(September 2, 2010-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host/Lenyrose: “ Kapatid na nakikinig …may naririnig pa ba kayong humuhuning Ibong Kalaw o hornbill sa ating mga kagubatan? Marahil ay wala na.. Bakit?..
(NAKAKA- INTRO)
Kaka Ali: Marahil ang mga kabataan sa ngayon ay bibihira ang nakakita ng ibong kalaw (rufuos hornbill) at bibihira din ang nakarinig ng makapangyahrihang huni nito, na siyang nagsisilbing orasan ng mga mangbubukid noon. Yes my friend, datirati ang huni ng kalaw ang nagsisilbi nilang orasan dahil maiingay ang mga ito sa pagitan ng ika-10 ng umaga hanggang tanghali at ika-3 hanggang ika-5 ng hapon.
Ang kalaw ang isa sa mga natatanging ibon na may kakaibang pag-uugali. Ang babaeng kalaw ay kailangang pumili ng mahusay na katipan dahil dito nakasalalay ang kanyang buhay at ng kanyang anak.
Bago mangitlog, ang mag-asawang kalaw ay mamimili ng isang mataas na puno na mayroong natural na uwang (butas). Pagkaitlog, ang babaeng kalaw at ang kanyang itlog ay magpapakulong sa loob ng butas. Ito ay isesemento ng lalaki gamit ang pinaghalong-putik at kung ano-ano pa at tanging maliit na butas lamang ang ititira para maiabot ng lalaki sa babaeng kalaw ang kanyang pagkain.
Ang babaeng kalaw at ang kanyang mga itlog ay makukulong nang halos tatlo hanggang apat na buwan habang ang lalaking kalaw naman ay walang tigil na maghahanap ng pagkain para sa kanya at sa kanyang katipan. Kapag napisa na ang mga itlog, ang babaeng kalaw ay lalabas na sa lungga at ikukulong ang mga inakay. Ang mag-asawang kalaw naman ay patuloy na maghahanap ng pagkain at papakainin ang mga nakakulong na inakay sa loob pa ng tatlong buwan.
Dahil sa ganitong kakaibang pag-uugali, napakaliit ng tsansa ng mga kalaw na mabuhay at dumami. Ang pagkaubos ng kagubatan lalo na ng mga malalaking puno ay isa malaking panganib na kinakaharap ng mga ibon na ito. Kapag ang lalaking kalaw at nahuli, nabaril o namatay sa pagkakataong ang kanyang katipan ay nasa loob ng uwang, ang kanyang mag-iina ay tuluyan ring mamamatay.
Ang mga ibong kalaw ay bahagi na ng buhay ng mga katutubo, at ito na rin ang maaring gamiting likas na batayan na dahan-dahan ng nawawala ang ating kagubatan.
Marahil ang ilan sa inyo ay nagtatanong kung bakit mahalaga ang kagubatan sa tao at kung bakit natin ito kailangang pangalagaan.
Ang kagubatan lang naman ang tumutulong sa atin upang tayo ay mabuhay, dito nanggagalaing ang oxygen na kailangan ng tao. Kung wala ang mga kagubatan, wala tayong masasarap na pagkain, sariwang hangin na malalanghap, at magagandang tanawin na matatanaw.
Ang Kagubatan din ang itinuturing na banga ng mundo, ito’y dahil sa kakayanan niyang mag-imbak ng tubig mula sa mga puno. Siyempre kung ang isang kagubatan ay malago at luntian, senyales ito na mayroon siyang kakayahang mag-ipon ng tubig gamit ang kaniyang mga ugat na siyang sumisipsip ng tubig mula sa ulan. Dito’y nakakalikom siya at pagdating ng tag-araw ibinababa niya ito patungo sa paa ng kagubatan na kung saan dumadaloy sa mga ilog. Sa kalunsuran, halimbawa ang Nuro, ang mga ilog o bukal tulad ng Romagonrong fall, na pinagkukunan natin ng tubig ay dumadaan sa mahabang proseso bago ito tuluyang dumating sa ating mga gripo upang maging ganap na pamatid uhaw, pang-ligo, panlaba, pandilig at marami pang iba.
Subalit ang tanong paano kung ang banga ng mundo ay mawalan ng mga puno, ano ang mangyayari? Ano ang mga epektong kahahantungan nito?
Ayon sa aking mga nabasa at sa personal na karanasan, narito ang ilang senyales, kapag nawala ang mga puno.
Una, maaaring lumikha ito ng pagguho ng lupa o erosyon mula sa kagubatan lalo na’t kapag dumarating ang walang humpay na ulan. Maaari rin itong makasira sa balanse ng isang ekosistema na nagpapagalaw sa bawat may buhay na doon ay nagkakanlong. At sa pagsulong ng ganitong sistema sa kalaunan ang mga ilog na nagdadala ng tubig sa atin ay tuluyan na ring matutuyot at ang erosyon ay nagiging dahilan din ng paglabo at pagdumi ng tubig dahil sa paghalo ng mga lupa at putik mula sa nakalbong kagubatan.
Ngunit ako’y nalulungkot, dahil tayo, na dapat ay nakamulat ang ating mga mata, ngunit kong minsan nang nagbulag-bulagan tayo sa malubhang sitwasyon ng ating mga nawawalang kagubatan.
Tayo, na puwede tumulong sa pagtatanim ng puno, na siayng bumubuo ng mga kagubatan, ay inuubos ang oras sa mga bla- bla o kaya ay inuubuos natin ang ating oras sa pamamalengke. Na puwede namang maglinis o kaya ay magtanim ng gulay o punong kahoy sa ating bakuran, kaya lang nakaklungkot kong minsan, papaano kasi ang iba nakatutuk sa pagkukumpute ng numero (LAUGHING) para sa Last two??? HINDI sa computer, sa internet, nagfarmville (LAUGHING) sa buong magdamag hanggang sa lumabo na halos ang kanilang mga panngin. Oo, inaamin ko, na ako rin mismo ay minsan nang nabulag dahil sa kaaliwan ko sa makabagong teknolohiya (LAUGHING)….hindi po sa last two, Haraam po iyan sa Islam, sa internet, sa facebook at pagsusulat ng script natin sa nakaka. (LAUGHING) ..
Seriously speaking tayon, sana tandaan natin ang kaunaunahang tungkulin na ibinigay sa atin ng Diyos ang pangalagaan ang Kanyang mga nilikha, kasama na diyan ang kagubatan, punong kahoy, mga ibon at of course ang asawa mo. (LAUGHING) ..
Simulan natin ang pag-gawa, hildi lamang sa salita, magsimula tayo sa sarili nating kabahayan, tayo’y maglinis, magsegregate ng basura, at magtanim ng mga puno, kahit isa bawat linggo, eh di may 72 kang puno sa isang taon.
Kaibigian bakit ayaw mong maniwala? Hihirit ka pa? heto ..Napapansin n’yo ba ang patuloy na pagbaha sa ating lugar? Ilang beses ng binaha ang Nuro, di basta baha, flashflood pa, iyon ay dahil sa unti-unting pagkaubos ng ating punong kahoy, na pinuputol ng mga illegal loggers. Hay!…. SALAMAT SA DIYOS, SA ATING BAYAN NG UPI NAPATIGIL NA ANG LOGGING, O PAGTROSO…TOTOO BA? WALANG NG LOGGING SA UPI?
(LAUGHING)
May pag-asa pa Kapatid May bukas pa ba? Idalangin at gawin natin na makamtan ang ating minimithing bukas, para sa ating susunod na henerasyon.
Sukran.
(PLAY –EXTRO-NAKAKA)
(August 20, 2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose B.Sunio)
Host: “Ang tatalakayin natin sa ating nakaka ay ang pagtataguyod at pamamahala ng ating kagubatan, dahil sa nakakaalarma ng kalagayan nito sa ating bayan at bansa, samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na …
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Ang kagubatan ay likas yaman o likha ng Diyos, na kabundukan na may maraming punong kahoy, mga galang hayop at iba pang nilikha ng Poong Maykapal
Tanong: “Gaano kahalaga ang Kagubatan sa ating kapaligiran?”
Kasagutan: Mahalaga ang gubat sa ating buhay dahil ito ay pinagkukunan ng ating pagkain, gamot, tubig at mga kahoy para magamit sa ibat-ibang pangangailangan. Ang kagubatan ay may luntiang kapaligiran na may mga ibat-ibang halaman na siyang nagbibigay buhay at sigla sa iba pang nilalang na hayop at ng mga tao. Ang mga naglalakihang mga puno ang siyang nagpapalakas sa mga bukal ng tubig para magamit ng lahat ng nangangailangan nito (tao,hayop at mga halaman). Ang buhay at malusog na kagubatan ay gumaganap bilang pangsala ng kalikasan (buffer system) sa alin mang kapaligiran sa buong daigdig, di lang ito naglilinis ng hangin, lupa at tubig kundi nagpapanatili sa tamang temperatura na kailangan sa malusog na buhay ng bawat nilalang. Ang pansalang pangkalikasan na ito (maluog na kagubatan) ay panimbang din sa lahat ng labis na init at polusyon. Ang pag init ng buong daigdig (global warming) ay isang malinaw na halimbawa, kaya nag-iinit at mundo sa ngayon. Na ayon sa mga dalubhasa ay dahil sa dahan-dahang pagkaubos ng punong kahoy, ay kasabay ding nawawala ang natural buffer system ng mundo.
Kaya naman ayon sa mga siyentipiko kong gusto nating ibalik ang tamang timpla o condition ng mundo ay ibalik natin ang likas yaman ng ating kagubatan. Sa kalagayan natin sa ngayon na haos kalbo na ang kabundukan ay mahirap ibalik kaagad ang mukha ng ating kagubatan, ngunti kong gagawin natin ay kayan natin. Ayon sa mga pag-aaral ay dapat unahin na iwasto ay ang kalagayan ng lupa upang magkaroon ng kalagayang angkop sa mga itatanim na mga puno at halaman. Maglagay ng mga shade plants o panganlong bago isusunod ang mga principal seedlings o pangunahing mga punla upang sa gayon ay madaling makakaayon sa lupaing pagtatamnan. Isang halimbawa ng shade plant o panganlong na tanim ay ang kakawate o madre kakaw ,isang legumenous plant na may kakayahang pagandahin ang lupa sa pamamagitan ng kakayaham nitong baguhin ang nitrogeno compound sa available forms o anyong magagamit ng mga halaman.Dahil dito ang isusunod na itatanim na mga pangunahing punla ay mapapaboran sa pamamaraang ito.Magiging mataas ang survival rate o bilang ng mabubuhay.Bukod dito ang mga shade plants ay mainam na gawing gatong o uling na mapagkakakitaan ng iba sa halip na putulin ang principal seedlings o punla na siyang inaaasahang magiging kagubatan sa darating na panahon.Ang pagtataguyod ng kagubatan ay isang hakbang para sa pagbibigay daan upang patuloy mabuhay ang lahi ng mga tao at iba pang hayop sa daigdig na ito.
Tanong ng isang batang nag-aaral “Tay, bakit nauubos ang ating kagubatan?”
Anak may mga bahagi ng ating ang kagubatan sa ngayon ay na walang namamahala o hindi pa napasasailalim sa anumang klaseng pamamahala kung kaya’t kahit sino na lang ay malayang pumapasok dito at pumutol o kumuha ng mga yaman gubat. Ito ang bahagi ng kagubatan na tinatawag na “open access.” Mayron ding bahagi ang mga kagubatan na mayroon ngang namamahala, subalit ang mga may hawak nito ay nagpapabaya naman sa kanilang responsiblidad o tungkulin.
Dahil sa sitwasyong ito, may mga taong basta na lang pumapasok sa kagubatan upang mamutol ng kahoy, magsasagawa ng kaingin, at iba pang mapanirang (destructive) gawain, na nagdudulot ng pagkakasira at patuloy na pagkaubos ng ating natitirang yamang-gubat o kagubatan.
May pag-asa pa ba tayo upang isalba o iligtas ang pagkasirang ito ng ating kagubatan?
Of course, ang lahat ng pagkakataon ay nasa tao, kailangan lamang na gawin, hindi sa salita lamang . Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at pamamahala ng ating mga kagubatan. Kinakailangan ang ahensiyang matatag, maunawain, masigasig, at mga namamahala at nagpapatupad na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan. Kaya naman ang ating pamahalaan, sa pangunguna ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR) ay nakipagtulungan sa Local Government Unit of Upi at binuo o itinatag ang FLUP?
Lenyrose : Ano ang FLUP?
Kaka Ali: “Ang Forest Land Use Plan (FLUP) ay nagtataguyod o nagsasagawa ng isang pamamaaraan ng pagpaplano-matapos ang isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan-upang mailagay sa maayos na pamamahala ang mga ito. Ito rin ang siyang magiging basehan sa “alokasyon” o paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.
Lenyrose: Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na pwedeng gamitin o kumuha ng likas yaman ang mga mamamayan?
Kaka Ali: Hindi, pwede pa rin , subalit may mga allocation o paghatihati sa ating kagubatan papaano pangangalagaan at gagamitin. Ang FLUP ay makakatulong sagutin ang mga katanungan tungkol sa alokasyon tulad ng:
· Anong bahagi ang dapat ay protektado-tulad ng watershed reservation?
· Anong parte ang maaring ipamahala sa kumunidad? O sa pribadong sector? O sa pamahalaang lokal (tulad ng communal forest)? O sa ibang ahensiya ng pamahalaan (tulad ng pamantasan, National Power Corp. O NAPOCOR, Philippine National Oil Corp. Oo PNOC, atbp)?
