(September 10, 2009-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host: Sino si Juan Tamad? At sino naman si Asyong Aksaya, O si Juan Tamad ay naging Asyong
Aksaya?
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Si Juan Tamad ay character sa isang kwentong umikot sa mga nayon at probinsya.
Ang isa mga kuwento kay Juan Tamad ay kuwento tungkol sa bayabas.
Si Juan Tamad ay galing sa ating mga Pilipino, therefore Juan Tamad is Filipino. Alam ba ninyo na isang kathang isip lamang si Juan Tamad, na naging tunay na buhay sa katauhan ng mga Pilipino.
Para sa mga mangmang na hindi kilala kung sino si Juan Tamad, sya yung mamang gusto kumain ng bayabas pero tinatamad pitasin ang bunga sa puno. Kaya humiga sya sa ilalim nito at hinintay na bumagsak ang bunga mula sa puno.
Teka Kaka, ano nga ba ang ending nun istorya? May ending nga ba o bahala na lang tayo mag-conclude?
Si Juan Tamad ay kathang isip lamang, kaya bahala ka na kilalanin kong sino sa mga Pilipino ang nagmana kay Juan Tamad.
Ikaw kaibigan, May kilala ka bang katulad ni Juan Tamad, sa ngayon?
Issue, Juan Tamad patay na….ibig sabihin wala ng tamad na Pilipino? Maraming mga tanong na bumabalot sa likod ng pagkamatay ni Juan Tamad, totoo bang patay na si Juan Tamad?
Kasi ang ipinagtataka ko - Bakit hindi na sya kilala ng kabataan ngayon? O talagang mas sikat na sina Barney, Mickey Mouse, Tom & Jerry at marami pang cartoons characters, na imbento ng taga ibang bansa…. At ang dating sikat na sikat na si Juan Tamad, ay nalaos na? o talagang patay na? Ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay?
Kaka, baka natabunan na siya ng lahar ng Pinatubo.. o baka isinama ng mga Amerikano sa Iraq Invassion at nasabugan ng road side bomb, o baka nama naunahan na sya ng mga ibon na interesado rin sa bunga ng bayabas?
Kaka, ang latest kay Juan Tamad nasa kongreso na, pero hindi na Juan Tamad kundi nagpalit na ng identity, siya na si Asyong Aksaya sa kongreso at Senado….
(PLAY LAUGHING WOMAN)
Sandali sino naman si Asyong Aksaya? Si Asiong Aksaya ay kathang isip ng manunulat/illustrator na si Larry Alcala at ng isinaapelikula noong 1977 at ang naging bida ay si Chiquito, katambal sa pelikula si Suzzete Ranillo at Veronica Jones. May kasunod pa ito noong 1979, ngunit pero nag improved, may aral na, ang title ng pelikula “Awat na Asyong Aksaya”.
Si Asyong Aksaya ang taong nagmamadali, at sa pagmamadali na makuha ang gusto ay gagastus kahit magkano makuha lamang ang gusto.
Kabaligtaran kay Juan Tamad na napakabagal kong gumawa, dahil sa katamaran.
Yaong nakakilala kay Juan Tamad ang Lagi naiisip nila sa kanya ay negative. ngunit alam nyo ba kung bakit siyaa ganun? bakit siya hindi gumagalaw.
Halimbawa… Si Juan Tamad ay naghihintay ng grasya galing sa puno ng bayabas. Siya ay naghintay at naghintay hanggat mahulog yung bayabas diba. yun ang kwento. pero bakit?
Ganito yan… Si Asiong Aksaya ay isang tao naman na gusto makuha agad ang gusto nya sa pinaka madaling paraan. kahit na mag aksaya siya ng kanyang resources.
Paano kung ganito ang kuwento?
Si Asiong at Juan ay naglalakad sa bukid at nakita ang puno ng bayabas.Ginusto nila na kumain ng bunga at sila’y lumapit para maka kuha ng bunga. Si Asiong ay agad na gumalaw para makuha ang bunga habang si Juan naman ay pumuwesto sa ilalim ng puno at ngumanga. di naman sa tinatamad sitya na kunin yung bayabas ngunit ang bayabas ay sobrang taas. Nakita nya naman na gumagalaw si Asyong para makuha ang gusto nila. Si Asiong ay humingi na ng tulong kahit sa mga taong dumadaan para lang makuha ang bunga ngunit wala pa rin nagawa kasi humingi ng tulong eh pandak naman. Ano mapapala ni Asiong dun diba. kasi naman gawa ng gawa ng paraan na makuha ang gusto ngunit hindi nag iisip, habang si Juan naman ay nakita na dahil sa lahat ng mga ginagawa ni Asiong na malapit na pala ito matanggal sa sanga kaya siya ay ngumanganga para makuha ang biyaya…
(PLAY LAUGHING WOMAN)
Lesson of the story: Hindi na kailangan gumalaw. Hindi magtrabaho tayo… pero hello my friend, bago ka naman gumalaw mag isip ka muna kasi baka nag aaksaya ka lang ng Pera, lakas at effort. Ika nga.. think is wisely.. kung gumastos.. tiyakin na pakikinabangan, tiyakin na ang ginastos ay hindi masasayang na pakikinabangan ng nakakarami.
Papaano kaibigan hanggang dito na lamang muna, kami nina Juan Tamad at Asiong Aksaya..
(PLAY LAUGHING WOMAN)
Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahgi natin.. bukas sama-sama tayo sa ating segment na nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.