DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » November 2011

Away Mag-asawa

November 21, 2011

Away Mag-asawa

(November 21, 2011-Monday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Nor:     “Ang Pag-aaway daw  ng mag-asawa ay likas na o natural lang daw, may nagsasabi pa na abnormal daw ang pagsasama ng mag-asawa kong ni minsan ay hindi man lang sila mag-aaway? Any comments? Anong man ang pananaw ninyo samahan kami ni Kaka Ali   sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya.  

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih.

Kaka Alih:   Magandang umaga din Maraming salamat at asssallamu  alaikum warhamatullahi wabarakatuh sa ating  mga  kapatid nanampalataya sa Islam.

Alam mo Nor, ang   pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan o pag-aaway sa relasyong mag-asawa ay sadyang likas na daw ito sa mag-asawa, na kapag ang mag-asawa daw ay walang pinag-aawayan, something is wrong,  ay wala na daw lambingan… (LAUGHING) Totoo ba ito Nor?

Nor: Wala pa akong napansin na mag-asawa Kaka na hindi nagkakairingan o nakpag-aaway. Ang kaibhan lang  ay may  malala at ang iba ay konting tampuhan  lamang.

Kaka Alih: Tamaka diyan Nor, ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan o pag-aaway sa relasyong mag-asawa ay maaaring humantong sa ibat-ibang uri ng pag-aaway.

Halimbawa ng away mag-asawa,  ay  mayroong pag-aaway na sigawan,…..bagsakan  ng  gamit o  pagbagsak ng mga kagamitan, mayroon din  pananakit na ng pisikal, na pasikretong  mga  kurot, magkaptid  na sipa,  na bugtong  na   suntok  (LAUGHING) pero ang malala,   may away na  paglayas ng isa at pagkapikon ng kapartner.

Ang  lahat ng mga ito ay dulot ng hindi pagkakaroon ng pagkakaunawaan o hindi pagkakaintindihan ng mag-asawa sa kong  minsan simpleng bagay lang  ang dahilan. Halimbawa may nadaanan  ako na bahay tumigil ako dahil may sigawan at kalabugan, ang  narinig ko ang  pinag-aawayan ay pagsasabit lamang ng kulambo.  (LAUGHING) . Ang sabi ni babae  ni pagtali  ng kulambo  di  na  ginagawa  ni lalaki, ang alam  lang  kalabi ng  kalabit,  I eh  pagod na  pagod na  si babae buong  araw pati  ba naman daw sa gabi….(LAUGHING)

Kong minsan naniniwala ako tuloy sa mga sinasabi nila na natural lamang sa mag-asawa na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan, (LAUGHING)  ngunit hindi naman dapat humantong sa away,  na kong minsan ay sakitan na ng physical na katawan, o may physical injuries na nagaganap,  na nagkakasugatan na ang magkabilang panig, na nauuwi kong minsan   sa hiwalayan blues.

Papaano ba natin ito maiiwasan mga giliw naming nakikinig? Ikaw Nor may idea ka..?

Nor : Pang-unawa at pag intindi sa ating  partner iyan ang  susi ko Kaka Alih, para magkaintindihan kami  ni  darling ko.

Kaka Alih: Very good answer, Ok I admit..  minsan may karanasan na ako sa tinatawag na away mag-asawa, para naman may pangbuwena mano kayo ngayong umaga, na pwede ninyong magamit sa pagsasama ninyong mag-asawa,   Narito ang ilang kuro-kuro ni Kaka Ali:

“Unawain at tanggapin na natural na dumarating sa isang relasyon ng mag-asawa ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan.” Ito ang payo ng isang retiradong guro.

Ang hindi pagkakaunawaan ay mahirap ngang pigilan,  sapagkat madalas itong nangyayari nang biglaan, kahit ang mga matatagal nang nagsasama ay nagkakaroon pa rin ng hindi pagkakaintindihan.    Kung bukas ang isipan  ay pwede ninyo itong  maiwasan upang di  lumala ang inyong hidwaan na mag-asawa.

“ Iwasan ang paninisi sa iyong partner” Dagdag ni Maam.

Ang paninisi at panunumbat sa panahon ng pag-aaway ay nakakawala ng dangal,  nasa katwiran ka man o wala.

Ang pagbalik sa mga nakaraang pagkakamali upang itoy isumbat ay hindi makakatulong sa kasalukuyang sitwasyon, lamat sa relasyon ang idinudulot ng paninisi hanggat maaari’y iwasan ito.

 “Agad gawaan ng lunas ang hindi pagkakaunawaan, huwag ng ipabukas, bago magising ay tapos na ang hidwaan ninyong mag-asawa”. Payo ni Ustadz.

Sabi nga nila: “Ang sugat na hindi agad ginamot ay maaaring lumala at maimpeksyon. Ang away mag-asawa ay nagdudulot ng sugat sa damdamin, kapag hindi ito agad nalunasan, maaaring maging malalim na galit kapag nagkasugatan ng damdamin agad tayong gumawa ng paraan upang luminaw ang di pagkakaintindihan at magkabati.” Pagpapayo naman ng isang ina.

“Alisin sa iyong dibdib ang poot at galit, kong isa kang Muslim mag-Istigfar ka, o magsabi ng “Astagfirullah” (Patawarin sana ako ng Allah) o isa kang Kristiyano magsagawa ng panalangin o paghingi ng kapatawan sa Panginoon.” Kay Kaka Ali ng payo.

May halimbawa ako Nor,   na pwede nating ihambing sa usapan, tulad sa basura,  malalaman nating malinis talaga ang ating mga bahay kung naitapon na natin ang mga basura sa tamang lalagyan. Ganoon din ang galit o poot sa ating puso, ay tulad ng basura na kapag ginawan natin ng lunas ay para na natin itong winawalis palabas sa ating mga puso at dahil nasa labas na ito mukhang wala na,  ngunit ito ay nangangamoy pa rin at nakakalat sa labas ng ating mga bahay. Kaya, Kinakailangang mawala ito nang tuluyan. Kinakailangang mabunot ito nang lubusan sa ating mga kalooban. (LAUGHING)

Ang pag-aaway, lalo na ang maling pag-aaway, bakit mayroon bang way na tama? (LAUGHING)  ay hindi makakatulong sa pagkakaroon ng isang mabuting pamilya. Ang mga batang laging nakakasaksi ng pag-aaway ng kanilang mga magulang ay matatakutin at maliit ang pagtingin sa kanyang sarili.

Kaibigan, alang- alang man lang sa ating mga anak,  maging maingat  tayo kong sakaling may mga alitan tayong mag-asawa. Itago natin sa kanila, ang ating away, lalo ng kong kayo nag-uusap.

Kong mahal ninyo ang inyong mga anak, huwag ipakita o iparinig sa mga anak ninyo, na kayo ay nag-aaway na mag-asawa.

Ayon kay Ustadz Ahmad, sa katuruan sa Islam, ang   payo ng  Propeta Muhammad (SAW) ay magsagawa ng Salah  o Sambayang kong may poot sa inyong dibdib, at humingi ng kapatawaran o payo sa Allah,  sa nararapat mong gawin kong ikaw ay galit na galit sa iyong asawa,  ay humihingi ka ng magandang pag-iisip, hindi ka dapat padalos dalos. Humanap ng taong may sapat na kaalaman, at humingi ng payo sa inyong problema.

Kaibigan,  bakit hindi natin subukin, na magpaka hinahon , huwag tayong padadala sa bugso ng ating galit damdamin, huwag tayong basta mangatwiran  kong galit pa tayo..hayaan nating humupa ang galit sa bawat isa,  bago tayo magpaliwanag.

Ito ang inyong kapatid na mapagmahal sa asawa, the lover boy (LAUGHING) of all times..(LAUGHING)

Hanggang dito na lamang,  hanggang sa muli,   Ito ang inyong nakaka na kapatid, Kaka Alih. Sukran, Wassallam.

PLAY- EXTRO-NAKAKA

Posted by dxupfm at 6:33 am | permalink | comments[19]

Mga Ilang Payo (Tip) sa Pagpapalaki ng Anak

November 12, 2011

Mga Ilang Payo (Tip) sa Pagpapalaki ng Anak Nov 14, ‘11 9:26 AM
for everyone

November 14, 2011-Thursday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Nor: ““Papaano ninyo pinapalaki ang inyong mga anak? samahan ninyo si Kaka Ali sa kanyang Mga Ilang Payo (Tip) sa Pagpapalaki ng Anak,  sa ating segment Gabay at Talakayang Pamapamilya,  

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih.  

Kaka Alih: Maramaing salamat Nor, Magandang umaga din at asssallamu  alaikum warhamatullahi wabartakatuh.

 “Papaano ninyo pinapalaki ang inyong mga anak? Narito ang  mga ilang payo sa magulang at magiging mga magulang  pa: (pwede rin itong gamitin ng anak sa kanyang magulang para matauhan para matuto, papaano kasi, tumandang magulang na walang alam na pagpapamilya)

(Play laughing).

1. Huwag mo siyang piliting maging katulad mo.

  • Lahat tayo ay Nilikha ng Allah o Diyos, tayo ay binigyan ng talento, alalahanin na kahit ang kambal ay kong minsan ay magkaiba ng hilig. 
  • Pwede mong isuggest sa anak mo ang gusto mong maging siya, ngunit huwag mong igiit o ipilit ito sa kanya. 
  • Ang iyong tungkulin bilang magulang ay gabayan at itaguyod an gating mga anak, hindi para diktahan o pilitin siya.
  • Maging maingat, palaging alalahanin na ang puno ng kawayan ay mababali kung pipilitin mong yumukod sa direksyon  na di niya hilig.

2. Tulungan mo siyang madiskubre ang kanyang mga abilidad at paunlarin ang mga ito.

  • Magbigay ka ng panahon sa tabi ng iyong anak.
  • Iwasang makapanood ng mga  bayolenteng pa labas sa TV o laro sa computer. Presensya mo ang pinakamahalaga kong sakaling manonood ng TV at mag-computer, huwag pabayaan na manood na mag-isa.
  • Kausapin mo siya.
  • Obserbahan.
  • Tulungan mo siyang magtagumpay sa mga hilig at hikayatin siyang maging malapit sa Allah o Diyos.

3. Iparanas mo sa kanya ang pag-ibig na walang hanggan.

  • Mahalin mo ang iyong  mga anak, ayon sa kanilang kakayanan.
  • Ang pagmamahal mo sa iyong anak ay hindi dapat nasusukat sa pamamagitan ng kanyang mga magagawa at hindi magagawa, hindi dahil sa kanyang pag-uugali, hitsura o tagumpay.

