|
Kalakaran sa Paggugulayan
- Paggamit ng abonong kemikal lamang
- Mataas ang aning variety (HYV) ngunit kalimitan ay mahina sa sakit at peste
- Monocropping o solong tanim
- Sobrang bomba ng pestisidyo
- Galit sa damo
Argumento para sa Organikong Pagsasaka
- Masamang Epekto ng pestisidyo sa katawan
- Antibiotics at hormones sa pagkaing hayop
- Pagkasira ng kalikasan dahil sa pestisidyo at abonong kemikal
- Pagbaba ng biodiversity sa taniman at kapaligiran
- Pagkawasak ng kagubatan
- Pagkasira ng lupa
- Pagbaba ng ani at kita sa “makabagong” pagsasaka
- Hindi masinop na paggamit ng mga likas na yaman
- Kultural, sosyal at moral na magkaduhagi
Organikong Pamantayan
- Walang pestisidyo at abonong kemikal
- Pinangangalagaan ang kalikasan
- Masinop na paggamit ng mga likas na yaman
- Walang GMO
Dahilan ng Paglala ng Sakit at Peste
- Mahinang uri ng binhi
- Monocropping o solong pagtatanim
- Sobrang paggamit ng pestisidyo at abonong kemikal
- Pagkasira ng balanse sa kalikasan
Pangkalahatang Tagubilin
1. Patabain ang lupa
- Gumamit ng organikong pataba - dumi ng hayop, compost, abo, seaweeds, azolla
- Gumamit ng Rhizobium at iba pang katulad na mikrobyo gaya ng PGPR
- Ibalik sa lupa ang nagamas na damo at mga dahon
2. Magsalit-tanim
- Iwasan ang monocropping
- Magtanim ng iba’t-ibang uri ng gulay ayon sa laki at gusto ng palengke
- Iba’t-ibang variety ng isang uri ng gulay
3. Magtanim ng pantaboy peste
- Bawang, sibuyas, kutsay
- Tanglad, luya, amarillo, coriander
4. Magtanim ng halamang pang-sakrepisyo
- Mga halaman o damo na mas gusto ng peste
- Okra para sa talong
- Choisam para sa petsay at repolyo
5. Gumamit ng matibay na variety
- Talong - Mistisa, Mara, Arayat, Concepcion
- Kamatis - Pinusyo, Grandeur
- Sling Lara - Inokra, Sinagtala, Paras
- Sitao - Sandigan, CSL-19, Acc 228
- Baguio Beans - B-21, Taichung #1, Hab 63
- Repolyo - TK Cross, Alex
- Cauliflower - Silver Cup 40
- Petsay - Green Stem varieties
- Letsugas - President (Heading), Mighty Red Oak, Black Seeded Simpson
6. Wilihin ang mga kaibigang kulisap at hayop
- Huwag magbomba ng pestisidyo
- Magtanim ng halamang aakit sa kanya gaya ng basil, tarragon, cosmos, zinnia, sunflower
- Mag-iwan ng bahaging may damo gaya ng paligid at daanan
7. Gumamit ng pisikal na paraan
- Net tunnel para sa petsay
- Pausok, ‘tiriside’ o pagtiris sa mga peste
- Balot ng plastic o dyaryo tulad sa amplaya
8. Magkilib o mulch
- Damo, dayami o plastic mulch
- Mas maganda ang halaman at nakakabawas sa sakit at peste
- Mabagal ang tubo ng damo at pagkatuyo ng lupa
9. Isaalang-alang ang halaga ng damo
- Iwasan ang hubad na lupa
- Para mas madaming kaibigang kulisap
- Pananggalalng din ng lupa sa pagkatuyo at pagkaagnas
- Upang lumago ang buhay sa lupa
10. Huling depensa ang organikong pestisidyo
- Katas ng siling labuyo para sa uod at aphids
- Bomba ng sabong Perla para sa mites, aphids, whitefly at dapulak
- Iba pang halamang pestesidyo gaya ng galangal, tanglad, amarillo
Madadaling I-organiko
- Alliums - bawang, sibuyas, kutsay
- Herbs - coriander, basil, mint, sorrel, arugula
- Cucurbits - kalabasa, upo, patola, pipino, zucchini
- Legumbre - paayap, bush sitao, sitao, patani, habicuelas
- Dahol-gulay - kangkong, saluyot, alugbati, malunggay, unti, lagikway
- Letsugas, asparagus, okra, luya, talong
May Kahirapang I-organiko
- Crucifers - petsay, repolyo, cauliflower, broccoli
- Solanaceous - kamatis, lara, siling kampana
- Cucurbits - ampalaya, melon
Talagang Mahirap pa
- Honey dew melon, pakwan
- Patatas
Huling Tagubilin
- Kung magbebenta ng organikong gulay, huwag ihalo sa may pestesidyong ani
- Ayusin ang pagpapatas at pagbabalot upang hindi masira ta masugatan
- Huwag hayaang maiinitan o maaarawan
- Palamigin o refrigerate kung kaya rin lamang
- Ilakip lagi ang inyong pangalan
Paglalagom
- Hindi ito teknolohiya kundi praktikal na sistema
- Patuloy na pag-aaral sa ugnayan ng lahat ng bagay at may-buhay
- Pagbibigay-galang sa lahat ng may-buhay
_________________________________________________________________________________________
Mga May Akda:
Rodel G. Maghirang Maria Luisa D. Guevarra Marissa B. Miranda Gloria S. Rodulfo Vegetable Division Institute of Plant Breeding University of the Philippines Los Baños College, Laguna, Philippines (63)(049)536-2512
National Research, Development and Extension Network for Vegetables Bureau of Agricultural Research Department of Agriculture
Source: DA-BAR & UPLB-IPB Technical Bulletin “Organikong Paggugulayan”
|
organikong bagay hindi organikong halaman……….
Posted by leana at July 7, 2009, 7:21 pm