Ang tamang alokasyon, base sa FLUP, ay mangangahulugan ng paglalagay ng naangkop na pamamahala sa mga kagubatan na titunuturing na “open access” (walang namamahala). Sa pamamagitan nito, magiging malinaw ang mga responsibilidad at pananagutan ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR), pamahalaang lokal, (LGU), at maging ang lokal na pamayanan, upang tiyakin na maisakakatuparan ang tamang pamamahaang nabanggit.
Lenyrose: “Bakit kailangan pa ang FLUP Kaka?”
Kaka Ali: “Bakit kailangan pa ang FLUP” dahil ito ay mahalaga o iportante, upang matukoy ang open access na kagubatan at mailagay sa tamang pamamahala ito, kasunod ng pagbibigay ng tenure sa mga interesado at responsableng tao o organisasyon na maaring mamahala dito.
Alam ko kaibigan marami kang itatanong, maaring itanong mo, Paano makatutulong ang FLUP sa ugnayang DENR-LGU ukol sa alokasyon at pamamahala ng kagubatan?
Kaibigan, ang FLUP ay magsisilbing batayan tungo sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng DENR at pamahalaang lokal at iba pang sektor upang malinaw na maitupad ang mga kasunduan ayon sa alituntunin ng batas. Sa gayon, mapapadali ang pagtutulungan ng DENR at LGU na maisakatuparan ang mga mithiin sa pamamahala ng kagubatan, ganun din sa pagpapasya ng DENR sa pag-isyu ng angkop na tenure, ayon sa itinalaga ng plano.
Ayon sa implementing guidelines, ang FLUP ay magsisilbing rin batayan ng ibat-ibang sektor sa pagmomonitor ng pagbabago sa kagubatan. Sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor, agarang maaaksyunan ang mga problema na posibleng kaharapin sa pamamahala ng ating kagubatan. Dahil ditto ay ang mga mamamayan ay maraming magiging pakinabang sa oras na ang FLUP ay maisakatuparan na.
Halimbawa ay ang:
Ø Pagkakaroon ng tenure. Ang mga kwalipikadong komunidad ay maaring mabigyan ng “tenure” na nagbibigay sa kanila ng pribilehiyo upang siyang mangalaga sa ilang bahagi ng lupang gubat, kasama na ang likas-kayang paggamit ng ilang likas-yamang napapaloob sa kasunduan. Ang tagal ng kasunduang ito ay umaabot ng taon-minsa’y mula sa 25 hanggang 50 taon. Ang “tenure” ay isang pribilehiyo lang; hindi ito isang titulo ng lupa.
Ø Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa paggamit ng likas-yaman. Dahil nga ang pamamahala ng kagubatan at paggamit ng mga yamang-gubat ay ipapasaloob sa isang malinaw na kasunduan na kung saan ang lahat ng maaapektuhan ay kukunsultahin, maiiwasan din ang away at anumang di pagkakaunawaan ng iba’t-ibang sector ng pamayanan.
Ø Pagkabawas ng mga illegal na aktibidad. Kung mayron nang isang komunidad o organisasyon ba responsable sa pangangalaga ng kagubatan, siguradong ang mga ilegal na pagpuputol, kaingin at iba pang mga aktibidad na nakakasama sa kagubatan a nababawasan na.
Ø Mga pang-matagalang pakinabang. Sa pamamagitan ng FLUP, maisasaayos ang mga pamamahala ng kagubatan at mga yamang-gubat upang ito ay patuloy ng kabuhayan para sa kumunidad/pamayanan. Kapag maayos ang kalidad ng kagubatan at ang mga yaman nito, patuloy itong magbibigay ng iba’t-ibang uri ng pakinabang, gaya halibawa ng patuloy na supply ng kahoy at iba pang yamgn-gubat, proteksyon sa mga kumunidad, at marami pang iba. Mababantayan din ng mga mamamayan ang paglalagay ng mga proyekto at masusunri nila kung ang mga ito ay naayon sa pangangailangan ng kagubatan at sa kagustuhan ng mga kumunidad.
Lenyrose: “Ano naman ang pakinabang ng mga nasa kapatagan?”
Kaka Ali: Ang pagsasaayos ng pamamahala sa kagubatan ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga nasa kapatagan. Ang kagubatan at kapatagan ay kunektado sa isa’t-isa. Anumang mangyari sa kagubatan ay makakaapekto sa kapatagan. Kaya kung maayos ang pamamahala sa kagubatan, ang kapatagan ay siguradong makikinabang, tulad ng pagkakaroon nto ng regular na panggagalingan ng tubig para sa irigasyon, gamit sa bahay, atbp.
Lenyrose : May papel ba na dapat gamapanan ng pamayanan sa pagbuo at sa pagpapatupad ng FLUP?
Kaka Alih: Yes, ito ay multi-sectoral. Mahalaga ang pakikilahok ng mamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng FLUP. Kaya nanawagan tayo sa mamamayan ng Upi ng tulungan natin ang LGU Upi sa pagpapatupad ng FLUP sa ating bayan ito ay para na rin sa kinabukasan n gating saling lahi o susunod na henerasyon.
Sukran… Wassallam.
(PLAY EXTRO-NAKAKA)
(August 15, 2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na”Nakaka”. Host –Lenyrose B. Sunio)
Host:”Pangangalaga at Pagmamahal sa Puno at Hayop sa pananaw ng Islam ang ating tatalakayinngayong umaga sa ating segment na nakaka at makakasama natin si Kaka Ali”
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Marahil sa mga hindi nakakaalam sa Deen ul Islam aymagtataka, kong ang pag-uusapan natin ay tungkol sa kapaligiran ay base sakaturuan ng relihiyong Islam, dahil ito ay religion,. Kapatid na nakikinig, dahilng ayon ay Banal na Buwan ng Ramadan, ay ating tatalakayin sa ating segment nanakaka ang tungkol sa kalikasan sa pananaw ng Islam.
Ang Islam ay hindi lamang nagtuturo ng religion “per see” kundi ito ay sakop din anglahat ng aspeto ng buhay, halimbawa usapin na sya nating tatalakayin natin ngayon, ang Pangangalagaat Pagmamahal sa Puno at mga Hayop.
Sa Islam ang kaugnayan sa pagitan ngsankatauhan at ang kapaligiran ay batay sa katotohanan na ang lahat ng bagay sadaigdig na ito ay nilikha upangmapalakas ang ating paniniwala at pagsamba sa Allah.
Ang pagsambang ito ay hindi lamang isang rituwal na pagganap, ngunit ito’y pinapakahulugan sa pamamgitan ng mga gawa; na ang ibig sabihin ito’y bahagi ngpaniniwala ng mga Naniniwala (Muslim) upang hindi sirain ang kapaligiran.
Ang sankatauhan ay may-pananagutan para sakabutihan at pangangailangan ng ibang nabubuhay sa paligid ng mundo, katulad ng hayop at lahat ng uri ng halaman na hindi masira o mawasak ang kapaligiran nito.
Alam mo ba Kapatid na ang Propetang si Muhammad (SAW) ay hinimok ang pagsasakahan (agricultural sector) na palawakin ang mabiyayang kapaligiran dahil dito nagmumula o kinukuha ang mga ikinabubuhay ng tao at hayop?
Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW): “At kung anuman ang itinanim ng isang Muslim o mag-alaga ng binhi o ng isang halaman, o ng isang tao, o ng isang hayop, o ano pa man na kaniyang inalagaan, ito ay ibibilang para sa kaniya na isang gawain ng kawanggawa.” (Mula sa Hadith na Iniulat ni Al- Bukhari)
Alam mo ba Kapatid na ang Propeta Muhammad (SAW) ay ang kaunaunahang nagtatag ng pangangalaga ng kapaligiran?
Ayonkay Propeta Muhammad (SAW) ay ang mgapuno ay hindi maaaring putulin at ang mga hayop ay huwag papatayin. Ang Madina ay kanyang pinangalagaan angkapaligiran, kanyang ipinag-utos sa mgaSahaba (Companion of the Prophets) walangpuno na dapat aalisin o puputulin maliban lamang kong talagang kinakailangandahil maaring magiging sanhi ng pag-alis ng mga kamelyo.
Sinabing Propeta: “Ito ay banal, at walang puno dito ang maaaring putulin, maliban naang isang tao ay pakakainin ang kaniyang kamelyo.”
Sinabirin niya: “Hindi ko ipinahihintulot na ang puno sa pagitan ng dalawang batongmaitim (palatandaan ng hangganan) ng Madina na putulin ito.” (iniulat ni Al-Bukhari)
Ganoon sa mga hayop itinuro atipinag-utos ng Propeta Muhammad (SAW) ang pagmamahal at pagkalinga sa mga hayop.
Ang magbigay ng kawang-gawa sa mga hayop ay kabaitan at kabanalan, at kapag angisang tao ay hindi tumulong para sa kapakanan ng hayop, ay nagtataguyod ngkasalanan at pang-aapi at sumasalangsang sa Maykapal na Makapangyarihan salahat.
Angilayo ang hayop mula sa pagkain at inumin, at pabayaan ang pagdidilig ng punongkahoy at halaman hanggan sa sila ay mamatay, ayon sa salita ng Maykapal,winawasak niya ang daigdig at at sinisira ang mga halaman at ang mga kaapu-apuhan.
Isinumpang Propeta ang sinuman na pumatay sa isang may buhay na nilikha para lamang sagawain ng paligsahan [tulad ng pangangaso]. (At-Tirmidhi)
Ipinagbawal ng Propeta na ihanda ang mga hayop upang sila ay maglaban-laban bilang pang-paligsahan.” (At-Tirmidhi)
Kaugnay pa rin ng pagmamahal sakapaligiran na ipinag-uutos sa mga tao (mga Muslim) napanatilihin ang kalinisan ng pamayanan.
Dahil ang Propeta Muhammad ay hinihimok ang mga tao na linisin at huwag dumihan ang kanilang mga bayan.
Sinabing Propeta Muhammad (SAW): “Ipinakita ko ang mga gawa ng aking matapat natagasunod: kapwa mabuti at ang masama, Nakita ko sa aking sarili ang kanilang mga gawang mabubuti sa pamamagitan ng pag-aalis ng nakasasakit na bagay sa daanan ng mga tao. ” (Iniulat ni Muslim)
Sinabipa rin niya: “Ang Pananampalataya ay kabilang ang mahigit na pitongpung sanga,…ang pinakapayak sa mga ito ay ang pag-alis ng anomang bagay na pinagmumulan ngsakuna mula sa daanan.” (Iniulat ni Muslim)
Ilan lamang ito Kapatid sa mga katuruan ng Islam tungkol sa pangagangalaga sa ating kalikasan.
(July 30, 2010-Friday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host: “Ano ang flashflood at landslide? Paano nagkakaroon ng flashflood at landslides ? Mga dapat isaalang-alang sa panganib ng flashflood t land slides, iyapo ang sasagutin sa tin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: Nitong unang buwan pa lamang taon ay may mga pagtaya na ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magkakaroon ng Flashflood at landslide sa bansa.
Narito ang ilan lamang sa mga naging balita sa pagpasok ng taon Sa pagbungad ng taong 2010, sasalubungin ng mga pagbaha at mga pagguho ng lupa o landslides ang ilang bahagi ng Visayas at hilagang Mindanao ngayong taon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration .
Ayon sa PAGASA, ang ganitong pangyayari ay sanhi ng buntot ng cold front na nararanasan sa Visayas.
Ang mga ito ay naganap hindi po ba.,. hindi lamang natin binibigyan ng pansi ang balita kong minsan dahil wala naming naiulat na nangamatay, ngunit kapag katulad noong naganap na flash flood sa Infanta Queon 2004, naku.. never mind.. pag-usapan na natin ang ..
Ang mga tanong ni Lenyrose ay Ano ang flashflood? Paano nagkakaroon ng flashflood? Mga dapat isaalang-alang sa panganib ng flashflood
Ano ang flashflood? – Ang flashflood ay ang biglaang paglaki at pag-apaw ng tubig sa isang ilog patungo sa karatig na mababa o patag na lugar
Paano nagkakaroon ng flashflood?
1. Biglaang malakas na pag-ulan.
2. Biglaang pagtagas ng naipong tubig sa kabundukan.
3. Biglaang paglipat ng aktibong channel ng ilog.
4. Pagkasira/pagkaubos ng kagubatan
5. Biglaang pagtagas ng naipong tubig sa dam –
6. natural landslide o log jam o nagbara ang tubig sa ilog at bigla magbubuksan, hayun flasflood.
Additional input paano nagkakaroon ng flashflood? –
· Dahil sa biglaang malakas na ulan,
· Ang ibabaw ng lupa ay mabilis na napupuno ng tubig.
· lumiliit ang tubig na kayang tumagos sa ilalim ng lupa at masipsip ng mga ugat ng halaman.
· mabilis na lumalaki ang tubig na mapupunta sa mga sapa at ilog .
· Kapag nasira o nawala ang kagubatan… –
ü Walang mga puno at halamang nagpapabagal sa pagbagsak at pag-agos ng ulan sa lupa –
ü Sinisiksik ng direktang patak ng ulan ang ibabaw ng lupa, lumiliit ang tubig na kayang tumagos sa ilalim ng lupa –
ü Walang mga punong sisipsip ng tubig mula sa lupa –
ü Mabilis na lumalaki ang tubig na mapupunta sa mga sapa at ilog
Mga dapat isaalang-alang sa panganib ng flashflood .
