Ang Kaunlaran ng Bayan ay Tungkulin ng Mamayan at mga Namumuno
November 3, 2011
(Nobyembre 3, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Naniniwala ba kayo na ang kaunlaran ng ating bayan ay hindi lamang nakasalalay sa balikat ng mga namumuno kundi mga mamamayan? Ano man ang iynyong kasagutan samahan ninyo kami sa ating segment na nakaka.. Dahil iyan ang ating tatalakayin kasama si Kaka Ali…..”
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)
Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih.
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Kaka Alih: “Halos bahagi na ng ating kaugalian at paniniwala na ang kaunlaran ng isang bayan o lugar ay iniaasa sa mga pinuno. Ang mamamayan na nakakarami ay hindi natin binibigyan ng halaga.
Kaibigan magtatanong kaming muli, wala na bang role na ginagampanan ang nakakaraming mamamayan?
Ayon sa pahayag ng isang political science professor o experto sa usaping pamamahala: “Ang mga tao o mamamayan ang itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Bawat isang mamamayan ay mahalaga sa pagbuo ng bansa. Nakasalalay sa uri ng mamamayang naninirahan dito ang lakas at kaunlaran ng isang bansa, tulad ng bansang Pilipinas.”
Kaya naman bawat Lokal na pamahalaan (LGU) na PRO Development, ang palaging priority sa kanyang mga proyektong ipinapatupad ay Human Development o kaunlaran ng kanyang bayan ay pinakakaingatan at pinangangalagaan ay ang kanyang mga mamamayan.
“Peoples empowerment o pagbibigay ng halaga sa tungkuling gagampanan ng mamamayan”. Paliwanag ng isang NGO.
Tulad halimbawa ng isa sa mga mensaheng ipinahayag ng ating kagalang-galang na Alkalde, Ramon Piang Sr. sa isang pagtitipon na live na inisahimpapawid sa DXUP FM, ayon kay Mayor:
“Para sa kaunlaran ng bayan, kailangan ang pagkakaisa, walang nag-aaway-away at walang pangangamba sa kaligtasan ng kanilang buhay at ari-arian ang ating mamamayan”.
Nor, any comments sa message ni Mayor? (Nor, will answer-positively)
Host/Nor: “Ako?…Agree ako sa ating alkalde na ang produktibong mamamayan ang tunay na yaman ng bayan o bansa. Mahirap umuunlad ang isang bansa kung ang mamamayan ay walang ginagawa na makakabuti para sa bayan at sa kanyang kapuwa.”
Kaka Ali: Tama kadiyan Nor, yang maganda pag-usapan natin ay : : “Ano ba ang dapat taglayin ng isang mamamayan upang makatulong ito sa pagbibigay-lakas at makapag-ambag sa kaunlaran ng kanyang bayan?
Sa tanong natin may sagot tayong natanggap noon. Heto ang sagot ni Maam, isa itong retired teacher: “Upang maging madali para sa bayan o bansa ang pagtatamo ng kaunlaran, kailangang ang makatuwang o makatulong nito’y mga mamamayan na may lakas, kakayahan, may disiplina at kaalaman.”
Sang-ayon ako sa inyong tinuran maam, I second the motion.
Pinaliwanag din ni Maam, na ganito: halimbawa daw nito ay: “Ang autoridad katulad ng ating Kapulisan at ng Sandahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) ay hindi mangingiming ipatupad ang sinasabi ng batas, dapat pantay-pantay, ang pag-papatupad ng batas na tulad ng sinasabi nila na may piring ang katarungan, (ang ibig sabihin nito ay, hindi niya nakikita kong ikaw ay kamag-anak o kaibigan, dahil kong ikaw ay nagkasala, sori ka nalang, trabaho lang walang personalan)..
“Ngunit Kaka Alih, dapat isa-alangalang din ng mga otoridad ang karapatang pangtao o yaong tinatawag na human rights”. Sabat naman ng isang human advocates group.
Tama ka my friend, dapat sa pagpapatupad ng batas ay palaging isinaalang-alang ang makatao o walang nilalabas na human rights na pagpapatupad ng batas, alalahanin na magkakaiba ang mga Pilipino at iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwla. Dapat pinag-aaralan o inaalam ng mga ahente na ito ng goberno ang kultura, kaugalian at paniniwala. Halibawa na dapat malaman na kultura na minsan ay nalalabag ng mga otoridad ay ang pagsusuot ng sapatos. Na ang nakasout sa paa na sapatos ay hindi pwedeng ipasok sa Masjeed, maging sinukaman ay kailangan alisin ang sapatos kong papasok ka sa Masjeed.
Dagdagan pa natin ang halimbawa sa disiplina: ang mamamayan ay dapat sa sumunod sa sinasabi ng batas, patakaran, halimbawa, kong sinasabi ng batas na bawal dito magtinda ng isda ay huwag ng maglalagay ng paninda.
