(December 2, 2009, Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host: “Ano ang inaasahan mo sa mga kandidato? ano man ang sagot mo Kaibigan, samahan ninyo kami nina Kaka Alih, dahil iyan ang tatalakayin natin sa ating segment na nakaka ?
(NAKAKA- INTRO)
Kaka: Ang tanong ni Nancy ay “Ano ang inaasahan natin sa mga kumakandidato?
Heto ang sagot isang retiradong guro, na ngayon ay tagapag-alaga ng kanyang mga apo: “Simple lang ang sa akin Kaka, tanggapin ng mga kandidato na may matatalo at mananalo sa kanila”.
Tama si Sir, talagang may matatalo at mananalo. Sa ating bayang Upi, isa lang ang mahahalal na mayor at vice mayor at sa pagka-konsehal naman ay walo lang, kaya asahan natin sa 34 na nagfile para pagkakonsehal ay 26 ang matatalo, ganoon din sa mayor apat ang maiiwan sa limang nagfile ng kanilang COC.
Ano pa ang inaasahan mo, sa iyong kandidato? “Sa Akin Kaka idinadalangin ko na sana matalo” Bakit? “Galit ako sa kanya… di ako sinama sa partido”.
(LAUGHING)..
Heto ang isang botante: “Ako Kaka, inaasahan ko na dadagdagan nila ang laman ng sobre na ipamimigay nila sa araw ng halalan”.
(LAUGHING)
(Aray! Ang sakit naman Kuya Alih) ito ang Sagot ng isang binatilyo na naka-experience sa suhulan sa mga nakaraang halalan.
Iyan ang sakit ng ating lipunan sa ngayon, suhulan sa panahon ng halalan, ito ang sakit na dapat nating gamutin, kinakailangan mawala ang suhulan. Dahil ang epekto ng suhulan ay pagkalugmok ng bansa, dahil sa corruption ng ating mga oficial na nahalal.
“Marahil dahil sa sistema ng pagpili ng pinuno ng bansa natin kaya nangyayari ang ganitong mga suhulan, o sadyang kapit sa patalim ang mga Pinoy kaya nangyayari ang mga ganito.” Paliwanag ng isang Ginang.
Sa ating bansang Pilipinas ganito kasi ang pagpili ng pinuno ng bansa, lalawigan, hanggang sa Barangay ay idinadaan sa botohan at kong sino ang may pinakamaraming natanggap na boto siya ang idedeklarang nanalo.
Ngunit kong pagbabasahin natin ang mga kuwento na hindi pa natin napatunayan o nakakuha ng ebedinsiya ay nitong huling mga halalan ay tila hindi na nasusunod ang kong sino ang binoto ng nakakarami, dahil kong sino ang may kakayanang baguhin ang resulta ng botohan ay siyang nanalo, hindi yaong binuto ng nakakarami. Pero Kaibigan, sabi ng COMELEC, mahihirapan na silang baguhin ang resulta ng halalan sa ngayon 2010 dahil automated na. automatiko na itong mabibilang ng computer, pagdating municipal level, kong sakaling mga dayaan ay sa precinct level, o sa individual na botohan.
“Marami ng pagbabago Kaka, nagiging marumi na at dapat ng linisin ang klase ng ating halalan sa Pilipinas” himutok ni Maam.
Tama ka maam, marami na akong napapansin na dapat ng itama , halimbawa: Sa ngayon, sa registration pa lamang ay di na maiwasan ang “lagayan” sa pagitan ng mga kakandidato at sa mga botante.
“Papaano kasi Kaka sinanay nila ang mga botante, na binibigyan ng kakandidato para lamang magregister, hayun nasanay na”. sabi naman ng Kumpare.
Sa araw naman ng halalan, may mga botante na hindi bomoboto hanggat hindi nakakatanggap ng “sobre” o “regalo” mula sa isang kandidato.
Sabi ni Pare: “Kaka, sinisugoro ko lang na mapapakinabangan ko ang taong aking iboboto dahil alam ko pag nahalal na ay wala namang improvement sa aming lugar, kaya cash advance na ako”
(LAUGHING)
O hayun kaya naman pala, pero pare ko, ayaw mo ng corruption pero ikaw mismo ang nagpasimula, dapat ikaw ang magpasimuno na mawala ang corruption, huwag nating turuan ang magiging official natin na maging kurakot.
Kong inaasahan mong maging mabuting serbisyo sa bayan ang ibibigay ng iyong official na inihalal, huwag mo siyang itulak na maging kurakot, tulungan mo ang iyong official na ng bayan na huwag makapagnakaw sa kaban ng bayan.
Tandaan Kapatid, ang botanteng tumatanggap ng suhol mula sa kandidato, tiyak magsisi balang araw, dahil anak o apo ang daranas ng hirap, dahil tiyak babawiin ng iyong official na nahalal ang mga perang nagastos na ipinamudmud sa mamamayan para manalo.
Tandaan mo kapatid ang kandidatong namumudmod ng pera sa halalan, tiyak kukurakutin ang pera ng bayan.
Bakit Kaka Ali may kandidato pa ba ngayon na hindi mamimigay ng pera?
Aywan ko… Malabo.. ((LAUGHING).. sigoro.. ngunit pababayaan ba natin ito? Sino ba ang mapipirhuwiso, hindi ba tayo rin.. na mga mamamayan?
“Yes kaka Tayo ang maghihirap”
Ganoon naman pala eh, di sama-sama tayong papaano ito matitigil at at tulongtulong tayong maituwid ang mga
Ito ang inyong kandidato.. (LAUGHING).. ehe hindi pala.. ito ang inyong segment writer at producer, ng Nakaka si Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh.