DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Maling Kaugalian ng Pinoy na Dapat Baguhin

Maling Kaugalian ng Pinoy na Dapat Baguhin

October 5, 2009

(October 5,  2009-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Kaugalian   ng mga Pilipino ang siyang tatalakayin ng  ating segment writer na si Kaka Alih..  but this time ang tatalakayin natin ay anong “Maling Kaugalian ng Pinoy na Dapat Baguhin”?

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Ang Lipunang Pilipino ay may magkahalong lipunan o multi cultural diversity, ang bawat tribu  dito sa Pilipinas ay may mga kaugalian na magagandang kaugalian na dapat panatilihin.    May mga kaugalian na nabuo na hindi na maganda, dahil ito ay salungat na kagandahang asal at kultura’t kaugalian ng mga katutubong Pinoy.

 

Ang ilan sa mga maling kaugalian ng mga Pinoy na dapat ng baguhin ay ibabahagi natin at inyong husgahan kong dapat bang baguhin o panatilihin pa.

 

Kung may kaugaliang Pinoy na aking nais kong baguhin ay ang pagiging mapanuro sa iba. Yung tipong pag may nangyaring problema, ang unang hinahanap ay yung taong sisisihin. Pag naghihirap at nagugutom, gobyerno ang sinisisi.  

 

Na pag bagsak sa subject, yung teacher ang may sala, kesyo teacher na blah-blah, ang iportante may nasisi siya. Kong talo sa election, kasi dinaya kami (ang totoo hindi nakalusot ang kanyang pandaraya) (PLAY LAUGHING). Yes please do’t laugh , wag kayong tumawa, totoo iyan, ang Pinoy, laging iba ang sinisisi ang kapuwa.

 

“Para sa akin Kaka Alih, ang dapat baguhin na ugali ay yung pagka-inggitero ng mga pinoy o yaong tinatawag na crab mentality”. Pagpapaliwang ni Maam, isang guro.

 

Oo nga no? Bakit ganun? kung  kailan umaasenso o nagiging sikat ang isang tao ay saka naman

ito hahatakin pababa ng iba. Ewan ko bakit  kasi nagiging inggitero ang mnga Pinoy….

 

Tama kayo diyan Maam, may mga taong ayaw nilang malagpasan sila ng kanilang kapuwa, gusto nila sila lang palagi ang number one. Kong may nagiging leader sa kanilang angkan, kaagad nagplano na rin na maging leader, at di baling makagawa ng mali, basta maging leader na rin siya.

 

“Para sa akin Kaka Ali, dapat din baguhin ang ugaling “Ningas Kugon” ng mga Pinoy,  Pag-sa simula ang trabaho, ang sipag-sipag yun pala pakitang tao lamang, pag wala ng nakakakita, wala na hinintuasn na ang trabahong sinimulan.”

 

“…isa pang masamang ugali nating mga Pinoy ay yong bang,  ang bilis nating manghusga ng tao…sabi nga ng friend ko don’t judge the book by its cover because you’re not a judge.”

 

(PLAY LAUGHING).

 

Heto ang naman ang kay Maestro: “Kaka para sa akin, ang lahat ng  ito walang dapat sisihin kung hindi mga mananakop naating  mga kastila kaya tayo naging ganito.  (Ipaliwanag mo papaano masisi ang mga Kastila). Ganito yun Kaka,  dahil sa kanilang pang aapi noon sa mga Pinoy, nabuo sa utak ng Pilipino ang mga ugaling ito. Try to read our history book,  malalaman mo na  peaceful ang Pilipinas noong panahon bago pa tayo sakupin ng   Kastila, diba walang krimen at lahat ng tao ay nagkakasundo?”

 

Comment Maestro, history din  man lang ang binanggit ninyo, dagdagan ko   ang sinabi mo. Hindi lang naman ang mga Kastila ang sumakop sa atin,  pati na rin ang mga Amerikano ay sinakop din tayo, at ayon sa political officer ng MILF, ang pinakaugat na problema ng mga kapatid na Bangsamoro ay ang pagsakop sa kanila ng Amerika, ng mabili o masakop ang mga Pilipino, kasama na ang mga Bangsamoro, ay binigyan ng kalayaan ang Pilipino ngunit hindi ang Bangsamoro, dahil ipinamigay sa kapatid na Pilipino.

 

Heto pa ang alam ko na dapat baguhin, “pangungutang para may maihanda sa fiesta.”

 

Tama ka kaibigan, biruin mo kahit pa isanla natin ang bahay natin makapaghanda lang sa ang Pilipino sa mga  fiesta.  Di ba parang mali naman ata yon? papano na ang pamilya natin pagkatapos ng fiesta? (gutom!, gutom Kaka Alih).. Kaibigan  payag ba kayong ganon ang mangyari?

 

“Kaka Alih, para sa akin, maituturing ko itong isang napakalaking kalokohan.” (pare marami ang isusumpa sa mga sinabi mo)

 

“Iyan Kaka, isa pang ugali ng Pinoy na dapat baguhin, pag sinabi mo sa kanya ang totoo, galit sa iyo, ikaw pa ang mali”.

 

Actually hindi yung pangungutang ang dapat puntuhin dyan sa pangungutang sa gastusin sa fiesta. Ang dapat baguhin ng mga Pinoy ay yung kayabangan. (Yes mayabang tayong mga Filipino, tabi-tabi lang ang hindi mayabang.. bato-bato sa langit ang tamaan ay may bukol)

 

 (PLAY LAUGHING).

 

Yes huwag pagtawanan ang sinabi ko, tayong mga Pilipino, kahit pa anong okasyon nangungutang makapaghanda lamang. Bakit  kung wala kang pera, bakit ka naman maghahanda para lang hindi masabi ng kapitbahay mo na wala kang pera? Yun siguro ang dapat baguhin kayabangan, pag nawala na yung yabang, hindi na problema ang pangungutang.

 

“Isang ugaling dapat mawala satin ay yung pagiging mapagsamantala   yung pakakainin mo na sa palad pero pati siko ay gusto pang sunggaban…”

 

(PLAY LAUGHING).

 

Hay naku di ito matatapos kong ang pag-uusapan ang dapat baguhin sa ating mga Pinoy, ang adapat yata ay complete overhaul..

 

Bweno ituloy na lamang ninyo ang talakayan sa inyong mga kumpare ang magbigay lamang kayo ng feed back kay Kaka Alin,  pansamantala   hanggang dito na lang muna kami,  Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…itutuloy natin at  lalo natin  paiigtingingin talakayan.. This your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

 

Posted by dxupfm at 7:12 am | permalink

Previous Comments

ganda ng play sana sumulat pakayo ng marami

^.^

Posted by james stephen trapero at February 2, 2010, 7:19 pm

Add a comment