“
Muli tayong magtatanong sa bayan: “Ano ang maaaring kahihinatnan ng isang bayan o bansa kung ang kanyang mamamayan ay walang disiplina? Leny any comments?
Host/Nor: “Tiyak magulo, walang asenso, dahil instead na pagpapaunlad ang inaasikaso ng otoridad ang concentrate nilaay sa pagdidisiplina sa mamamayan sa mga maliliit na bagay .”
Kaka Alih: Correct ka diyan Nor,. Kabayan…Naisip mo na rin ba ang magandang mangyayari kung lahat ay may disiplina?·
Naisip mo na ba ang mangyayari sa bansa kong walang nagnanakaw sa kaban ng bayan? Kong walang nangungurakot na official sa pera ng bayan?
Naisip mo rin ba kong ang ating mga kawani at official ng bansa, ng bayan, ay tutupad ng kanilang mga tungkulin ng tapat at dalisay, ibig sabihin ay walang corruption?·
Magrereport siya sa opisina sa tamang oras at uuwi din sa oras ng uwian?
Naisip mo rin ba Kapatid kung hindi na magtatapon ng basura kung saan-saan ang ating mamamayan?· Na hindi na tayo magtatapon ng basura sa ating mga kanal na patuloy na pinapaganda ng ating local na pamahalaan?
May tanong akong muli sa iyo Nor: Kung susunod siya (mamamayan) sa mga batas at alituntunin ng trapiko, ng patakaran ng pagtitinda sa palengke, what you will expect?·
Host/Nor: “ I am sure kaka Ali, isa tayo sa progresibong vayan, ang wala tayong problema, ang ating mga oficial ay makakapagtrabaho ng maayos para sa kaunlaran na walang sagabal”
Kaka Alih: Tama ka Nor, kung iiwas siya sa mga bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na gamot?· At higit sa lahat, kung tutupad ang bawat isa sa kanyang mga tungkulin? Kong ang bawat isa sa atin ay gagampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang kapuwa at higit sa lahat tungkulin sa kanyang Poong Lumikha, ang sambahin ito at tuparin ang ipana-uutos at ipagbawal ang ipinagbabawal?.Tiyak kong kalulugdan tayo n gating Poong Lumikha.
Heto ang isa sa mga mahalaga na tungkulin ng official ng bayan.
“Pangunahin at pinakamahalaga sa lahat na dapat taglayin ng mga mamamayan ay may malulusog na katawan at isipan.” Ito ang tinuran ng Kalihim ng Kalusugan.
Kaya naman ang Lokal na Pamahalaan ng Upi sa pamumuno ni Mayor Ramon Piang Sr ay naglalaan ng pondo at nagpapatayo ng mga health center, at nagpagtalaga ng mga health personnel para matulungan ang mamamayan para sa kanilang kalusugan.
Paliwang din isang doctor na maituturing na ring kayamanan isang mamamayan ang malusog na pangangatawan, kahit mahirap siya, sapagkat taglay niya ang lakas upang gampanan ang kanyang mga tungkulin at Gawain sa bayan.·
Mayaman man ang isang tao ngunit kung siya’y masasakitin, mauuwi lamang sa pagpapagamot ang kanyang salapi at malabong siya’y maging produktibo.·
Ulitin natin ang sinabi ni kalihim ng kalusugan: “Ang mamamayang may malusog na pangangatawan ay malaking puhunan upang makatulong sa produksyon ng bansa”.·
Madali at mabilis niyang magagampanan ang gawain kung siya’y malusog.
Maraming proyekto ang nangangailangan ng lakas ng katawan, ang Mrs mo pare, kailangan din niya ang malusog mong katawan. (PLAY LAUGHING)
Yaman ng ating bayan o bansa ang pagiging matalino ng kanyang mamamayan.
Kailangan ang malusog na isipan sa paglutas ng mga suliranin ng bansa at sa pagpapasya.·
Kaya naman isinusulong ng pamahalaan ang edukasyon para sa lahat. Ang ibang kabataan naman ayaw mag-aral, computer games ang inaasikaso, ang iba daw ay panliligaw.. (PLAY LAUGHING).
Batid ng pamahalaan natin, ng LGU Upi na ang kamangmangan ay hadlang sa kaunlaran ng isang tao. Kaya mapapansin niño, todo suporta ng LGU Upi sa mga ating mga paaralan, kasama na dito ang ating mga Madraza. Bagamat hindi pa man sapat ay pinagsisikapan nilang kahit papaano ay may allowance ang mga guro na mga teachers aid at mga Ustadz sa Madraza.
Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Ali na naghihikayat sa ating lahat, na kilalanin at alamin ang kanyang tungkulin sa ng ating Chief of Police De Leon: “…matuto tayong sumunod sa batas upang hindi tayo magkaproblema”…
Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya .. Sukran and Wassallam.
Dapat Bang Piliin ang maging Kaibigan?
(
November 2, 2011-Wednesday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Nor: “Di ba may May kasabihan tayo na: “sabihin mo sa akin ang iyong mga kaibigan at sasabihin ko kong sino ka?” ikaw kaibigang nakikinig sino-sino ang iyong mga kaibigan? Bago mo pa sagutin ang katanungan, heto pakinggan natin si Kaka Ali sa ating segment na:
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)
Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih,
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Host/Nor: Kaka , ikaw ang matanong ko, dapat bang piliin ang maging kaibigan natin?
Kaka Alih: That very good question, which needs to be answered.. hanep English, English pa tayo ha? (LAUGHING)
Nor, matandaan ko, may sinabi ka kanina, na kasabihan ng mga Pinoy which in English: “Tell me who are your friends and I will tell you who are you? (LAUGHING) Ang ibig sabihin ay sabihin mo sa akin ang iyong mga kaibigan at sasabihin ko kong sino ka?
Ano ang ibig ipahiwatig nito?
Makikilala kita kong ano ang ugali mo, kapag nakilala ko ang mga kaibigan mo. Dahil sa ang environment ng tao ay malakas ang epekto nito sa atin. Sabi nga ng maalam, 80% n gating buhay ay naapektuhan ng ating kapaligiran. Kaya dapat piliin mo ang iyong maging kaibigan dahil pwede kang mahawa o maapektuhan ng kanilang mga ugali o gawain.
Papaano ba ang pagpili ng kaibigan? O talaga bang dapat nating piliin ang magiging kaibigan natin?
Narito ang paliwanag ng isang manunulat (di ko na ipakikilala) tungkol sa pagpili ng kakaibiganin o kaibigan.
Noong daw mga panahon na mahilig pa siyang maglaro ng jolens, simple lamang ang pakikipagkaibigan para sa kanya.
- Lahat daw ng batang nakakasalamuha at nakakasama sa paglalaro ay itinuturing nang kaibigan.
- Ang lahat ng mga batang masayang kasama ay mga kaibigan na rin.
- At kahit iyong hindi alam ang pangalan at nakikita sa paaralan ay kaibigan na rin.
- Kahit iyong mga nakakasabay lang sa paglalakad o kaya’y sa paliligo sa ilog ay kaibigan na para sa kanya.
- Lalo na iyong mga kasama sa pag-akyan sa bayabas ng may bayabas na hindi pinapaalam ay kaibigan na rin ang turing
Ipagpatuloy natin ang sinulat ni tukayo, ngunit habang nawawalan na ng hilig sa mga larong habulan at taguan, tila may nagbabago rin sa konsepto ng kaibigan at pakikipagkaibigan.
Halimbawa ang madalas, ang mga lalaki ay nagkukumpulan at nagkukuwentuhan tungkol sa babae o ng mga bagay na kaakibat ng pagtaas ng antas ng kanilang panlasa o hilig.
Ang kababaihan naman ay mapapansing madalas magkuwentuhan ng mga bagay na parang sekreto at parang nakakakilig dahil parang may ibang ningning ang kanilang mga mata habang nagkukwentuhan.
Nariyan yaong may magpapasapasahan ng papel habang nagkaklase upang kahit papaano ay maipagpatuloy pa rin ang naputol na usapan.
Samantalang ang kalalakihan na madalas nakaupo sa bandang likuran ay nagkakaintindihan na sa mga tingin pa lamang lalo na kung tungkol sa mga kalokohan.
(PLAY LAUGHING).
At sa mga ganoong pangyayari nalilinang ang bagong pagtingin sa kaibigan at pakikipagkaibigan.
Nanduiyan naman ang sukatan ng pagiging pagkakaibigan sa pagsama sa mga eksperimento sa pag-iinom at paninigarilyo.
Nariyan ang sukatan ng pakikipagkaibigan ay malalaman kapag sumunod, sa napagkasunduan sa hindi pagbulgar sa sekretong si ganito ang crush ng isa at si kuwan naman ang tipo ng isa.
Nariyang sukatin ang pakikipagkaibigan sa pagpayag na maging tulay ng dalawang nagliligawan (madalas itong nagkakaroon ng isyu na ang tulay ay nanunulay din!).
(PLAY LAUGHING).
Habang patuloy na nagyayari ang mga ganoon, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa pagtingin sa usapin ng pakikipagkaibigan. Nagkakaroon ng mga grupo o ekslusibong barkadahan
Sa lahat na mga panahong iyon, madalas maiisip na ang mga kaibigang iyon ay panghabambuhay na. Na ang mundo ay umiinog lamang sa mga kaibigang iyon at hindi na iyon magbabago pa.