4. Bigyan mo siya ng proteksyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga hangganan (boundaries) kung saan lamang siya matuwid na gagawa, kikilos, at maglalaro.

Halimbawa, linawin mo sa kanya ang mabuting oras na siya ay nasa bahay at nasa sa labas. Matutuwa siyang malaman na ang iyong hangarin ay ang kanyang seguridad.

5. Tulungan mo siyang maabot ang kanyang mga pangarap.

  • Tulungan mo siyang makagawa ng layunin, plano at mapa ng kanyang buhay upang malakaran niya ito ng maligaya at matagumpay.
  • Ang iyong pagtulong sa kanya ay magsisilbing inspirasyon sa kanya.
  • Huwag ipagkait sa anak mo ang iyong panahon, tulungan siya sa kanyang homework kong kinakailangan, bigyan ng oras ang mga school activities na kasama ang mga magulang.

6. Tulungan mo siyang maging maka-Diyos.

  • Kong mga nanampalataya kayo sa relihiyong Islam,  kong Muslim kayo,  yayain siyang isakatuparan ang limang beses na salah (pagsisimba) sa Masjeed  (lugar ng sambahan ng mga nanampalataya sa Islam).
  • Kong sakaling Kristiyano naman kayo, tulungan mong makilala niya ang Panginoon at matututong sumunod sa Kanyang mga alituntunin.  Paunlarin ang   karakter ng inyong anak.
  • Maging mapagpakumbaba sa tagumpay.  
  • Dapat marunong kang umunawa sa kahinaan ng iba, mapagpatawad, hindi palaaway, at maging mahabagin at matulungin sa kapwa.

7. Ipakita o ipamulat  sa inyong anak ang tamang modelo.

  • Tumayo ka bilang isang mabuting huwaran para sa iyong anak. Mag-ingat ka sa iyong mga salita at mga kilos, huwag iparinig ang mga walang kuwentang mga salita.
  • Igalang at mahalin mo ang kanyang ina pagkat dagdag na seguridad sa kanya ang pagkakaroon ng matatag na pagsasama ng kanyang mga magulang.
  • Magiging malapit sa Diyos ang iyong anak kung ikaw mismo na kanyang ama ay malapit sa Diyos. Ganyan ang magbigay ng magandang halimbawa. 
  • Nor anong  say mo?

Noralyn: Ameen. Naintindihan at nakapulot sana ang mga magulang na nikikinig na napa-magulang na  mga payo at ideyang ibinahagi ngayong umaga.

Kaka Alih: Bweno itutuloy natin ang pagbibigay ng sermon  sa Lunes,    pansamantala   hanggang dito na   muna  mga anak, bukas,  muli kaming aabangan kasama si Sister Nor,   .. This is your    segment writer and producer.. at your service ….   Brother  Alih. Sukran and Wassallam.

(Link: http://dxup.multiply.com/ )

Posted by dxupfm at 6:27 am | permalink | comments[13]

Epekto ng Ipinagbabawal

November 10, 2011

(November 10, 2011-Thursday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Nor: “Ang shabu ay isa sa mga bawal na gamot o droga, mahal naming mga magulang, alam mo ba ang epekto nito sa tao ng bawal na gamot?

Samahan kami  ni   Kaka Ali sa ating segment Gabay at Talakayang Pamapamilya,  dahil  tatalakayin niya ang epekto ng bawal na gamot.

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih. Please continue with  your topics epekto  ng ipinagbabawal na  gamut.

Kaka Alih: Maramaing salamat Nor, Magandang umaga din at asssallamu  alaikum warhamatullahi wabartakatuh.

Ang pagkalulong sa bawal na gamot (drug addiction) o ang pagkahumaling, pagkaadik, o adiksyon ng isang tao sa mga pinagbabawal na gamut ay isa itong uri ng katayuan o karamdaman   na mahirap tanggalin at iwasan ng isang taong nasa ganito nang kalagayan, o ng taong nagumon na sa pagkasanay sa paggamit ng ganitong mga uri ng gamot.

Marami  na raw ang nagugumon sa ipinagbabawal na pag-gamit ng gamut, kaya naman ang  katanungan ay Ano ang epekto ng bawal na gamot sa tao?

“Naku Kaka grabe!” sagot ng isang dating nalulong sa bawat na gamot.

Sabi nga nila: “drug adik never grow old coz they die young.”  (LAUGHING)

Ayon sa kanilang (mga taong  may karanasan na sa ipnagbabawalna gamut) paliwanag,   ay nakapagdudulot ang bawal na gamot ng pansamantalang ginhawa at mainam na pakiramdam sa sarili  dahil sa epekto ng gamot na ito.   Ngunit nasusundan ang kaginhawahang ito o pakiramdaman ng ganting-kilos o tugon o reaksiyon mula sa sistema ng nerbiyos, na kinabibilangan ng pagkalungkot o depresyon, o kawalan ng kaginhawahan at hindi mapakali. Dahil sa reaksiyong ito, nabubuo o nahuhubog ang patuloy na paggamit ng bawal na gamot na nagiging isa nang kaugalian o pag-uulit at panay na paggamit.

Dagdag pa ng isang manggagamot na nagsagawa ng pag-aaral sa epekto ng bawal na gamot.