ü Mabilis na rumaragasa – Maaaring di sapat ang panahon para lumikas;
ü Kadalasang may dalang putik, buhangin, bato, at/o puno – Mas may kakayanang tumangay (highly erosive) kaysa bahang kalakhan ay tubig lamang;
ü Maaaring mabaon ang mga tao o haayop sa mga ito paghupa ng baha;
ü Malayo ang nararating – Malawak na apektadong lugar – Maaaring makaranas ng flashflood ang lugar na hindi nakaranas ng malakas na ulan;
ü Madaling magbago ng active channel ang flashflood;
ü Maaaring magdulot ng landslide ang flashflood dahil sa pag-uka ng mga matatarik at matataas na pampang ng ilog.
Ano ang landslide? – Ang landslide ay ang paggalaw ng mga bato, buhangin, putik at/o lupa pababa ng isang slope. – Ang paghila ng gravity ang pangunahing dahilan ng landslide. – Maaring mabagal o mabilis ang paggalaw –
Mga klaseng landslides:
Ø Isa/ilang malaking tipak o bloke ng bato;
Ø Buhaghag at tuyong pag-agos ng lupa;
Ø Buhaghag at may kahalong tubig;
Paano nagkakaroon ng landslide? –
Ø Bumibigay ang lupa ang lupa dahil sa bigat dahil umulan at nabasaang lupa, Pressure ng
Ø Nagkaroon ng pagyanig at bumigay ang tibay ng bato o lupa,
Ø Pagkakaroon ng mga bitak o puwang na maaaring pagdulasan ng bato o lupa at dahil sa slope at kulang na ang ng mga ugat ng puno humahawag sa lupa o bato ito ay kusang bibigay, at hayun landslides.
Ø Ang pag-uka sa ibaba ng slope o bakilid dahil sa paggawa ng kalsada ay bumabawas sa pwersang pumipigil sa paggalaw ng lupa.
Ø Ang pag-uka sa ibaba ng slope dahil sa erosion ng ilog ay bumabawas sa pwersang pumipigil sa paggalaw ng lupa.
Ø Dahil sa matarik at taas ng slope kaya natural na magkakaroon ng landslides..
Ø Ang pagkasira o pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot ng pagbawas sa pwersang pumipipigil sa paggalaw ng lupa.
Mga dapat isaalang-alang sa panganib ng landslide, maitatanong din natin: Saan maaaring mag-landslide? – Kailan nagkakaroon ng landslide? – Laki ng landslide (magnitude), Mas malaki mas mabilis ang landslide, mas malaki ang lugar na maaapektuhan
Ang climate change ay magdudulot ng – mas madalas na malakas na mga pag-ulan – pagtaas ng temperatura – Pagtaas ng sea level.
Inaasahang magiging mas madalas o malawakan ang mga flashflood at landslide dahil sa climate change. Nangangahulugan ito ng mas malaking panganib sa mga mahirap na komunidad na nasa kabundukan o matataas na lugar at sa iba pang sektor na bulnerable sa naturang mga panganib.
Ayon sa isang expert “Ang pinaka ugat kong bakit nagkakaroon ng mga madalas na landslides at flashflood ay ang kaulangan ng mga ugat ng puno na humahawak sa lupa o mga bato.”
(Script na muling isinulat ni Alih Anso -para sa programang “Buhay-buhay sa DXUP” (July 16, 2010) sa segment na “Nakaka” na ang Host ay si Lenyrose Bajar at segment writer/presenter- Alih Anso
Ang orihinal title nito ay Pangalagaan ang Kalikasan Para sa Kinabukasan ng Salin Lahi at naipost natin sa ating dalawang site/blog na: http://dxupfm.i.ph/blogs/ & http://dxup.multiply.com ) noong Enero 1, 2009, at as of July 16, 2010 ay may “hits” ng 9,927 at marami ang nagpost ng kanilang comments at ang iba ay ininagdag natin sa ating revision)
Lenyrose : – Sa muli ang pag-uusapan natin sa ating segment na nakaka ay tungkol sa Kalikasan. Bago ilahad ni Kaka Ali ang ating segment writer at presenter ang usapin sa kalikasan at kapaligiran ay may tanong para sa iyo kaibigan.. Bakit sa tuwing maririnig ang salitang kalikasan ay nailalarawan kaagad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: Bago ko ilahad ang kabuuan n gating sinulat ay ibigay ko muna ang maikling background ng ating topic ngayon. Ang orihinal nitong ating articles/script ay may title na “Pangalagaan ang Kalikasan Para sa Kinabukasan ng Salin Lahi” at naipost natin sa ating dalawang site/blog na: http://dxupfm.i.ph/blogs/ & http://dxup.multiply.com ) noong Enero 1, 2009, at as of July 16, 2010 ay may “hits” ng 9,927 at marami ang nagpost ng kanilang comments at ang iba ay ininagdag natin sa ating revision.
Ang tanong ni Lenyrose kaniana ay “Bakit sa tuwing maririnig ang salitang kalikasan ay nailalarawan kaagad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?
Mamaya masasagot natin ang katanungan na iyan at bukas din ang mga mobile numbers natin kong kayo ay mag-bibigay ng comments.
Heto ang unang sagot sa katanungan, pag narinig natin ang kalikasan o nature ay Nag-rereplek sa ating isipan ang mga panahon na buhay na buhay pa ang ibat-ibang nilikha ng Panginoon ditto sa ating daigdig o mother earth? Na punong-puno ng iba’t ibang nilalang na hitik sa kagandahan, samu’t saring buhay na naninirahan sa malaparaisong kaharian ng Diyos.
Ang katotohanan nito ay ang kapaligiran natin noon dito sa bayan ng Upi, di ba sa una ay sagana tayo sa mga likas na yaman, mga kamamanghang tanawin na nagpapangiti sa ating mga magulang lalo na ang ating mga Ninuno na sina Tabunaway at Mamalu. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa atin ng Kadnan o Alatala (Diyos) dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa tao, at sa buong sangkatauhan.
Sino ba naman ang hindi hahanga sa ganitong tanawin. Paano nga ba hindi ka mahahalina sa iyong kapaligiran, gayong alam mo na taglay ng kalikasang ito ang lahat ng inyong mga pangangailangan upang mabuhay ay abot kamay mo? Gusto mo ng ulam na tapang karne ng usa sagana, gusto mo ng ubod ng rattan nadiyan lang sa tabi ng ating bahay kubo na sa paligid nitoy sari-saring halaman na ang ibay sadya o natural lamang na tumutubo.
Ang tanong nasaan ang likas na yaman ng ating kapaligiran?
Wala na bang pag-asa ang angkan ni Mamalu at Tabunaway na maibalik ang kasaganaan at kagandahan ng kapaligiran?
Ang tao, siya nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago? Isang pag-babago na siyang sumira sa ating kapaligiran, sa siyang sumira sa ating kalikasan na ito pa nman ang nagbibigay sa atin ng buhay.
Nakakalungkot mang isipin ngunit kung ating mamasdan ay isang ganap na pagbabago ang bumabalot sa atin, kasama na ang buong mundo..
At ang katotohanang, isa tayo sa mga saksi, mga saksing nagbubulag-bulagan, na kunwari ay di natin alam ang nangyayari sa kasalakuyang narararanasan ng Inang Kalikasan. Na ang dahilan ng pagkawasak ng kapaligiran ay tayo ( tayong mga Tao) ang naging dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.
Ang tanong ko sa mga giliw na nakikinig, “Papaano,? ” nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang ating kalikasan?
Ito ba ay dahil sa pagbabago (modernization)?; mga pagbabago sa mga bagay-bagay dahil sa natatanging kaalaman ng tao? Kaalaman ng tao na siya ring bumabago sa mukha ng kalikasan?
Hindi kaya ang dahilan ng pagbabago na humantong sa pagkawasak ng kalikasan ay dahil nariyan ang mga makabagong paraan ng paghahanap buhay gamit ang mga makabagong teknolohiya?
Dahil ba sa gumagamit tayo ng makinarya, sa pamumutol ng kahoy gumagamit na ng chain saw, na kaya ng putulin ang daan-daang puno sa isang araw na lamang?
Mga makabagong teknolohiya na siya ring nagdudulot ng polusyon sa mga tubig at hangin. Gumagamit tayo ng langis sa ting mga makina, na nagbubuga ng usok, usok na nakakapagdulot ng sakit sa tao.
Hindi din kaya, na kaya mabilis ang pagkasira ng kalikasan ay kabilang din ang pagtaas ng bilang n gating populasyon (population explosion) na dumami ang tao, syempre kasabay din ang pagdami ng mga umaasa at gumagamit sa mga kayamanang mula sa kalikasan.
Sadyang nakakalungkot isipin na minsa’y napapabayaan natin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan. Sa kabila ng pakikinabang ng tao, ang pang-aabuso ay nariyan na minsa’y tayo rin ang naapektuhan.
“..sana malaman ng maraming tao na ang kalikasan ay siyang pinag kukunan ng ating pang araw-araw na pangangailangan” .
(Comments Posted by jhong at June 28, 2009, 9:17 pm)
Jhong, pagtulung-tulungan natin na mapaabot sa mga mamamayan na ang kalikasan ay mahalaga, hindi lamang sa kasalukuyan kundi pati na rin an gating salin-lahi (next generation).
“…kung mauubos na ang ating mga likas na yaman paano na ang mga susunod na mga henerasyon? “
(Comments and Posted by kenneth at July 12, 2009, 10:04 am)
Ang explanation ng isang lecturer ang dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan ay dahil sa Kaingin system- Ayon sa kanya:
“Landless farmers tend to engage in shifting cultivation unless they are provided with their own land. These landless farmers belong mostly to ethnic or tribal groups which practice upland farming. Along steep slopes of mountains, they clear large areas of forests to grow crops. trees are burned to clear forest. Once cleared, the area is used to grow crops. They burn trees and plant agricultural crops. This method of agriculture is generally referred to as kaingin in the Philippines. In two or three years, the soil loses its fertility. The farmer moves on and makes another clearing without replanting the used land with forest trees.”
Ngunit hindi natin basta masisi ang nagkakaingin may mga dahilan sila: “..ito lamang ang aming tanging kabuhayan na nakagisnan, kong ipapatigil ito sa amin papaano pa kami mabubuhay, papaano kakain ang aming mga anak?”
Iba naman ang pagtingin o pagtanaw ng mga environmentalist:
Ayon sa Texter natin: “Dapat makipagtulungan ang mga paaralan, bago mag-graduate ang kabataan makapagtanim muna ng mga punong kahoy”. Ayon sa sa Texter dapat na magsagawa ang goberno ng mga livelihood project, upang doon mapunta ang atensyon ng mga tao.
At ang sa parte ng ito ng ating sinulat ay may nagcomment ayon sa kanya:
“..alam po nating maraming nagpuputol ng mga puno.. sang-ayon po ako sa pahayag na dapat ang mga bata sa bawat paaralan ay dapat magtanim ng mga puno bago cla maka-graduate.. dapat po sanang gawin ang gawain at proyektong iyon para sa ikabubuti ng lahat din po iyon…….. by janika cuenca
(Comments Posted by janika at July 18, 2009, 7:34 pm)
Sana’y maramdaman din natin na ang kalikasan ay may napakahalagang papel sa ating mga tao. May buhay na kailangang pag-ingatan upang mapanatili ang maayos na sistema sa bawat bagay sa mundong ito na may kanya-kanyang ginagampanan.
Ayon kay Jess Geralino sa programang Usaping Bayan…”Sana huwag nating hayaan humantong sa pagkakataong maranasan ang galit ng kalikasan subukan nating gumawa ng mga paraan kung paano mapapanatili ang magandang relasyon ng tao sa kalikasan”.
Hindi pa huli ang lahat upang tayo’y magkaroon ng mga hakbang upang maibalik ang unti-unting pagkawala ng sigla at kagandahang taglay ng ating “Inang Kalikasan”.
Likas na Kalikasan, na minahal at inaruga ng ating mga ninuno. Kalikasan na siyang bumuhay sa kanil sa mahabang panahon.
Sana’y huwag nating ipagdamot, sanay huwag tayong magtulog-tulogan na masilayan pa ang dating kagandahang taglay ng ating kalikasan sa Upi para sa ating mga susunod pang henerasyon at para sa mga buhay ng bagong kinabukasan!
Bago ko ito tapusin ay babasahin natin ang ilang sa mga naipost na comments:
“..sana malaman ng maraming tao na ang kalikasan ay siyang pinag kukunan ng ating pang araw-araw na pangangailangan .”
(Posted by jhong at June 28, 2009, 9:17 pm)
“dapat prin nyng pangalagaan ang mgaito upang maipagmalaki natin ang kagandahang tinataglay nito”
Posted by miriam at July 5, 2009, 2:11 pm
“kung mauubos na ang ating mga likas na yaman paano na ang mga susunod na mga henerasyon?”
Posted by kenneth at July 12, 2009, 10:04 am
“alam po nating maraming nagpuputol ng mga puno.. sang-ayon po ako sa pahayag na dapat ang mga bata sa bawat paaralan ay dapat magtanim ng mga puno bago cla maka-graduate.. dapat po sanang gawin ang gawain at proyektong iyon para sa ikabubuti ng lahat din po iyon…….. by janika Cuenca”
Posted by janika at July 18, 2009, 7:34 pm
“ang ganda po nito napaka inspirational sana maraming mag aaral ang magbasa nito para matutunan nila na masamang epekto na ginagawa ng tao sa kalikasan…”
Posted by gRaCe at September 2, 2009, 5:24 pm
“…dapat natin isa alang alang ang magiging epekto ng patuloy na pagkasira ng ating kalikasan, na kung saan gawa ng tao ang pagkasira nito.
dapat nating isipin kung wala na ang ating likas na yaman san pa tayo kukuha ng ating pang araw araw na pangangailangan, kaya dapat pag ingatn natin ito at pahalagahan ang bigay ng ating mahal na diyos.”