Subalit sa pagpasok ng panibagong yugto ng buhay, nagbabago rin ang pananaw ng mga kabatan na ito sa mga bagaybagay. Nariyan ang maisip na tila nakakatawa pala iyong mga pinagsasabi mo noon at pinag-gagawa sa buhay. Mayroon namang nananatili pa rin ang pananaw na walang nagbago sa lahat na bagay.
Sa mga panahong ito, nagsisimula nang magkaroon ng tunay na hugis, ang pagturing sa mga kaibigan.
Ang iba’y nagkakaroon na ng malinaw na pamantayan, kung sino ang mga taong kakaibiganin.
At madalas ang mga taong nagiging kaibigan sa panahong ito ay nagiging kaibigan na sa matagal na panahon. Ang iba nga’y hanggang sa mamuti na ang kanilang mga buhok.
Subalit gayun paman, hindi pa rin iyon ang makapagtitiyak kung talagang magiging magkaibigan nga ba kayo sa matagal na panahon.
May tanong tayo kung sakaling magkaibigan kayo sa maikling panahon iyon ba’y maituturing na kaibigan nga ang atong ito.
Karamihan sa mga tao ay napapaloob sa “out of sight, out of mind” na kalagayan.
- Kaya kung sino ang mga nakakasama sa trabaho, sila rin ang nagiging kaibigan. Sa mga panahong nagkikita ang mga dating magkaibigan, madalas nagtatantiyahan pa dahil malalaman ng isa’t isa na magkaiba na ang kanilang mga interes.
- May mga magkakaibigan na ang nasa isip ay magiging masaya ang pagkikita matapos ang mahabang panahon ngunit matutuklasan na lamang nila na wala pala silang mapag-usapan na.
- Mayroon namang kahit na magkasama pa rin ay matutuklasan isang araw na sadyang magkaiba pala talaga ang kanilang gustong mga bagay at nagtataka kung bakit nakikipagkaibigan sila sa mga taong hindi naman pala dapat nilang kaibiganin.
- Minsan, may iba na nagiisip na lahat na nakapaligid sa kanya ay kanyang kaibigan. Subalit sa mga panahong kailangan niya ng kaibigan, matutuklasan niyang wala pala siyang kaibigan.
Kaya nararapat na lamang na pag-aralan ang tamang paghahanay kung sino ang kaibigan at sino ang hindi dapat maging kaibigan. May mga pagkakataong matutuklasan na lamang na kahit matagal nang kasama ang isang tao ay saka mo lamang mapagtanto na hindi pala siya ang hinahanap mong kaibigan.
Sa panahon ngayon na pinaglalapit ng teknolohiya ang magkakaibigang nasa magkaibang lupalop ng daigdig, tila sigurado na magiging malapit pa rin ang mga kaibigang matagal nang hindi nagkasama. Sapagkat maari naman kayong magtinginan ng profile halimbawa sa facebook o iba pang networking sites. Magkakakitaan pa kayo ng mga litrato at magkakaalaman ng saloobin sa facebook o sa mga blog.. pwede mong maging friend pa si Kaka Ali..(LAUGHING) .
But remember hindi kumo friends mo sa face book friend mo na siya, ang lahat nang ito ay hindi pa rin garantiya na mananatili o lalong magiging mahigpit ang pakikipagkaibigan ninyo.
Sapagkat ang pakikipagkaibigan ay usapin ng pagpili. At ang pagpili ng tao ay nagbabago rin na
Ngunit kahit na magbago man ang mga hilig at pagpili sa buhay, may mga pagkakaibigang tumatagos sa panahon at anumang balakid sa komunikasyon. Sa aking palagay, ito iyong pagkakaibigang hindi nakabatay sa mga malinaw na pamantayan kundi sa isang hindi nasusulat na unawaang maging magkaibigan.
May mga taong magaan ang loob sa isa’t isa at ni hindi nila kailangan ng mga bagay na mapagkasunduan upang maging magkaibigan.
Ano ngayon ang masasabi nating tunay na pakikipagkaibigan? O sino kaya ang mga tunay na kaibigan? Paano ba ang tamang pakikipagkaibigan?
Malamang marami at magkakaiba ang ating mga sagot, mga palapalagay at paniniwala sa mga bagay na ito. Subalit naniniwala akong gayunpaman, hindi ito magiging hadlang upang maging magkaibigan tayo.
Bweno ituloy na lamang ninyo ang talakayan sa inyong mga kumpare a tmagbigay na ang kayo ng feed back kay Kaka Alin, pansamantala hanggang dito na lang muna kami, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas…itutuloy natin at lalo natin paiigtingingin ang talakayan..
This is your segment writer and producer.. at your service …. Kaka Alih. Sukran and Wassallam.