“Sa katagalan ng pag-gamit ng gamot na ito ay naaapektuhan ang sistemang panunaw ng tao, ang kaniyang pagtulog, nagkakaroon ng pagka-iritable ng sistemang nerbiyos o pagkabugnutin.”

O ikaw kapatid gusto mo ba ang anak mo, maranasan niya ang ganoon? Heot pa ang masamang epekto ng gamot na ito.  Humahantong rin sa pagkabaliw o pagkasira ng isipan at utak ang adiksyon sa gamot. Namamatay rin ang tao dahil sa pagkalason sa gamot, o dahil sa pagkitil niya ng sariling buhay.

Sabagay totoo ang sinasabi nila na magkakaiba ang mga epekto ng pinagbabawal na gamot sa iba’t ibang mga tao.

Ngunit ang sigorado ko kaibigan ay ang pinsala sa ating mga anakna dulot ng mga bawal na gamot. Una na rito ang   pagkakaroon ng problema sa katawan, sa kalusugan, sa mga relasyon sa kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Maidaragdag din dito ang pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot, pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao, lipunan lalong-lalo na sa batas ng Poong Lumikha o Diyos.

At ang pinaka-praktikal na nakikita natin ay dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao at   malamang ang paggawa niya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao. (ayaw mong maniwala? Sabagay tayo dito sa Upi hindi pa gaanong exposed sa ganitong problema, ngunit ang payo huwag mo ng balakin pang tuklasin, basta drugs o bawal na gamot ay masama sa tao.)

Alam mp kaibigan ang personal kong naobserbahan sa nalulong sa bawal na gamot, dahil sa    kanilang pagkaadik, humahantong sila sa pagsisinungaling at pagnanakaw mula sa kapwa o kamag-anak upang matugunan ang kanilang pangangailangan o naghahanap sila ng paraan para makabili ng nasabing gamot, na pamahal ng pamahal dahil alam ng nag-tutulak o nagpapabili na bibili ka, dahil adik ka na.

Kaka Alih, papaano namin makikilala na ang aming anak ay nalulong na pala sa bawal na gamot? Tanong ng isang magulang.

Kapatid narito ang ilan sa mga babalang palatandaan o sintomas ng paggamit ng isang tao ng bawal na gamot at ito ay  nakalap natin sa isang site na pinaliwanag ng ahensiya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) (Filipino: Kawanihan ng Pilipinas Laban sa Droga) :

·         Una, pagkakaroon ng panghihina ng katawan, 

·         pagbabago sa gawi sa pagkain,

·         labis na pagkasumpungin,

·         may silakbo o bugsong damdamin at pagkagalit,

·         paglabas ng bahay sa kabuoan ng magdamag,

·         madalas at biglaang pagpapalit ng mga kaibigan o kabarkada,

·         kataka-takang pagkakaroon ng pangangailangan ng salapi, pagkakaroon ng labis na bilang ng pera,

·         pagkawala ng mga mahahalaga at mamahaling mga kagamitan, 

 Ano ang gagawin ko Kaka, para maiwasan o mailayo ang aking anak sa pagkalulong sa bawal na gamot?

Sa pagharap sa suliraning paggamit ng bawal na gamot ng anak, o pag-alam kung gumagamit nga ba ito o hindi, kabilang sa tungkulin mo at dapat gawin bilang magulang ang pagsasagawa ng tamang gawi sa pakikipag-usap sa anak. Iminumungkahi ng mga dalubhasa ang maingat na pakikipag-ugnayan sa anak dahil sa maselan na problema ang droga, kasama na dito ang pag-alis ng takot, pagpapakita ng malasakit, at pagpapadama ng pagmamahal sa anak, at iwasan ang  pagdedebate. Dapat maipahatid sa kinakausap na anak na dahil sa iyong pagmamahal kaya mong mabulid siya sa paggamit ng masasamang gamot .

 Sa magulang na ang anak ay gumagamit na ng bawal na gamot.  Pinapayo ng mga dalubhasa ang pagtanggap ng mga magulang sa suliraning kinakaharap. Kabilang sa kalutasan ng pagpapagaling sa anak ang tulong at suportang nagmumula sa iyo na magulang. Hindi dapat ikatakot o ikahiya ang paghingi ng propesyunal na tulong, partikular na ang mula sa “rehabilitation center o ahensiya”:

Hindi mo dapat sisihin ang inyong mga sarili bilang magulang sapagkat hindi kabiguan ang suliraning kinakaharap. Alalahanin na   ang pagiging likas na bahagi ng buhay ng mga kabataan ang sumubok o mag-eksperimento ng mga bagay-bagay nab ago sa kanilang kaalaman, kabilang ang pag-inom ng alak at pagsisigarilyo, bukod sa paggamit ng bawal na gamot. May mga kabataan din na nadadala lamang ng kagipitan o ng problema  sa buhay kaya’t gumagamit ng bawal na gamot. Pagkaraan ng kanilang mga suliranin, may posibilidad na tumigil na sila sa paggamit ng masamang gamot.

Kapatid na magulang, upang maiwasan ng anak natin  ang paggamit ng bawal na gamot,  ang paggawa ng mga patakaran at pagpaplano ay kinakailangan natin. Iminumungkahi ng mga dalubhasa ang pagtuturo sa anak hingil sa katanggap-tanggap na gawi sa pamumuhay, at pagpapangaral kung paano lulutasin ang mga pagsusulangatan o hindi pagkakaintindihan sa ating mga tahanan.