Posted by carmel benito at October 6, 2009, 10:22 pm
“anu ba 2.. d mgnda WALANG KWENTA.. kaylangan ko kasi kwento ng kalikasan ehh..”
Posted by supladangcripzngbangkal at October 8, 2009, 6:41 pm
“Good forgive, Mans sometimes forgive, But natures never forgive”
Posted by james at October 17, 2009, 4:56 pm
“dapat nating pangalagaan ang ating kapaligiran para umunlad tayo”
Posted by andrea liz j. mendoza at October 22, 2009, 11:49 am
“tayo ay magtulong-tulong upang hindi tayo masawi sa anumang piligro sa ating buhay”
Posted by andrea liz j. mendoza at October 22, 2009, 11:50 am
“tayo ay magkaisa sa paligid upang luminis ito”
Posted by alyssa joyce j. mendoza at October 22, 2009, 11:52 am
“pagkakaisa po dapat ang ating gawin..pra nman po hindi masira ang ating kalikasan..dahil dito po tayo nkuha nang ating pangkabuhayan at iba pa..”
Posted by angelica may dumaraos at June 28, 2010, 5:13 pm
“dapat lng dahil gaganda ang ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at iba pang mga gawain na nakakatulong upang gumanda ang kalikasan”
Posted by annalie abenoja at July 6, 2010, 7:50 pm
“ang pagkasira ng ating likas na yaman ay isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa kasi related ito sa ating ekonomiya … tama?!”
Posted by yumiel_o07 at July 12, 2010, 10:58 pm
Ang iba ay hindi na natin isinali dahil irrelevant.
Ito po ang inyong nakaka na segment writer na si Kaka Ali, sukran and Wassallam.

Host: Ngayon ay Earth Day o Araw ng Daigdig na ipinagdiriwang ngayong araw sa buong sa buong mundo, samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating talakayan sa ating segment na nakaka…
(PLAY INTRO- Background music- Masdan ang Kapaligiran)
Kaka Alih: Tama ka leny ngayon ay Araw ng Daigdig (Earth Day). Ang iba marahil ay magtataka sapagkat mayroon palang Araw ng Daigdig. Ginugunita rin pala ito. At nakapagtataka namang kapag sumasapit ang ganitong araw saka lamang napagtutuunan ng pansin ang pagmamahal sa daigdig at sa likas na kayamanan nito. Ngayon lamang nakikita ang kalagayan ng Inang Kalikasan na sinisira mismo ng mga taong nakatira rito.
Nagbabago na ang klima ng mundo at ang sabi ng mga eksperto ito ay dahil sa pagsira ng tao sa kalikasan. Nakapagtatakang kahit sa panahon ng tag-init ay may mga pagbahang nagaganap at pagguho ng lupa. May mga bagyong nagaganap na sumisira ng mga ari-arian at pumapatay sa maraming tao.
Kamakailan ay naibalita na naguho ang lupa sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte. Ang walang tigil na pag-ulan ang itinuturong dahilan kaya nabiyak ang bundok. Pero mas marami ang nagsabi at kami man ay naniniwalang ang talamak na pagsira sa kabundukan doon ang dahilan. Walang tigil ang pagputol ng mga kahoy at dahil wala nang mga kahoy, humina ang lupa na naging dahilan para gumuho. Hindi lamang sa Bgy. Guinsaugon nangyari ang landslide kundi pati sa Quezon at Aurora na ang tinuturong dahilan ng trahedya ay illegal logging operations.
Ngunit alam ba ninyo na hindi lamang illegal logging ang sumisira sa ating Inang Kalikasan? kundi pati na rin ang grabeng air pollution. Ang Metro Manila ay itinuturing na pinaka-polluted na lugar sa Asia. Sa kabila na may batas – ang Clean Air Act of 1999, hindi pa rin malutas ang problema sapagkat walang ngipin ang batas na ito. Hindi maipatupad ng gobyerno ang batas na matagal ding pinagdebatehan at pinagkagastusan.
At ngayon ay Earth Day o Araw ng Daigdig o ng Kalikasan na ipinagdiriwang ngayong araw sa buong sa buong mundo.
Noong Abril 22, 1970, unang paglulunsad ng Araw ng Daigdig/Kalikasan o Earth Day. Humigit-kumulang 20 milyong mga Amerikano lumahok.. Libo-libong mga kolehiyo at unibersidad ang nagprotesta laban sa pagkasira ng kapaligiran . Ipinaglalaban ng mga grupong ito ang walang patumanggang pagtagas ng mga sa langis kalupaan at sa karagatan , pagbuga ng mga pabrika ng nakakalasong kemikal na sanhi ng pagkalason ng tao at mga halaman. Dahil sa kapabayaan ng tao ay dahan dahan nasisira ang kalikasan, kaya sila nagkaisa na iligtas ang mundong ito, sa tiyak na pagkawasak.
Sa Pandaigdigang Araw ng Daigdig/Kalikasan (Earth Day) , atin pong pagnilayan sumandali at tayo’y magpasalamat sa Poong Maykapal sa nilikhang kalikasan, lalo na sa mga punong kahoy, pagkat sa kanila nanggaling ang mga papel na ginagawang sulatan at aklat. Kung wala ang mga puno, tiyak na wala tayong binabasang mga aklat an gating mga anak, walang mababasang magazine si Ate, at mga walang mababasang pahayagan si Lolo.
Pagpugayan din natin ang mga kababayang nagsakripisyo at nagpakasakit, lalo na ang mga environmental activists at advocates sa kanilang walang sawang pagtutok at pagkilos upang ang ating kalikasan ay ipaglaban mula sa mga maling patakaran, at maging maayos para na rin sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon (sustainable development).
Ayon sa ating pananaliksik ay dalawang pandaigdigang araw ang karaniwang ginugunita hinggil sa kalikasan ito ay tuwing Abril 22, ito ang Pandaigdigang Araw ng Kalikasan o International Earth Day at tuwing Hunyo 5 na binansagan namang Pandaigdigang Araw ng Kapaligiran o World Environment Day.
Tuwing ika-22 ng Abril kung gunitain ng buong mundo ang Pandaigdigang Araw ng Kalikasan. Ngunit anong klase ng paggunita? Pagdiriwang ba ito o pagluluksa?
Dapat bang ipagdiwang ang Abril 22 dahil ito ang itinakdang araw para sa kalikasan, o dapat itong ipagluksa dahil unti-unti nang sininira ng tao at ng sistema ng lipunang umiiral ang ating kalikasan?
Ano ang masasabi mo Leny?
Lenyrose: “Sa aking pananaw Kaka Ali, hindi dapat mamili sa isa, pagkat parehong dapat ipagdiwang ang araw na ito at ipagluksa.”
Kaka Alih: “Tila mahirap ang sinabi mo kasamang Leny, tila baga sinabi mong sa umaga ay ipagdiriwang at sa hapon ay ipagluluksa na.
Ganito naman ang magiging paliwanag ko Kaibigan, yes, ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng Daigdig/Kalikasan dahil ito ang marapat gawin upang maimulat ang marami sa kahalagahan ng kalikasan, at ang kaugnayan ng kalikasan sa tao at sa ating pagkatao. Ngunit ipinagluluksa natin ang ginagawang kahayupan ng tao sa ating kalikasan. Kinakailangan na matigil na ito, ang pagsira ng tao sa kalikasan, kundi pagsisi ang ating kakamtin?
Napakahalaga ng mga isyung pangkalikasan na karaniwang hindi nabibigyang-pansin ng media, ng gobyerno, ng mga eskwelahan o ng akademya, maliban na lang kung may trahedyang naganap, katulad noong nangyari sa Ormok. Saka lamang nag-ingay ang mga official ng goberno ng marami na ang binawian ng buhay, Bakit? Dahil ba wala silang pakialam o dahil hindi nila alam ang isyu.
Minsan nga ay nagtataka ako, dahil marami sa atin, bata pa lang ay tinuruan na sa paaralan ng simpleng pagtatapon ng basura sa tamang basurahan. Ngunit nang lumaki na tayo, nalimutan na ito. Kung saan-saan itinatapon ang basura. Ang balat ng kendi, na hindi naman basura hangga’t hindi pa lumalapat sa basurahan, ay agad pinandidirihan. Itinatapon agad kung saan-saan, at ayaw munang ibalik sa bulsa hanggang sa makakita ng basurahan.
Sa Upi inilunsad nitong nakaraan taon ang Pangangalaga sa basura, o Comprehensive Ecological Solid Waste Management, ngunit tila yata unti-unti naman lumalamig ang ating pakikitungo ditto, sadya bang madali makalimot ang tao?
Kung ating pagninilayan, alam nating lahat na bago pa tayo mabuhay sa mundo, nariyan na ang kalikasan. Nariyan ang dagat, lupa, hangin, atbp. Halos lahat ng ginagamit natin sa araw-araw ay mula sa kalikasan.
Ngunit pag napasyal kayo sa Manila Bay, sa Metro Manila, hindi na pulos tubig ang iyong makikita sa dagat, kundi mga basura, at napakaraming naglulutangang mga plastik. Ang plastik ay hindi nabubulok, umaabot ito ng libong taon, bago mabulok o baka din a mabubulok, kaya tumatambak ang basurang ito.
Grabe na rin ang polusyon sa hangin, pag nasubukan ninyo pumunta ng Lungsod, sa Maynila, naku masasabi mo heto pala ang sinasabi ni Kaka Ali.
Ang tubig na dati ay libre ay may bayad na rin. Mas mahal pa nga ang mineral water kaysa isang bote ng softdrinks. Kailangan na kasing iproseso ito ng mga mangangalakal upang ibenta dahil marumi na ang pinagkukunan ng tubig.
Nakakalbo na rin ang mga kagubatan. Nagkukulang na ba tayo sa itatanim, o hindi tayo nagtatanim?
Gusto mong tumulong ngunit di mo magawa? Aba’y kumilos tayo at huwag tumunganga. Pag tuluyang nasira ang kalikasan, baka tayo’y matulala. Kaya ngayon pa lang, kumilos na tayo upang di ito tuluyang masira.
Ang pagprotekta sa kalikasan ay hindi madaling gawin. Kailangan natin itong pag-isipan at pag-aralan. Hindi sapat na maunawaan natin kung paano nasisira ang kalikasan. Hindi simpleng itapon lang natin sa basurahan ang balat ng kendi ay ayos na, pagkat baka naman naihahalo ang nabubulok sa di nabubulok.
Mga Kapatid, sama-sama tayong magnilay sa araw na ito ng Araw ng Kalikasan, ating itanong sa ating sarili: “Anong klaseng kalikasan, kapaligiran, at sistema ng lipunan ang ating ipamamana sa susunod na henerasyon kung wala tayong gagawin ngayon upang protektahan ito? Nais ba nating wasak na kapaligiran ang ating ipamana sa ating mga anak o apo?
Nasisira ang kalikasan dahil sa kasakiman mismo ng tao. Dito sa Pilipinas, may batas pero hindi maipatupad. Hindi nakapagtataka na masira ang likas na yaman ng bansa dahil sa walang kakayahang pagpapatupad ng batas. Kawawa naman ang mga susunod na lahi na maaaring wala nang mundong titirahan.
Sana sa himig ng awitin ng Asin na “Masdan Mo Ang Kapaligiran” na tumino sa ating puso at isipan ang pagmamahal sa ating kalikasan, ito po ang inyong Kaka Alih, na nagmamahal sa ating kalikasan.. sukran wasaalamu alaikumm.
(PLAY MASDAN ANG KAPALIGIRAN)
(EXTRO- NAKAKA)
March 12, 2009, Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)Host/Lenyrose: “Gaano ba kahalaga sa iyo ang punong kahoy? samahan ninyo kami ni Kaka Alih, dahil ang ating tatalakayin ay punongkahoy mahalaga sa ating kapaligiran sa ating segment na nakaka ?
(NAKAKA- INTRO)
Kaka Alih: “Tulad ng sinabi ni Lenyrose ang ating tatalakayin ngayong umaga ay punongkahoy mahalaga sa ating kapaligiran. Sa iyo kaibigan mahalaga ba sa iyo ang mga punong kahoy, inaalagaan mo ba sila?
Kaibigan, ang punong kahoy ay napakahalaga sa ating kapaligiran dahil nililinis nito ang hangin, nagbibigay ng prutas na makakain, tabla (wood) na magagamit ng tao, pinapalamig nito ang klima, nagbibigay ng nitrogen at ang nitrogen na ito ay kailangan naman ng tao.
“Ngunit Kaka Alih, ang tao ay patuloy na inuubos ang mga punong kahoy, at hindi man lang sila marunong magtanim, bilang kapalit ng pinutol nilang puno”. Himutok na paliwanag ni Maam. Papaano?, “….papaano kasi sinisira nila ang kagubatan na kong saan doon nanahanan ang mga punong ito”.
Alam ba ninyo na ang punong kahoy ang maituturing na pinakamalaking may buhay dito sa mundo o nagbibigay ng buhay?
Ganito iyon, medyo ipapaliwang natin Leny, ang punong kahoy ang sumasala o umiimbak ng tubig ulan, upang hindi sabay-sabay na umagos ang tubig mula sa kabundukan pababa sa kapatagan na sanhi ng mga “flash flood”.
Alam ba ninyo na sa ating kagubatan (forest) ng Pilipinas matatagpuan ang mga punong balite (banyan), at iba pang matitigas na punong kahoy na magandang magagamit na tabla tulad ng apitong, yacal, lauan, camagóng, ipil-ipil, white and red narra, and mayapis.
Speaking of Balite, alam ba ninyo na ang Balite ay gamot?
