sakaling wala kayong tv tumawag sa isang kaibigan, (naku wala pa ring celpon- PLAY LAUGHING) makipagkuwentuhan sa membro ng pamilya o kapitbahay nang masasayang kuwento, piliting tumawa at kong hindi mapigilang  umiyak, huwag pigilan, ilabas sa pamamagitan ng luha, ingat lang,  siguraduhing walang nakakakitang mga tsismoso (PLAY LAUGHING). Bakit baka magtaka sila bakit ka umiiyak, at itsismis ka sa bayan.

9.     Ang last na advise natin, huwag maging tamad na mag-ehersisyo araw-araw lalo  sa umaga, para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Lalong maigi kong gagawin ito nang magkakasama ang buong pamilya.

 

This is your   segment writer at producer,    Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabarakatuh

Posted by dxupfm at 8:20 am | permalink | comments[58]