Naaangkop din kilalanin ng mga magulang kung sino ang mga nagiging kaibigan ng kanilang anak, pati na ang mga magulang ng mga kabarkadang ito. Magagamit ding pang-iwas sa masasamang mga gamot ang paghimok at pagtuturo sa anak ng mga mas makalusugang paraan ng pagrerelaks o pamamahinga at mga mabubuting kaparaanan sa pangangasiwa ng mga suliranin sa buhay.

Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o hindi, isa sa mga pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente sa isang institusyon para sa mga adik o “rehabilitation center”.  Dapat manatili   ang pasyente sa   sentrong pangrehabilitasyon sa loob ng sapat na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang hindi umaasa sa nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang magkaroong muli ang pasyente ng sapat na pagpigil at   pagkontrol sa sarili, at maging respeto sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang kanyang adiksyon. Kapag umalis ang pasyente na may pakiramdam na parang bilanggo, isa itong tanda na hindi ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng panggagamot.

 Papaano kapatid, hanggang sa muli, bukas muli tayong magsamasama sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya, ito  ang inyong kapatid si Kaka Alih.. Sukran Wassallam.

Posted by dxupfm at 6:20 am | permalink | comments[8]

Ang Kaunlaran ng Bayan ay Tungkulin ng Mamayan at mga Namumuno

November 3, 2011

 

(Nobyembre 3, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Noralyn: “Naniniwala ba kayo na ang kaunlaran ng ating bayan ay hindi lamang nakasalalay sa balikat ng mga namumuno kundi mga mamamayan? Ano man ang iynyong kasagutan samahan ninyo kami sa ating segment na nakaka.. Dahil iyan ang ating tatalakayin kasama si Kaka Ali…..”

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih.

Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.

Kaka Alih: “Halos bahagi na ng ating kaugalian at paniniwala na ang kaunlaran ng isang bayan o lugar ay iniaasa sa mga pinuno. Ang  mamamayan na nakakarami ay hindi natin binibigyan ng halaga.

Kaibigan magtatanong kaming muli, wala na bang role na ginagampanan ang nakakaraming mamamayan?

Ayon sa pahayag ng isang political science professor o experto sa usaping pamamahala: “Ang mga tao o mamamayan ang itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Bawat isang mamamayan ay mahalaga sa pagbuo ng bansa. Nakasalalay sa uri ng mamamayang naninirahan dito ang lakas at kaunlaran ng isang bansa, tulad ng bansang Pilipinas.”

Kaya naman bawat Lokal na pamahalaan (LGU) na PRO Development,    ang palaging priority sa kanyang mga proyektong ipinapatupad ay Human Development o kaunlaran ng kanyang bayan ay pinakakaingatan at pinangangalagaan ay ang kanyang mga mamamayan.

“Peoples empowerment o pagbibigay ng halaga sa tungkuling gagampanan ng mamamayan”. Paliwanag ng isang NGO.

Tulad halimbawa ng isa sa mga mensaheng ipinahayag ng ating kagalang-galang na Alkalde,   Ramon Piang Sr. sa isang pagtitipon na live na inisahimpapawid sa DXUP FM, ayon kay Mayor:  

Para sa kaunlaran ng bayan, kailangan ang  pagkakaisa, walang nag-aaway-away at walang pangangamba sa kaligtasan ng kanilang buhay at ari-arian ang ating mamamayan”.

Nor, any comments sa message ni Mayor? (Nor, will answer-positively)

Host/Nor: “Ako?…Agree ako sa ating alkalde na ang produktibong mamamayan ang tunay na yaman ng bayan o bansa. Mahirap umuunlad ang isang bansa kung ang mamamayan ay walang ginagawa na makakabuti para sa bayan at sa  kanyang kapuwa.”

Kaka Ali: Tama kadiyan  Nor,  yang maganda pag-usapan natin ay :  : “Ano ba ang dapat taglayin ng isang  mamamayan upang makatulong ito sa pagbibigay-lakas at makapag-ambag sa kaunlaran ng kanyang  bayan?

Sa tanong natin may sagot tayong natanggap noon.  Heto ang sagot ni Maam, isa itong retired teacher:  “Upang maging madali para sa bayan o bansa ang pagtatamo ng kaunlaran, kailangang ang makatuwang o makatulong nito’y mga mamamayan na  may lakas, kakayahan, may disiplina at kaalaman.”

Sang-ayon ako sa inyong tinuran maam, I second the motion.

 Pinaliwanag din ni Maam, na ganito:   halimbawa daw nito ay: “Ang autoridad katulad ng ating Kapulisan at ng Sandahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) ay hindi mangingiming ipatupad ang sinasabi ng batas, dapat pantay-pantay, ang pag-papatupad ng batas na tulad ng sinasabi nila na may piring ang katarungan, (ang ibig sabihin nito ay,  hindi niya nakikita kong ikaw ay kamag-anak o kaibigan, dahil kong ikaw ay nagkasala, sori ka nalang, trabaho lang walang personalan)..

Ngunit Kaka Alih, dapat isa-alangalang din ng mga otoridad ang karapatang pangtao o yaong tinatawag na human rights”. Sabat naman ng isang human advocates group.