Lenyrose: Balite? Gamot? Pakipaliwanag daw dahil napakarami ang balite ditto sa atin, at kinatatakutan ito n gating mga mamayan dahil sa paniniwala na may nakatira ditong mga engkanto”:
Kaka Alih: “Ano ba ang Balite? (banyan), Nonok ang tawag ng T’duray, Maguindanaon, Iranon, Meranaw .
Ang Balite ay isang malalaking puno na pwedeng mabuhay kahit saan, kahit sa siyudad, sa kabukiran at nabubuhay din ito ng mahabang panahon, pwedeng umabot ito sa 300 taon. Alam ba ninyo na may nai-record na napalaking balite? Na ang laaki nito ay na pwedeng makisilong ang sampung libong tao?
Lenyrose: Sampung libo? Sampung libo hindi magkakasya sa loob ng ating gymnasium.
Kaka Alih: Tama ka Leny, ang naitala na pinakamalaking Balite ay matatagpuan sa Kolkata in India. Ok tuloy natin ang talakayan, ang punong balite ay parasites, ang ibig sabihin nito ay hindi tumutubo na hindi muna makapit sa ibang puno at pag malaki na siya ay dahan-dahan namamatay ang kinapitan nito, dahil masasaid na ang laman nito.
Sa Pilipinas pinangingilagan ang punong balite, papaano kasi pinaniniwalaan na dito nakatira ang mga kapre, duwende, tunong, (engkanto) white lady, maliban pa dito ay makikita natin ang ibat-ibang ibon, paniki, unggoy, kulisap at insekto.
Dito sa Pilipinas, walang nangangahas na pumutol sa punong ito, sila ay naniniwala na ito ay bahay ng mgha engkanto at magagalit sila sa sinuman ang sisira dito.
Ang lalawigan Phichit sa Thailand ay sagisag o seal ay banyan (balite) tree.
Sa bansang India ito ang kanilang pambansang punong kahoy. Sa Hindu ay sagradong kahoy, kanilang pinaniniwalaan na ang Diyos na si Siva ay dito palaging nakaupo.
Sa Pilipinas pinaniniwalaan na dito nakatira ang mga kapre, duwende, tunong, (engkanto) white lady. Sa ibang bansa sa Asia, ang punong Banyan/balite ay kinatatakutan, sapagkat dahil laki ng puno at hitsura. Tila dambuhala, kaya naman napakaraming nilikha ang naninirahan doon. Paniki, insekto, ibat-ibang ibon, maliliit man o malalaki. At pinaniniwalaan din may naninirahan dito na mga engkanto o sa Maguindanaon Iranon at Meranaw “darpa a tunong” (lugar ng mga engkanto). Sa mga ibang Pilipino dito raw nakatira ang lumalabas sa gabi na impakto na tinatawag na tikbalang, (tao ang katawan at ulo ay kabayo)
Karagdagang kaalaman sa punong Balite: Sa ‘Diksiyunaryong Ingles-Pilipino’ (Sagalongos, 1968) ang salitang ito ay nasusulat sa baybay na ‘baliti’ at sa dalawang diin – malumay at malumi – na parehong pangngalan kung gamitin. Ang pangngalang baliti na diing malumay ay may kahulugang ‘tie for hands or arms’ (tali o panali sa mga kamay o paa). Ang ikalawa na may diing malumi ay nangangahulugang ‘species of tree’ (Ficus Indica), isang uri ng punungkahoy.
Ayon naman sa ‘Glossary of Non-English Terms’ sa ‘Aswang Syncracy in Philippines Folklore’ (Ramos, 1971) na nasusulat sa baybay na ‘balete’, ito’y isang katawagan ng mga Ilokano, Tagalog at Cebuano sa isang uri ng punongkahoy (sa Latin, Ficus Indica) na pinamamahayan ng iba’t ibang masama, mapanakit at mapaminsalang mitolohikal na mga nilalang.
Sa ‘Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles’ ni Jose Villa Panganiban, ang salitang ito ay nasusulat na ‘balite’, isang pangalan at may kahulugang” “nakakatakot na kaalamang-bayang punungkahoy, na tumutubo sa mga ilang, madidilim at malulungkot na mga pook at ipinapalagay na tirahan ng mga lamang-lupa tulad ng tiyanak atbpa.’
Dahilan sa makabagong ng siyensya nagkaroon ng pagkakataon na makapagsaliksik tungkol sa kabutihang maaaring makuha sa balite. Subalit ayon sa paniniwala ng mga matatanda ito’y pugad ng multo, impakto, engkanto, duwende, nuno sa punso at iba pang lamang-lupa at hindi basta-basta mabubunot.
Nitong mga huling panahon, nadiskubre na ang punong kinatatakutan ay nagbibigay pala ng gamot.
Ugat ng balite ay gamut, ayon sa pananalikisik na isinagawa ng University of the Philippines sa pakikipagtulungan sa mag-aaral ng Australia nalaman nila na ang ugat ng balite (banyan) ay nakakatulong na mapasigla ang kalamnan.
Dagdagan pa ring kaalaman na sa bukod sa lilim na ibinibigay ng balite, ang hibla nito ay ginagawang lubid. Sinasabi rin na ang balabak ng ugat nito o ang mismong ugat, at ang mga dahon ay nilalaga sa langis upang ipanlunas sa mga sugat at mga galos. Ang katas ng balat nito ay kilalang panlunas din sa sakit sa atay. Sa matinding sakit ng ulo, ang dinikdik na mga dahon at balat ay mabisang panapal (Quisumbing 1951). Ang pag-inom ng dinikdik na katas ng ugat ng balite nakakapanumbalik sa abnormal na metabolism.
Balat ng balite ay gamut. Ang balat ng balite ay nakakalunas o nakakapagbaba ng mataas na lagnat. Nalaman na ang balat nito ay sinisipsip (absorb) ang init na siyang sanhi ng lagnat. Tutuklap ka ng maliit na balat ng balite, linisin ito at ipantapal sa noo ng maysakit at ito na magsisilbing heat absorber.
Ito po ang inyong Kaka Alih na nagbibigaya kaalaman na nagsasabing.. ang taong walang alam ay walang silbi sa bayan..(LAUGHING) …. Kaka Ali po, nagpupugay muli ng magandang umaga, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabaratakatuh.
| (October 16, 2009-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio) Host: “Naging Ugaling Pinoy na ang Umiihi kahit saan.. kahit na may nakasulat na bawal umihi sa pader..
(NAKAKA- INTRO)
Kaka: Napansin ba ninyo ang mga nakasulat sa mga pader na Bawal umihi sa Pader?
Kong ikaw ay may pang-amoy (pa) ay tiyak maaamoy na mapanghi sa lugar na ito.
Napansin din ba ninyo na ang puno sa tabing kalsada ay naninilaw ang kulay balat pati na ang mga damo na malapit dito ay naninilaw na rin at tila binombahan ng clear out? Lapitan ninyo at makakamoy kayo ng mapanghi. Bakit? lahat kasi ng dumaraan ay duon umiihi.
Heto pa … napansin ba ninyo na pag humihinto ang sasakyan lahat ng pasaherong lalaki ay bumababa at pupunta sa gilid ng kalsada at tatayo hahawakan ang zipper ng pantaloon. Pagkatapos ilalabas si manoy.. hayun nauna pa sa Upi water level 2, may tubig na siya sa gripo (LAUGHING).. hahaha… umihi pala.. at of course ang favorite na puwesto punong kahoy.
“Bakit hindi marunong mahiya ang pinoy?” tanong ng isang retiradong maestro.
Oo nga maam, napansin ko din iyan, bakit kahit saan abutan ang Pinoy basta may pader o puno ok na…anu sila aso? bumabaho tuloy ang mga pader sa kalye..lalo na sa may mga waiting shed.
Kaibigan alam ba ninyo na marami ng bayan o lungsod ng Pilipinas ang may ordinansa na bawal umihi kong saan-saan (ang siste lang dito ay hindi naipapatupad ng otoridad nila)
“Ang kawawa kaming mga babae” sabi ng isang pasaherong babae na nakasabay natin.
Bakit naman maam kayo kawawa?
“Papaano kayong mga lalaki ay pwedeng umihi kahit saan papaano na kaming mga babae kong walang palikuran o comfort room?” dagdag ni Maam.
Kong kagandahang asal ang pag-uusapan ay walang pag-ibahan ang lalaki at babae.
Sa kaugalian at manners and etiquette in Islam o magandang kaugalian ay ipinagbabawal sa Muslim na lalaki at babae na umihi kong saan-saan. Papaano?
(LAUGHING)..
Gayahin natin si Ustadz, basta may lakad, tiyak may dalang tubig, na nakalagay sa empty bottle ng cologne… ang ganda nito ng aking gayahin.. ang aking boss nakishare sa akin.. pero iba siya pinahid sa kanyang braso… nagpasalamat pa sa cologne.. (LAUGHING)..
Sa ibang bansa mahirap kang makakita ng pader na iniihian..kong mayroon daw.. tiyak may kababayan na napadaan doon.. (LAUGHING).. dito lang talaga sa Pilipinas ang umiihi sa pader.. nakakahiya ka Pinoy…Magbago ka na!!!!
Sa ibang bayan, (napansin ko ikaw napansin mo?) naglalagay sila ng mga comfort room sa mga strategic location sa mga tabing kalsada.. pero kong minsan may bayad dalawang piso usually ang problema nito papaano kong walang sinsilyo o walang sukli… matitiis mo ba .???. (eh di sa pader na lang Kaka Ali) (LAUGHING).. Bawal umihi sa pader.. hindi na kailangan kong may mga public urinary room tayo…at higit sa lahat isama sa pagtuturo ng mga kabataan sa paaralan at tahanan bilang magandang kaugalian o good manners and etiquette.
Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ihiian sa pader.. ((LAUGHING).. itutuloy natin ito sa Lunes.. pero hindi ihi kundi…(LAUGHING).. basta abangan na lamang ninyo kami sa Lunes…
Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh. |
|
Nuro, Upi (Sept 7).. “Nagtambakan ang mga basurang nangangamoy na dahil sa matagal ng hindi nahahakot”. ito ang report sa garbage update ni Nenita Minted, kaninang umaga sa Bantay Bayan Boses ng Sambayanan. Ayon sa batas, kInakailangan malinis ang paligid sa lahat ng panahon, at sinumang lumabag sa Ordinance #3 ( “A Comprehensive Ecological Solid Waste Management Ordinance of the Municipality of Upi as Amended”) ay papatawan ng kaukulang multa. Ang bawat tindahan ay kinakailangan na magkaroon ng dalawang lalagyan ng kanilang mga basura: nabubulok at hindi nabubulok. Ang Ecological Solid Waste Management Ordinance ESWM project ay pormal na inilunsad ng Local na Pamahalaan ng Upi noong December 20, 2007, sa pangunguna ni Upi Mayor Ramon A Piang Sr.. Ang naatasan na maging Municipal Enviroment Natural Officer ay si Gloria B. Sentillo. Ang opinang ito ang nangaganlaga sa kalinisan ng paligid, lalo sa pamamahala sa tamang pagtatapon ng mga basura. Ang pagpapatupad ng nasabing batas ay bilang pangangalaga sa kalusugan ng mamayan. At sa layunin ng Lokal na pamahalaan na mapabilang sa isa sa malinis na bayan sa bansang Pilipinas. Naka-schedule ng dalawang beses bawat araw ang paghahakot ng dump truck sa basura sa Poblacion. “Ilang linggo na hindi na regular na nakapaghahakot ng basura ang dump truck ng LGU”. reklamo ng isang mamamayan sa pamilihang bayan. Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa napag-aalaman ang tunay na dahilan kong bakit hindi na regular na nahahakot ang mga basura. Kaugnay ng ordinansa ang LGU Upi ay bumili ng “second hand” na mini-dump truck para panghakot ng basura. |
|
Kalakaran sa Paggugulayan
Argumento para sa Organikong Pagsasaka
Organikong Pamantayan
Dahilan ng Paglala ng Sakit at Peste
Pangkalahatang Tagubilin 1. Patabain ang lupa
2. Magsalit-tanim
3. Magtanim ng pantaboy peste
4. Magtanim ng halamang pang-sakrepisyo
5. Gumamit ng matibay na variety
6. Wilihin ang mga kaibigang kulisap at hayop
7. Gumamit ng pisikal na paraan
8. Magkilib o mulch
9. Isaalang-alang ang halaga ng damo
10. Huling depensa ang organikong pestisidyo
Madadaling I-organiko
May Kahirapang I-organiko
Talagang Mahirap pa
Huling Tagubilin
Paglalagom
_________________________________________________________________________________________ Mga May Akda: Rodel G. Maghirang National Research, Development and Extension Network for Vegetables Source: DA-BAR & UPLB-IPB Technical Bulletin “Organikong Paggugulayan” |
||||
|
6 na Uri ng LUYA
TIPS SA PAGTATANIM NG LUYA
|
|
Alih S. Anso- May 24, 2009
1. LGU P 100,000 -150,000?
2. Bilang ng pamilya sa Upi?.
· ( : in 2004: “Upi has a total land area of 89,610 hectares and a population of 51,141 comprised of 9,975 households”. SOURCE: http://elgu.ncc.gov.ph/)
Magkano ang naibibili nila ng pyro technique o paputok taon-taon?
· Ang halaga ng isang kuwitis ay 5-10 bawat isa, samantala ang mga bata ay 2-5 star na rebentador ay piso bawat isa.
· Sa kuwitis bibili sila ng sampu at mga bata ay rebentador ay sampu piraso. Sa kuwitis ay 50-100 piso idagdag mo ang sampung piso.
· Ang total na population ay 9,975 pamilya x ay gagasto ng isang daang piso, ang total na gasto natin ay: P 9,975,000.00
· Sa LGU Upi ay P100,000 +9,975,000.00= P10,075,000 ang gastos ng mga taga Upi sa pyrotechnic o paputok.
“Di bale Kaka na gumastos, maligaya naman tayo, Masaya ang aking pamilya” paliwanag ng isang kaibigan.
Yes di matatawaran ang maaring ligayang dulot ng pagpapaputok natin, ang tanong totoo bang maligaya tayo pag may nagpapaputok? O baka sinusumpa mo ang nagpapaputok sa gulat na binibigay o dulot ng paputok.
Hindi kaya dahil sa nakaugalian natin kaya natin ito ginagawa? At sa kaugalian na iyan ay naging bahagi ng kultura ng mga Pilipino?
Ano ang negatibong epekto ng paputok maliban sa nagugulat ang nakakarinig dito na hindi niya alam na may nagpaputok?
Ang pyro technique o paputok ay nagdudulot ng usok at hindi ordinaryong usok, dahil hindi katulad ng mga usok ng sinusunog na dayami. At ang pagsusunog ng isang magsasaka kanyang dayami at ibang basura sa bukirin ay mahigpit na pinagbabawal ng Municipal Ordinance # 3 series of 2007 o “Comprehensive Ecological Solid Waste Management”.
Ang ordinansa ay kaugnay ng Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000).
Iniuutos ng RA 9003 at ng Upi Ordinance No. 03 series 2007 ang pagbubukod-bukod ng basura sang-ayon sa kalalagayan nito, pakay ang layuning maayos na mapangasiwaan ang koleksyon at pagtatapon ng basura mula sa mga tahanan, at mapangalagaang malinis ang kapaligiran.
Pinapaliwanag ng LGU sa mga mamamayan na ang isa sa dahilan ay ang pagsusunog at ang dulot nitong usok ay nakakasira sa “ozone layer”.
Ang pagsusunog ng basura ay pinagbabawal ng nasabing batas dahil ang usok nito ay makakasira nga sa ozone layer na tumatakip sa mundo na ating ginagalawan . Na ayon sa mga pag-aaral ay nagsimula ng masira ang layer na ito, na ang isa sa dahilan ay dahil sa usok, kaya lumalala ang pag-iinit ng mundo (global warming) .
Ang global warming ay isang pangayayari na mag-iinit ang mundo dahil sa masisira ang ozone layer na siyang tumatakip sa mundo sa init ng araw. Ayon sa mga siyentipiko pag tuloy tuloy na ang ay dahan dahan matutunaw ang yelo sa North Pole at tataas ang tubig dagat at dahil dito ay maraming mababang bahagi ng kalupaan ang malulubog sa tubig.
Ang iba pang mga negatibong epekto ng paputok ay marami ng naiuulat tuwing bagong taon na naputol ang daliri, kamay dahil nasabugan ng kanyang pinapatok na rebentador.
May nadadala din sa ospital na mga bata dahil sa nakalulon ng pyro technique o pulbura.
Ayon sa mga dalubhasa sa kalusugan, ang usok ng rebentador o pyrotechnic ay delikado sa kalusugan ng tao.
“Firecrackers produce smoke and dust loaded with harmful chemicals that can aggravate our poor air quality and cause throat and chest congestion and other health problems, particularly for people with asthma and chemical sensitivities”
Ang paputok ay nakakasakit sa mga hayop, dahil mas sensitibo ang tainga at senses ng mga hayop, mas malakas ang register ng ingay sa kanila. Ang tunog ng watusi sa atin ay tunog ng super lolo sa kanila. Ang tanong sa akin papaano naman Kaka Ali ang tunog ng super lolo sa hayop? Isa pa nito ay nakakastress sa kanila angh paputok, dahil hindi nila naiintindihan kung bakit may ganitong klaseng nakakabinging ingay.
Dahil sa pagiging mapanganib nito, marami na ring sektor ng lipunan ang nagsusulong na ito ay i-regulate para sa paglalatag ng safety standards.
Ngunit may nagsasabi na: “Bahagi na ng tradisyong Pilipino ang maingay na pagsalubong sa bagong taon”.
Ang paliwang nila ay dahil sa paniniwalang maitataboy ng ’sobrang ingay’ ang mga masasamang espiritu, kamalasan at di kanais-nais na pangyayari na kaakibat ng pagsapit ng bagong taon.
Ngunit kung talagang ingay lang naman ang ating habol, maaari naman nating kalampagin na lamang ang mga kaldero sa kusina, hilahin sa kalsada ang mga lata na nilagyan ng tali, gumamit ng torotot at itodo ang busina ng ating mga sasakyan, kung meron man. Garantisado nang maingay, garantisado pa ang ating kaligtasan.
“Panalangin at ibayong Sipag at Tiyaga ang ating kailangan para maging mabunga at matagumpay ang bagong taon sa ating buhay.” Payo ng isang relihiyosong Kaibigan.
Tama ka Kaibigan, kahit saku-sako pa ng paputok ang ating sindihan, kung hindi naman tayo magsisikap, wala ring swerteng dadapo sa atin. Hindi ba?
Ang bagong taon ay sagisag ng bagong pag-asa, buhay at magandang kinabukasan. Hindi natin kailangang magpaputok ng baril na maaaring kumitil sa buhay ng ibang tao. Hindi kailangang maputol ang mga daliri ng ating mga kamay at masabugan ang ating mga mukha para salubungin ang swerte. Hindi natin kailangang magbuwis ng buhay para lamang ‘mag-ingay’ sa pagsalubong ng bagong taon.
“:Ang pagbili ng paputok ay pagsuporta sa alin man sa dalawa o pareho: kontrabando galing Tsina, o ang child labor sa Bocaue.
“Bulacan’s fireworks industry has the biggest number of child workers, especially in Bocaue and Sta. Maria towns, according to a recent study by the International Labor Organization-Education Program on the Elimination of Child Labor (ILO-Ipec)”. (http://newsinfo.inquirer.net/)
At higit sa concern natin ay ang napakalaking pera na natatapon lamang sa walang bumabalik na pakinabang ang mga mamamayan. Kong ang halagang pera para sa paputok ay ibibili natin o gagastusin natin sa seedlings ng punong kahoy (mangga, lanzones, rubber, mahogany, narra at iba pa). Ilang puno ang mabibili natin na maitatanim natin sa ating kapaligiran na nakalbo na dahil sa walang patumanggang pamumutol ng mga illegal logger at kaingeros?
Sa halagang P25 bawat seedlings ay makakabili tayo ng 403,00 na seedlings. Ang bawat barangay sa Upi ay makakatanggap ng sobra sa 17,000 na seedlings.
Kung seedling ng coffee na tig sampung piso ay makakabili tayo ng mahigit isang milyon na coffee seedlings at makakapagtanim na tayo ng isang libong hektarya ng coffee bawat taon. Ang Upi ay may lapad na lupain na 89,610 ektarya. Sa loob ng sampung taon ay nataniman ng coffee ang buong Upi kong gugustuhin natin.
Sa May 29, isa sa bahagi ng Upi Day of Peace celebration ay mamimigay ang LGU ng mga seedlings ng mga punong kahoy sa mga barangay Chairman.

Alih Anso-Dahil sa mga text na ito ay nagpatawag ng pulong kahapon ang mga official ng Purok Everlasting, Barangay Borongotan upang talakayin ang matagal ng hinaing ng mga mamayan na kailangan ang kalsada palabas mula sa kanilang purok patungong national highway. Panauhin sina Barangay Kagawad Irene Galanto bilang kinatawan ni punong barangay Myrna Lou Devera, Rex Pablo at Alih Anso program manager ng DXUP FM.
Ang meeting ay pinatawag ng Purok President na si Cesar Pecina ay bilang tugon sa mga taga Purok Everlasting sa kanilang reklamo umabot na sa DXUP FM sa pamamagitan ng mga text, na ang kalsada papasok sa prurok ay matagal ng hindi makadaan ang sasakyan dahil may mga bahagi na naagnas ng tubig.
Pagkatapos ng pulong ay binisita ng grupo ang mga sirang kalsada. Ang dahilan ng pagkasira ay dahil nasa tabing ilog ang kalsada at lumalalim ang ilog dahil sa pag-quarry (paghahakot ng graba mula sa ilog).
Napagkasunduan ng mga official na gagawa na lamang ng panibagong kalsada na malayo sa ilog. Ang tanging balakid ay ang mga loteng madadaan ng kalsada, ngunit nangako ang Barangay Official na kanilang pangungunahan ang pakikipag-usap sa mga may-ari ng lupa na magbigay daan para sa kabutihan ng nakakaraming mamayan.
Noong pagdiriwang 54th na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Barangay Borongotan ay pinuri ni Mayor Ramon A. Piang ang mga mamayan at barangay official dahil isa sa mga maunlad sa 23 Barangay ng Upi ang Borongotan na pinamumunuan ng isang babaeng punong barangay-Hon. Myrna Lou De Vera.
At pagkapost ng naturang balita ay umani din pagpupuri at pagmamalaki sa mga dating residente ng barangay na ngayon ay nasa ibang bansa. Ang comment ni Engr R. Fontanilla:
“….I is just creeping through the net here in Finland and was so happy to find your site especially to know that my beloved home-barangay is considered as the most progressive barangay
Cheers to the leaders and to the most outstanding Mayor, that Upi has so far. I hope that the next Mayor will have the same vision as this mayor for our beloved Upi…Mabuhay.Engr. R. Fontanilla, OL3 Nuclear Power Plant Project, Finland”


( Script na sinulat ni Alih Anso-program Director para sa radio program na “Bantay Bayan Boses ng Sambayanan” sa segment na “Bantay Kailkasan”. anchor ni Lenyrose Bajar- script writer/segment producer at co-anchor: Alih Anso- 7:00-8:00-March 11, 2009)
Bago ang lahat, tayo ay pansamantalang munang magnilay-nilay kahit ilang sandali at humingi ng kapahintulutan sa Poong Maykapal o Sa Allah na bigyan tayo ng lakas at kapahintulutan na mapag-usapan natin ang kanyang biyaya sa tao….ang kalikasan (nature).
At tayo’y magpasalamat sa Poong Maykapal, dahil sa kalikasan na ating ginagalawan, na libre niyang inihandog sa tao, isa na dito ang mga puno, pagkat sa mga punong kahoy na ito nanggagaling ang mga papel na ginagawang sulatan, ng ating mga anak na nag-aaral at mg aklat na na kanilang binabasa, upang maging marunong sa hinaharap.
Kung wala ang mga punong kahoy, na siyang pinanggagalingan ng mga papel, na ginagamit sa pag-gawa ng mga libro, tiyak na wala tayong binabasang mga aklat ang ating mga guro at estudyante, magasin at mga pahayagan.
Purihin din natin ang mga kababayang nagsakripisyo’t nagpakasakit, para pangalagaan ang ating inang kalikasan, ito ang mga environmental activists at advocates dahil sa kanilang walang sawang pagtutok at pagkilos upang pangalagaan ang ating kalikasan na maging maayos at pinagsisikapang mapareserba para sa susunod na henerasyon.
Congratulate natin ang ating local na pamahalaan ng Upi, sa pangunguna ng ating Kagalang-galang na Alkalde, Ramon A Piang Sr. at ang Bise Alkalde na siya rin ang presiding officer ng Sangguniang Bayan Kagalang-galang Abdullah Salik Jr. Al Haj. Dapat nating silang purihin dahil sa pagpasa ng ordinansa na Municipal Ordinance #3 (Comprehensive Ecologiocal Solid Waste Management,) dahil sa batas na ito ay natuto ang mga mamayan ng Upi na pahalagahan at pangalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran.
Napakahalaga ng mga isyung pangkalikasan na karaniwang hindi nabibigyang-pansin ng ibang ibang media, (na walang ibang gustong ibalita kundi ang mga giyera at kaguluhan sa ating bansa, lalo na ang giyera dito sa Mindanao, dahil ang ito raw ang gusto ng mga “clients” nila, ang tanong totoo ba ito?) ng karamihan sa opisyal ng gobyerno, ng mga eskuwelahan o ng akademya. Mga membro ng media na saka lamang gagalaw at mag-iingay kong may trahedya ng nangyari, saka lang sila nagsasalita at gumagalaw..kong marami ng mga nasawi at malawak na ang nasalantang kapaligiran.
Ang tanong Bakit ganito ang mga Pilipino? (dahil ba sa nadala sila na panonood kay Fernando Poe Jr, na nagpapabugbog muna, bago sumusuntok?) o talagang ang mga Pilipino ay wala silang pakialam o dahil hindi talaga nila alam ang isyu?
Kong minsan nga ay nagtataka ako, dahil marami sa atin, bata pa lang ay tinuruan naman sa mga paaralan ng simpleng pagtatapon ng basura sa tamang basurahan, (kaya lang ang tanong tama ba ba ang ginagawa natin noon na itapon sa dumping pit ang ating mga basura?.). Bakit ngayon tila ang iba ay nagkaasakit na ng amnesiya, nakalimutan na ang tinuro sa kanila sa paaralan? Nasaan ang tinuro ni Maam at Sir.
Dahil ba sa lumaki na tayo, nalimutan na ang mga tinuro ni Maam?. Kung saan-saan itinatapon ang basura. ang balat ng kendi, na hindi naman basura hangga’t hindi pa lumalapat sa basurahan, ay agad pinandidirihan. Itinatapon agad kung saan-saan, at ayaw munang ibalik sa bulsa hanggang sa makakita ng basurahan.
Isang panibagong karanasan ang ating natutunan at naranasan sa Ordinance #3 o COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT, dahil may nagbabantay, dahil nandiyan ang mga Enforcers, andiyan ang street sweepers at garbage technicianas, na araw-araw ay nanagbabantay, nagwawalis at humahakot ng basura.
Ngunit kahit marahil araw-araw, 365 araw bawat taon, 7 araw bawat linggo, 24 oras bawat araw, ang gagawing paglilinis at paghahakot ng mga basura ng ating mga sweepers at garbage tehnicians , hindi pa rin ito mauubos ang araw-araw na basura, yes I know, unti-unti itong mababawasan.
Alam nyo ba kung bakit parang walang katapusan ang nakikita nating basura? Dahil habang nililinis natin ang kapaligiran, tuluy-tuloy pa rin ang pagtatapon ng basura ng ating mga kababayan kong saan-saan. Habang nagbabawas tayo, makailang beses ang nadadagdag..
Sabi ni Kagawad Suenan: “Dapat mapigilan ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at kanal”. Ang dapat nating gawin ay magtulong-tulong ang mga mamayan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, tulad ng eco-mercials (ecology commercials), advocacy ng mga media, pagkakaroon ng mga forum, edukasyon sa bawat barangay, atbp.
“Dahil sa mga pagdalo sa mga forum na ito natutuhan ko doon na na bawal magsunog ng basura dahil nagdudulot ito ng sakit at pagkawasak ng kalikasan” pagkukuwento ng mamayan ng Borongotan.
Bilang nagsisimulang manunulat sa isang sa blog (salamat sa MindaNews sa seminar sa amin ng Grassroots Journalism, nagawa nation ang dxup.multiply.com) at bilang media man, naipangako ko sa sarili na ipinalaganap ko sa iba’t ibang komunidad lalo na sa Upi na bawal magsunog ng basura.
Alam mo ang resulta? Aba’y marami ang nahikayat, nakikinig at ang dalangin ko sa Allah na sana maging bahagi na ng kanilang buhay na isagawa ang pangangalaga sa kalikasan.
Maraming salamat sa Allah dahil na sa mamayan ng Upi ang di na nagsusunog ng basura. Kaya napakahalaga ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa kalikasan. Dapat ang pagbibigay ng information ng LGU Upi ay tuloy-tuloy at iba pang samahang makakalikasan upang tuluy-tuloy ang pangangalaga sa ating kapaligiran. Burahin natin ang bansag sa Pinoy na “ningas kugon”.
Tayo ay magnilay-nilay….. “alam nating lahat na bago pa tayo mabuhay sa mundo, nariyan na ang kalikasan. Nariyan ang dagat, lupa, hangin, atbp. Halos lahat ng ginagamit natin sa araw-araw ay mula sa kalikasan.
Sa kasalukuyan, laganap sa mundo ang sistema ng kalakalan, kung saan nagbebentahan ng iba’t ibang produkto o serbisyo ang iba’t ibang tao, samahan o maging bansa, para sila tumubo. Sa kalakalang ito, malaki ang papel ng kalikasan.
Paano? Ang komposisyon ng lahat ng kalakal sa daigdig ay mula sa dalawang elemento :
1. Ang materyal na galing sa kalikasan,
2. At ang paggawang galing sa tao. Sa pangkalahatan, ang unamateryal na galing sa kalikasan ay libre at walang “halaga sa pera”. Ang ikalawapaggawang galing sa tao ay may “bayad” at ito ang nagbibigay ng halaga sa mga kalakal. Magbigay
Ok para maintindihan, magbigay tayo ng mga halimbawa.:
Ang isda na galing sa dagat ay libre. Ang binayaran ay ang paggagawa ng mga mangingisda. Ang kahoy na ginamit sa bangka ay libre galing sa gubat. Ang binayaran ay ang paggawa nang pumutol ng kahoy at gumawa ng bangka. Kaya’t papasok sa presyo ng isda hindi lang ang paggawa ng mangingisda kundi ang porsyon ng paggawang nagamit para sa kanyang mga kasangkapan sa pangingisda.
Libre ang materyales ng dyamante na walang sangkap ng paggawa ng tao. Ang binayaran ay ang paggawa at panahon ng minero para hanapin ito at hukayin sa kailaliman ng lupa, at ang paggawang nakapaloob sa mga kasangkapan at prosesong ginamit sa dyamante. Halimbawa, kung ginamitan ito ng makinarya, ang binarayan sa makinarya ay ang paggawa nito at hindi ang mga sangkap ng bakal na hindi gawa ng taoat galing sa kalikasan sa kanyang natural na porma. Kung ginamitan ng kemikal ang paglinang ng dyamante, ang binayaran ay ang paggamit ng kemikal at hindi ang sangkap na galing sa kalikasan.
Isa pang halimbawa ang mineral water. Libre ang inuming tubig mula sa kalikasan, ngunit kapag inilagay na ito sa boteng plastik at inilako na, ito’y may bayad. Ang binayaran dito ay ang paggawa, mula sa pagkuha ng tubig sa kalikasan, transportasyon, proseso at paglalagay sa boteng plastik, at ang paglalako ng mineral water.
Sa madaling salita, anumang mula sa kalikasan na ginagamit natin ngayon at binabayaran ay dahil sa paggawa ng tao. Ang ginawa ng tao, sa proseso ng produksyon, ay baguhin ang porma ng materyales na galing sa kalikasan at gawin itong produktong may kabuluhan sa pamamagitan ng paggawa.
Kaya kung aanalisahin natin ang materyales mula sa kalikasan, ang matitirang laman ng kalakal ay ang paggawa ng tao. Kaya napakahalaga ng manggagawa sa pag-iral ng ating lipunan ngayon. Sila ang bumubuhay sa lipunan. Sinasabi nga sa Konstitusyon, ang manggagawa ang pangunahing pwersa sa ekonomya ng bansa.
Ngunit dapat nating bigyang diin na hindi ang paggawa ang dahilan ng unti-unting pagkawasak ng kalikasan, kundi ang pagkuha ng materyales mula sa kalikasan upang pagtubuan at pagkakitaan.
At dahil ang Kalikasan at ang Pag-gawa ang dalawang kambal na elemento na nagpapatakbo sa lipunan, dapat na kilalanin ng mga environmental advocates ang mga manggagawa at ang paggawa, gayundin ang mga manggagawa ay kilalanin ang kahalagahan ng kalikasan at ng mga nangangampanya para protektahan ito.
Ang pagprotekta sa kalikasan ay hindi madaling gawin. Kailangan natin itong pag-isipan at pag-aralan. Kailangan ang comprehensive planning, kinakailangan ang matalinong pamamaraan.
Hindi sapat na maunawaan lang natin kung paano nasisira ang kalikasan, kundi nararapat papaano palalaguin ang kalikasan.
Hindi simpleng itapon lang natin sa basurahan ang balat ng kendi ay ayos na pagkat baka naman naihahalo ang nabubulok sa di nabubulok.
Ang lahat ng ito ay hindi makukuha sa isang tulugan lamang. Hindi ito makukuha sa isang oras na programa sa Bantay Bayan sa DXUP FM.
Dapat ang pakikibaka ay tuloy-tuloy, di dapat kalimutan, ang ganitong mga adhikain ay di ay hindi isang piknik, ang pag-aaral hinggil sa proteksyon ng kalikasan ay hindi katulad ng pagbabasa ng komiks. Dapat itong isapuso at isa-isip at isagawa.
Tulad din ng pagprotekta sa manggagawa, hindi lamang dapat ianunsyo na pinagsasamantalahan sila ng mga kapitalista. Dapat ding ipakita kung paanong sa walong oras nilang pagtatrabaho, hindi kumpletong bababayaran ng kapitalista ang walong oras na paggawa, dahil karaniwan, malaki na ang apat na oras na paggawa ay bayad na ang manggagawa, at ang natitirang oras bawat araw ay libre na.
Kaibigan ating pag-isipan:
1. Anong klaseng kalikasan, kapaligiran, at sistema ng lipunan ang ating ipamamana sa susunod na henerasyon kung wala tayong gagawin ngayon upang protektahan ito?
2. Nais ba nating wasak na kapaligiran ang ating ipamana sa susunod na henerasyon?
3. Kong hindi……. Nawa’y isapuso natin ang awiting “Masdan Mo Ang Kapaligiran” ng bandang ASIN na siyang itinuturing na theme song ng mga mapagmahal saating se\gment na bantay kalikasan.
Balita ni Kaka Alih at Lucy Duce-Feb19, 2009
Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan..Isinagawa sa kauna-unahan pagkakataon ang Harvest Festival ay inilunsad ng Upi Agricultural School – Philippine Technical Institute of Agriculture (UAS-PTIA). Ang festival ay kaugnay ng programa ng Department of Agriculture, sa pakikipagugnayan sa Soils and Water Management (DA-BSWM) sa pagpapatupad sa “Organic-based Agriculture “Agri-Kalikasan” programang pangkaunlaran.
“Ang layunin ng nito ay tulungan ang mga magsasaka na umaasa na lamang sa chemical based na abono, na pamahal ng pamahal ang halaga at mapanganib pa sa kalusugan at kalikasan.” Ayon Teodoro Bersabe, program coordinator DA-BSWM.
Ang Agri Kalikasan program ay nakabase sa siyensiya ngunit gumagamit ng pangmatagalang pagsasaka at pangangalaga sa mga kapaligiran, na ang ginagamit ay ang organic fertilizer.
Ang programa ay ipinapatupad ang dalawang klaseng teknolohiya: Modified Rapid Composting (MRC) at Tipid Abono (TA).
Ang MRC ay gumagamit ng mga basura ng sakahan tulad ng dayami na kadalasan ay sinusunog lamang ng mga magsasaka. Samantala ang TA ay teknolohiya na alternatibong pagtutulong sa mga magsasaka, upang bawasan ang gastusin sa kemikal na abono na ang gagawing abono ay mula sa pinaghalong dumi ng hayop.
Ang harvest festival, na may temang “Bawas, Gastos, Saganang Ani” Highlights namang sa nasabing festival ang pag-aani ng hinog ng palay, sa demo farm ng UAS-PTIA,na pinangunahan ng school administrator Engr. Sukarno Datukan, MPA, Dr. Felicidad de Guzman ang head research extension department,
Mga panauhin ang mga kawani ng Department of Agriculture, Leovi Fernandez, ang Supervising Agriculturist ng DA-BSWM, na naginterview sa farmers benefiaciary, Nadtungan Razak at Teodoro Bersabe, program coordinator DA-BSWM.
Samantala nagbigay ng kanyang mensahe si Razak na ayon sa kanya ay: “sipag at tiyaga ang kailangan ng bawat isa upang makaagapay sa hirap ng buhay”.
Pagkatapos ng pag-aani ay pananghalian na sinundan ng briefing ni Bersabe sa mga magsasaka, kong papaano pakikinabangan at gagamitin ang mga makabagong nadiskubreng teknolohiya.
Dumalo din si committee chair on agriculture Sangguniang Bayan member Alexis Platon sa nasabing aktibidad, kasama ang presidente ng Liga ng mga Barangay sa Upi-Michael “Baby Datu’ Sinsuat I.
Live na napakinggan sa DXUP FM mula 9:00-12:00 ng umaga ang buong kabuan ng nasabing programa na ginanap sa compound at farm ng UAS-PTIA.
Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan.….Muling nagsagawa kaninang umaga ng orientation sa mga magsasaka na interesadong magtanim ng luya ang Business Development Center (BDC).
Ipinaliwanag at nagbigay ng demonstration ng mga supporting staff ng BDC sa pangungauna ni Manager Raul Gardose.
Pinakita sa mahgit na dalawapung magsasaka na dumalo kong magkano ang magiging net income sa 1/4 hektarya at papaano ang makabagong technoohiya sa pagtatanim ng luya.
Ang pinakabago na programa ng BDC ay paghihikayat ng pagtatanim ng luya sa polybag plastic na sa loob lamang ng 120 na araw.
Ayon kay Gardose halos doble ang tubo ng mga magsasaka sa naturang bagong technolohiya.
Dagdag pa ni Gardose ay handang bumili ng Nopa Food Corporation na nakabase sa Davao City ng pickles na luya (120 araw ang edad) ng 20 tonelada bawat buwan.
Ang mga naunang training na naisagawa ng BDC hinggil sa pagtatanim ng luya ay katuwang ang USAID’s Growth with Equity in Mindanao (GEM) Program.
Balita ni Kaka Alih- Jan 15, 2009
Blensong, Upi…Panauhin ang Shariff Kabunsuan OIC Vice Governor Nariman Ambolodto sa turn over ng water system joint project ng Barangay Blensong at ng probinsiya.Ginanap ang simpleng turn-over sa may Upper Blensong, kahapon ng umaga.
Tinanggap ng mga residente ng sitio Upper Blensong ang ang tatlong concrete tank mula sa kanilang Punong Barangay na si Jonathan Acopio.
Ang pondo ng proyekto ay nagkakahalga ng P110 T na nagmumula sa 20% Development Fund ng Barangay na P50 at ang P60 ay nagmumula naman sa pondo ng probinsiya ng Shariff Kabunsuan sa pamamagitan ni OIC Vice Governor Ambolodto.
Naging panauhin din ang Association Barangay Chairman President Michael “Baby Datu’ Sinsuat I, na pagkatapos ng turn-over ay nangako na magbibigay ng materiales na maisesemento sa kinalalagyan ng gripo, at doon kumukuha ng tubig ang mga residente.Nangako rin ng dalawang bag na semento si Municipal Kagawad Kalima Gunsi.