Tama ka my friend, dapat sa pagpapatupad ng batas ay palaging isinaalang-alang ang makatao o walang nilalabas na human rights na pagpapatupad ng batas, alalahanin na magkakaiba ang mga Pilipino at iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwla. Dapat pinag-aaralan o inaalam ng mga ahente na ito ng goberno ang kultura, kaugalian at paniniwala. Halibawa na dapat malaman na kultura na minsan ay  nalalabag ng mga otoridad ay ang pagsusuot ng sapatos. Na ang nakasout sa paa na sapatos ay hindi pwedeng  ipasok sa Masjeed, maging sinukaman ay kailangan alisin ang sapatos kong papasok ka sa Masjeed. 

Dagdagan pa natin ang   halimbawa sa disiplina: ang mamamayan ay dapat sa sumunod sa sinasabi ng batas, patakaran, halimbawa, kong sinasabi ng batas na bawal dito magtinda ng isda   ay huwag ng maglalagay ng paninda.

Doon po tayo magtinda sa tamang lugar may wet section naman ang public market natin”. Pakikiusap ni Chief of Police De Leon sa mga fish vendor. Na ang ibig sabihin nito ay kong paninda mo ay preskong isda, dapat sa  a fish section at wet section mo idisplay  ang iyong paninda hindi kong saan-saan na lamang.. Matuto na tayong hindi magdisplay kong saan-saan, at huwag na nating hintayin na ipatupad pa ng Pulis ang nararapat, dahil sigurado kong  tayo rin ang maaabala.”

Muli tayong magtatanong sa bayan: “Ano   ang maaaring kahihinatnan ng isang bayan o bansa kung ang kanyang mamamayan ay walang disiplina? Leny any comments?

Host/Nor: “Tiyak magulo, walang asenso, dahil instead na pagpapaunlad ang inaasikaso ng otoridad  ang  concentrate nilaay  sa pagdidisiplina sa mamamayan sa mga maliliit na bagay .”

Kaka Alih: Correct ka diyan Nor,.     Kabayan…Naisip mo  na rin ba ang magandang mangyayari kung lahat ay may disiplina?·  

Naisip mo na ba   ang mangyayari sa bansa kong walang nagnanakaw sa kaban ng bayan? Kong walang nangungurakot na official sa pera ng bayan?   

Naisip mo rin  ba kong ang ating mga kawani at official ng bansa, ng bayan, ay tutupad ng kanilang mga tungkulin ng tapat at dalisay, ibig sabihin ay walang corruption?· 

Magrereport siya sa opisina sa tamang oras at uuwi din sa oras ng uwian?    

Naisip mo rin ba Kapatid kung hindi na   magtatapon ng basura kung saan-saan ang ating mamamayan?·    Na hindi na tayo magtatapon ng basura sa ating mga kanal na patuloy na pinapaganda ng ating local na pamahalaan?

May tanong akong muli sa iyo Nor: Kung susunod siya (mamamayan) sa mga batas at alituntunin ng trapiko, ng patakaran ng pagtitinda sa palengke, what you will expect?·

Host/Nor: “ I am sure kaka  Ali, isa tayo sa progresibong vayan, ang wala tayong problema, ang ating mga oficial ay makakapagtrabaho ng maayos para sa kaunlaran na walang sagabal”

Kaka Alih: Tama ka Nor, kung iiwas siya sa mga bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na gamot?·    At higit sa lahat, kung tutupad ang bawat isa sa kanyang mga tungkulin?  Kong ang bawat isa sa atin ay gagampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang kapuwa at higit sa lahat tungkulin sa kanyang Poong Lumikha, ang sambahin ito at tuparin ang ipana-uutos at ipagbawal ang ipinagbabawal?.Tiyak kong kalulugdan tayo n gating Poong Lumikha.

Heto ang isa sa mga mahalaga na tungkulin ng official ng bayan.

“Pangunahin at pinakamahalaga sa lahat na dapat taglayin ng mga mamamayan ay may malulusog na katawan at isipan.” Ito ang tinuran ng   Kalihim ng Kalusugan.  

Kaya naman ang Lokal na Pamahalaan ng Upi sa pamumuno ni Mayor Ramon Piang Sr ay naglalaan ng pondo at nagpapatayo ng mga health center, at nagpagtalaga ng mga health personnel para matulungan ang mamamayan para sa kanilang kalusugan.

Paliwang din isang doctor na maituturing na ring kayamanan isang mamamayan ang malusog na pangangatawan, kahit mahirap siya,  sapagkat taglay niya ang lakas upang gampanan ang kanyang mga tungkulin at Gawain sa bayan.·  

Mayaman man ang isang tao ngunit kung siya’y masasakitin, mauuwi lamang sa pagpapagamot ang kanyang salapi at malabong siya’y maging produktibo.·   

Ulitin natin ang sinabi ni kalihim ng kalusugan: “Ang mamamayang may malusog na pangangatawan ay malaking puhunan upang makatulong sa produksyon ng bansa”.·   

Madali at mabilis niyang magagampanan ang gawain kung siya’y malusog.

Maraming proyekto ang nangangailangan ng lakas ng katawan, ang Mrs mo pare, kailangan din  niya ang malusog mong katawan.  (PLAY LAUGHING)

Yaman ng ating bayan o bansa   ang pagiging matalino ng kanyang mamamayan. 

Kailangan ang malusog na isipan sa paglutas ng mga suliranin ng bansa at sa pagpapasya.·  

Kaya naman isinusulong ng pamahalaan ang edukasyon para sa lahat. Ang ibang kabataan naman ayaw mag-aral, computer games ang inaasikaso, ang iba daw ay panliligaw.. (PLAY LAUGHING).

Batid ng pamahalaan natin, ng LGU Upi na ang kamangmangan ay hadlang sa kaunlaran ng isang tao. Kaya mapapansin niño,  todo suporta ng LGU Upi sa mga ating mga paaralan, kasama na dito ang ating mga Madraza. Bagamat hindi pa man  sapat ay pinagsisikapan nilang kahit  papaano ay may allowance ang mga guro na mga teachers aid at mga Ustadz sa Madraza.

 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat,  na kilalanin at alamin ang kanyang tungkulin sa ng ating  Chief of Police De Leon: “…matuto tayong sumunod sa batas upang hindi tayo magkaproblema”…

Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya ..  Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 8:34 am | permalink | comments[76]

Dapat Bang Piliin ang maging Kaibigan?

(November 2, 2011-Wednesday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Nor: “Di ba may May kasabihan tayo na:  “sabihin mo sa akin ang iyong mga kaibigan at sasabihin ko kong sino ka?” ikaw kaibigang nakikinig sino-sino ang  iyong mga kaibigan? Bago mo pa sagutin ang katanungan, heto  pakinggan natin si Kaka Ali sa ating segment na:  

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih,  

Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.

Host/Nor: Kaka , ikaw ang matanong ko, dapat bang  piliin ang maging kaibigan natin?

Kaka Alih:  That very good question, which  needs to be answered.. hanep English, English  pa tayo  ha? (LAUGHING)

Nor, matandaan ko, may sinabi  ka kanina,  na kasabihan  ng  mga Pinoy which  in English:  “Tell me who are your friends and I will tell you who are you?  (LAUGHING) Ang ibig sabihin ay  sabihin mo sa akin ang iyong mga kaibigan at sasabihin ko kong sino ka?

Ano ang ibig ipahiwatig nito? 

Makikilala kita kong ano ang ugali mo, kapag nakilala ko ang  mga kaibigan mo. Dahil sa ang environment ng tao ay malakas ang  epekto nito  sa atin.  Sabi nga ng maalam, 80%  n gating buhay ay naapektuhan  ng  ating  kapaligiran.   Kaya dapat piliin mo ang iyong maging kaibigan dahil pwede kang mahawa o maapektuhan ng kanilang mga ugali o gawain.

 Papaano ba ang pagpili ng kaibigan? O talaga bang dapat nating piliin ang magiging kaibigan natin?

 

Narito ang paliwanag ng isang manunulat (di ko na ipakikilala) tungkol sa pagpili ng kakaibiganin o kaibigan.

Noong daw mga panahon na mahilig pa siyang maglaro ng   jolens, simple lamang ang pakikipagkaibigan para sa kanya.

  • Lahat daw ng   batang nakakasalamuha at nakakasama sa paglalaro ay itinuturing nang kaibigan.
  • Ang lahat ng mga batang   masayang kasama ay mga kaibigan na rin.
  • At kahit iyong hindi alam ang pangalan at nakikita sa paaralan ay kaibigan na rin.
  • Kahit iyong mga nakakasabay lang sa paglalakad o kaya’y sa paliligo sa ilog ay kaibigan na  para sa kanya.
  • Lalo na iyong mga kasama sa pag-akyan sa  bayabas ng may bayabas  na hindi pinapaalam ay kaibigan  na rin ang turing 

Ipagpatuloy natin ang sinulat ni tukayo, ngunit habang nawawalan na ng hilig sa mga larong habulan at taguan, tila may nagbabago rin sa konsepto ng kaibigan at pakikipagkaibigan.

Halimbawa ang madalas,  ang mga lalaki ay nagkukumpulan at nagkukuwentuhan tungkol sa babae o ng mga bagay na kaakibat ng pagtaas ng antas ng kanilang panlasa o hilig.

Ang kababaihan naman ay mapapansing madalas magkuwentuhan ng mga bagay na parang sekreto at parang nakakakilig dahil parang may ibang ningning ang kanilang mga mata habang nagkukwentuhan.

Nariyan yaong  may magpapasapasahan ng papel habang nagkaklase upang kahit papaano ay maipagpatuloy pa rin ang naputol na usapan.

 

Samantalang ang kalalakihan na madalas nakaupo sa bandang likuran ay nagkakaintindihan na sa mga tingin pa lamang lalo na kung tungkol sa mga kalokohan.

 

(PLAY LAUGHING).

At sa mga ganoong pangyayari nalilinang ang bagong pagtingin sa kaibigan at pakikipagkaibigan.

Nanduiyan  naman   ang sukatan ng pagiging pagkakaibigan sa pagsama sa mga eksperimento sa pag-iinom at paninigarilyo.

Nariyan ang  sukatan   ng pakikipagkaibigan  ay malalaman kapag sumunod, sa napagkasunduan sa hindi   pagbulgar sa sekretong si ganito ang crush ng isa at si kuwan naman ang tipo ng isa.

Nariyang sukatin ang pakikipagkaibigan sa pagpayag na maging tulay ng dalawang nagliligawan (madalas itong nagkakaroon ng isyu na ang tulay ay nanunulay din!).

(PLAY LAUGHING).

 

Habang patuloy na nagyayari ang mga ganoon, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa pagtingin sa usapin ng pakikipagkaibigan. Nagkakaroon ng mga grupo o ekslusibong barkadahan

Sa lahat na mga panahong iyon, madalas maiisip na ang mga kaibigang iyon ay panghabambuhay na. Na ang mundo ay umiinog lamang sa mga kaibigang iyon at hindi na iyon magbabago pa.

Subalit sa pagpasok ng panibagong yugto ng buhay, nagbabago rin   ang pananaw ng mga kabatan na ito sa mga bagaybagay. Nariyan ang maisip na tila nakakatawa pala iyong mga pinagsasabi mo noon at pinag-gagawa sa buhay. Mayroon namang nananatili pa rin ang pananaw na walang nagbago sa lahat na bagay.

Sa mga panahong ito, nagsisimula nang magkaroon ng tunay na hugis, ang pagturing sa mga  kaibigan.

Ang iba’y nagkakaroon na ng malinaw na pamantayan, kung sino ang mga taong kakaibiganin.

At madalas ang mga taong nagiging kaibigan sa panahong ito ay nagiging kaibigan na sa matagal na panahon. Ang iba nga’y hanggang sa mamuti na ang kanilang mga buhok.

Subalit gayun paman, hindi pa rin iyon ang makapagtitiyak kung talagang magiging magkaibigan nga ba kayo sa matagal na panahon. 

May tanong tayo   kung sakaling magkaibigan kayo sa maikling panahon iyon ba’y maituturing na kaibigan nga ang atong ito. 

Karamihan sa mga tao ay napapaloob sa “out of sight, out of mind” na kalagayan.

  • Kaya kung sino ang mga nakakasama sa trabaho, sila rin ang nagiging kaibigan. Sa mga panahong nagkikita ang mga dating magkaibigan, madalas nagtatantiyahan pa dahil malalaman ng isa’t isa na magkaiba na ang kanilang mga interes.
  • May mga magkakaibigan na ang nasa isip ay magiging masaya ang pagkikita matapos ang mahabang panahon ngunit matutuklasan na lamang nila na wala pala silang mapag-usapan na.
  • Mayroon namang kahit na magkasama pa rin ay matutuklasan isang araw na sadyang magkaiba pala talaga ang kanilang gustong mga bagay at nagtataka kung bakit nakikipagkaibigan sila sa mga taong hindi naman pala dapat nilang kaibiganin.
  • Minsan, may iba na nagiisip na lahat na nakapaligid sa kanya ay kanyang kaibigan. Subalit sa mga panahong kailangan niya ng kaibigan, matutuklasan niyang wala pala siyang kaibigan.

 

Kaya nararapat na lamang na pag-aralan ang tamang paghahanay   kung sino ang kaibigan at sino ang hindi dapat maging kaibigan.   May mga pagkakataong matutuklasan na lamang na kahit matagal nang kasama ang isang tao ay saka mo lamang mapagtanto na hindi pala siya ang hinahanap mong kaibigan.

Sa panahon ngayon na pinaglalapit ng teknolohiya ang magkakaibigang nasa magkaibang lupalop ng daigdig, tila sigurado na magiging malapit pa rin ang mga kaibigang matagal nang hindi nagkasama. Sapagkat maari naman kayong magtinginan ng profile halimbawa sa facebook o iba pang networking sites. Magkakakitaan pa kayo ng mga litrato at magkakaalaman ng saloobin sa facebook o sa mga blog.. pwede mong maging friend pa si Kaka Ali..(LAUGHING)   .

But remember hindi kumo friends mo sa face book friend  mo na siya, ang lahat nang ito ay hindi pa rin garantiya na mananatili o lalong magiging mahigpit ang pakikipagkaibigan ninyo.

Sapagkat ang pakikipagkaibigan ay usapin ng pagpili. At ang pagpili ng tao ay nagbabago rin na gaya ng panahon.

Ngunit kahit na magbago man ang mga hilig at pagpili sa buhay, may mga pagkakaibigang tumatagos sa panahon at anumang balakid sa komunikasyon. Sa aking palagay, ito iyong pagkakaibigang hindi nakabatay sa mga malinaw na pamantayan kundi sa isang hindi nasusulat na unawaang maging magkaibigan.

May mga taong magaan ang loob sa isa’t isa at ni hindi nila kailangan ng mga bagay na mapagkasunduan upang maging magkaibigan.

Ano ngayon ang masasabi nating tunay na pakikipagkaibigan? O sino kaya ang mga tunay na kaibigan? Paano ba ang tamang pakikipagkaibigan?

Malamang marami at magkakaiba ang ating mga sagot, mga palapalagay at paniniwala sa mga bagay na ito. Subalit naniniwala akong gayunpaman, hindi ito magiging hadlang upang maging magkaibigan tayo.

Para kay Kaka Alih ang tunay na kaibigan ay kaibigan ng Allah o ng Poong Maykapal.

Bweno ituloy na lamang ninyo ang talakayan sa inyong mga kumpare a tmagbigay na ang kayo ng feed back kay Kaka Alin,  pansamantala   hanggang dito na lang muna kami,  Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…itutuloy natin at  lalo natin  paiigtingingin ang talakayan.. 

This is  your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 8:29 am | permalink | comments[62]