Samantala, nabanggit din ni Ambolodto na makikipagugnayan siya sa Barangay official ng ng Kibucay upang makapagpatayo ng isang pampublikong palikuran sa kahabaan ng national highway ng Awang-Lebak road. Ayon sa Vice Governor ang makikinabang dito ay ang mga manlalakbay na mula Lebak, Upi at bisita papunta ng Upi.
Alih-para sa Programan “Bantay Bayan Boses ng Sambayanan” sa segment na “Bantay Kalikasan” January 14, 2009: Anchor ni Lenyrose Bajar at Co-Anchor Alih Anso)
Sa muli ang pag-uusapan natin ay tungkol sa Kalikasan. Ang tanong ko.. Hindi ba sa tuwing maririnig ng ating pandinig ang salitang ito, nailalarawan agad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?
Nag-replek sa ating isipan ang mga panahon na buhay na buhay pa ang ibat-ibang nilikha ng Panginoon? Mga iba’t ibang nilalang na hitik sa kagandahan, samu’t saring buhay na naninirahan sa malaparaisong kaharian ng Diyos.
Ang kapaligiran natin noon dito sa bayan ng Upi ay sagana sa mga likas ng yaman, mga kamamanghang tanawin na nagpapangiti sa ating mga magulang lalo na ang ating mga Ninuno na sina Tabunaway at Mamalu. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa atin ng Kadnan (Diyos) dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa tao, sa buong sangkatauhan.
Sino ba namam ang hindi hahanga sa ganitong tanawin. Paano nga ba hindi ka mahahalina sa, gayong alam mo na taglay ng kalikasang ito ang lahat ng kanilang mga pangangailangan upang mabuhay sa mundong ito ay abot kamay nila?
Noon dito sa Upi ay sagana sa mga likas ng yaman, mga kamangha mangha na tanawin na nagbibigay ginhawa at nagpapangiti sa ating mga Ninuno. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa kanila ng Panginong Lumikha ang Kadnan(Allah).
Ang tanong nasaan ang likas na yaman ng ating kapaligiran?
Wala na bang pag-asa ang angkan ni Mamalu at Tabunaway na maibalik ang kasaganaan at kagandahan ng kapaligiran?
Ang tao, siya nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago? Isang pag-babago na siyang sumira sa ating kapaligiran, ang kalikasan na siyang nagbibigay sa atin ng buhay.
Nakakalungkot mang isipin ngunit kung ating mamasdan ay isang ganap na pagbabago ang bumabalot sa atin, kasama na ang buong mundo..
At ang katotohanang, isa tayo sa mga saksi, mga saksing nagbubulag-bulagan, na kunwari ay di natin alam ang nangyayari sa kasalakuyang narararanasan ng Inang Kalikasan. Na ang dahilan ng pagkawasak ng kapaligiran ay tayo ( na Tao) ang naging dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.
Ang tanong ko sa mga giliw na nakikinig, “Papaano,? ” nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang ating kalikasan?
Ito ba ay dahil sa pagbabago (modernization)?; mga pagbabago sa mga bagay-bagay dahil sa natatanging kaalaman ng tao? Kaalaman ng tao na siya ring bumabago sa mukha ng kalikasan?
Hindi kaya ang dahilan ng pagbabago na humantong sa pagkawasak ng kalikasan ay dahil nariyan ang mga makabagong paraan ng paghahanap buhay gamit ang mga makabagong teknolohiya? Gumagamit ng makinarya, sa pamumutol ng kahoy gumagamit na ng chain saw, na kaya ng putulin ang daan-daang puno sa isang araw na lamang?
Mga makabagong teknolohiya na siya ring nagdudulot ng polusyon sa mga tubig at hangin. Gumagamit ng langis, na ngbubuga ng usok, na nakakapagdulot ng sakit sa tao.
Hindi din kaya, na kaya mabilis ang pagkasira ng kalikasan ay kabilang din ang pagtaas ng bilang populasyon (population explosion) dumami ang tao, syempre kasabay din ang pagdami ng mga umaasa sa mga kayamanang galing sa kalikasan.
Sadyang nakakalungkot isipin na minsa’y napapabayaan natin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan. Sa kabila ng pakikinabang ng tao, ang pang-aabuso ay nariyan na minsa’y tayo rin ang naapektuhan.
( DISCUSS PAG-AABUSO SA KALIKASAN- na siyang nakakasira sa kagubatan.kalikasan)
1. Kaingin system- Landless farmers tend to engage in shifting cultivation unless they are provided with their own land. These landless farmers belong mostly to ethnic or tribal groups which practice upland farming. Along steep slopes of mountains, they clear large areas of forests to grow crops. trees are burned to clear forest. Once cleared, the area is used to grow crops.They burn trees and plant agricultural crops. This method of agriculture is generally referred to as kaingin in the
Ngunit hindi natin basta masisi ang nagkakaingin may mga dahilan sila:
· Ang pamumutol o paghahawan ng mga punong kahoy at kagubatan ay dahil sa kawalan ng sapat na edukasyon kong ano ang magiging epekto pag nawala na ang mga punong kahoy.
· Dapat malaman ng mga kaingeros na ito na magkakaroon ng pagka-agnas (errosion) ang lupa.
· Dapat maipaintindi sa kanila na mawawalang ng mga tahanan ang mga hayop, ibon at iba pang may buhay na nainirahan dito,
· Pagwala na ang puno, mawawala din ang tubig dahil ang puno ang siyang pansamantalang humahawak sa tubig, at dahan dahan itong ilalabas sa panahon ng tag-init.
.Ayon sa Texter natin: “Dapat makipagtulungan ang mga paaralan, bago mag-graduate ang kabataan makapagtanim muna ng mga punogn kahoy”.
KAUGNAY NG PINAG-UUSAPAN NATIN NA TUNGKOL SA TUBIG ANG BARANGAY BLENSONG AY M,AY PROYEKTO SA PATUBIG, NA ITURN OVER NGAYON ARAW, ISA ITO SA MGA IBINIBIGAY NG KALIKASAN, NA KINAKAILANGAN NG PANGANGALAGA SA PINAGMUMULAN NG TUBIG. KAHAPON AY NAKAPANAYAM NG DXUP ANG PUNONG BARANGAY NG BLENSONG: HON JONATHAN ACOPIO-
(PLAY THE RECORDED INTERVIEW)
2. pag-uuling-isa din ito sa may malaking contribution sa madaling pagpanot ng kabundukan.
Ayon sa sa Texter dapat na magsagawa ang goberno ng mga livelihood project, upang doon mapunta ang atensyon ng mga tao.
Sana’y maramdaman din natin na ang kalikasan ay may napakahalagang papel sa ating mga tao. May buhay na kailangang pag-ingatan upang mapanatili ang maayos na sistema sa bawat bagay sa mundong ito na may kanya-kanyang ginagampanan.
Ayon kay Jess Geralino sa programang Usaping Bayan…”Sana huwag nating hayaan humantong sa pagkakataong maranasan ang galit ng kalikasan subukan nating gumawa ng mga paraan kung paano mapapanatili ang magandang relasyon ng tao sa kalikasan”.
Hindi pa huli ang lahat upang tayo’y magkaroon ng mga hakbang upang maibalik ang unti-unting pagkawala ng sigla at kagandahang taglay ng ating “Inang Kalikasan”.
Likas na Kalikasan, na minahal at inaruga ng ating mga ninuno. Kalikasan na siyang bumuhay sa kanila sa mahabang panahon.
Sana’y huwag nating ipagdamot, sanay huwag tayong magtulog-tulogan na masilayan pa ang dating kagandahang taglay ng ating kalikasan sa Upi para sa ating mga susunod pang henerasyon at para sa mga buhay ng bagong kinabukasan!
Balita ni Kaka Alih-Enero 5, 2009 Lunes
Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan……..….Galak at pasasalamat ng mga magsasaka sa Poong Lumikha dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan kahapon. Nitong mga huling buwan ng lumipas na taon ay hindi umulan, na siyang dahilan ng pagkatigang ng mga sakahan. Ang mga irigasyon ay halos wala ng tubig dahil sa ang mga ilog na pinanggagalingan nito ay natuyuan na rin. Na ayon sa mga dalubhasa ay dahil sa pagka-kalbo ng ating mga kabundukan, dahil ang mga punong kahoy ang siyang nag-iimbak ng tubig.
“Alhamdullillah, (ang lahat ng Pagpupuri sa Allah lamang) dahil sa ulan, na binigay ng Allah” ito ang nasabi ni Unsa Muhammad, isang magsasaka at guro na ang sakahan ay umaasa sa tubig ulan dahil sa wala ng tubig ang irigasyon ng Upi Agricultural School.
Ang Upi ang may isa sa may malaking pinag-mumulan ng aning palay at mais sa probinsiya ng Shariff Kabunsuan.
Sa bayan ng Upi ay inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Upi ang Forest Land Used Plan (FLUP) nitong nakaraan taon.
Ang FLUP ay isang programa na sinusuportahan ng United States Agency for International Devlopment (USAID).
Ang (FLUP) ay isang pamamaaraan ng pagpaplano-matapos ang isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan-upang mailagay sa maayos na pamamahala ang mga ito. Ito rin ang siyang magiging basehan sa “alokasyon” o paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.
Kaka Alih-Dec 10, 2008
Bago ang lahat kasamang Leny, tayo ay pansamantalang munang magnilay-nilay kahit ilang sandali at humingi ng kapahintulutan sa Poong Maykapal o Sa Allah na bigyan tayo ng lakas at kapahintulutan na mapag-usapan natin ang kanyang biyaya sa tao…. ang kalikasan.
At tayo’y magpasalamat sa kalikasan, lalo na sa mga puno, pagkat sa kanila nanggagaling ang mga papel na ginagawang sulatan, n gating mga anak na nag-aaral at mg aklat na na kanilang binabasa, upang maging marunong sa hinaharap.
Kung wala ang mga puno, na siyang pinanggagalingan ng mga papel, na ginagamit sa pag-gawa ng mga libro, tiyak na wala tayong binabasang mga aklat ang ating mga guro at estudyante, magasin at mga pahayagan.
Pagpugayan din natin ang mga kababayang nagsakripisyo’t nagpakasakit, para pangalagaan ang ating inang kalikasan, lalo na ang mga environmental activists at advocates sa kanilang walang sawang pagtutok at pagkilos upang ang ating kalikasan ay maging maayos at mapareserba para sa susunod na henerasyon.
Pagpugayan din natin ang ating local na pamahalaan ng Upi, sa pangunguna n gating Mayor Ramon A Piang Sr. at ang Bise Alkalde na siya rin ang presiding officer ng Sangguniang Bayan: vice Mayor Abdullah Salik Jr. Al Haj., dahil sa pagpasa ng ordinansa na Municipal Ordinance #3 (Comprehensive Ecologiocal Solid Waste Management,) dahil sa batas na ito ay natuto ang mga mamayan ng Upi na pahalagahan ang ating kalikasan at kapaligiran.
Napakahalaga ng mga isyung pangkalikasan na karaniwang hindi nabibigyang-pansin ng ibang ibang media, (na walang ibang gustong ibalita kundi ang mga giyera at kaguluhan sa ating bansa, lalo na ang giyera dito sa Mindanao, dahil ang ito raw ang gusto ng mga “clients” nila, ang tanong totoo ba ito?) ng karamihan sa opisyal ng gobyerno, ng mga eskuwelahan o ng akademya. Saka lamang gagalaw at mag-iingay kong may trahedya ng nangyari, saka lang sila nagsasalita at gumagalaw..kong marami ng mga nasawi at malawak na ang nasalantang kapaligiran.
Ang tanong Bakit ganito ang mga Pilipino? (dahil bas a nadala sila na panood kay Fernando Poe Jr, na nagpapabugbog muna, bado sumusuntok?) O talagang ang mga Pilipino ay wala silang pakialam o dahil hindi nila alam ang isyu?
Alam mo Len? Kong minsan nga ay nagtataka ako, dahil marami sa atin, bata pa lang ay tinuruan naman sa mga paaralan ng simpleng pagtatapon ng basura sa tamang basurahan, (kaya lang ang tanong tama ba ba ang ginagawa natin noon na itapon sa dumping pit ang ating mga basura?.) Bakit ngayon tila ang iba ay nagkaasakit na ng amnesiya, nakalimutan ang tinuro sa paaralan? Ang tinuro ni Maam at Sir.
Dahil ng lumaki na tayo, nalimutan na ito. Kung saan-saan itinatapon ang basura. Ang balat ng kendi, na hindi naman basura hangga’t hindi pa lumalapat sa basurahan, ay agad pinandidirihan. Itinatapon agad kung saan-saan, at ayaw munang ibalik sa bulsa hanggang sa makakita ng basurahan.
Isang panibagong karanasan ang ating natutunan sa Ordinance #3 o COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT, may nagbabantay nandiyan ang mga EnforcerS, andiyan ang street sweeperS at garbage technicianS, araw-araw ay nanagbabantay, nagwawalis at humahakot ng basura.
Ngunit kahit marahil araw-araw, 365 araw bawat taon, 7 araw bawat linggo, 24 oras bawat araw, ang gagawing paglilinis at paghahakot ng mga basura sa karagatan , hindi pa rin ito mauubos, yes I know, bagamat unti-unti itong mababawasan. Alam nyo ba kung bakit? Dahil habang nililinis natin ang kapaligiran, tuluy-tuloy pa rin ang pagtatapon ng basura ng marami kong saan-saan. Habang nagbabawas tayo, makailang beses ang nadadagdag.. Dapat mapigilan ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at kanal sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, tulad ng eco-mercials (ecology commercials), media, forum, edukasyon sa bawat barangay, atbp.
Dagdag pa rito, isa sa mga natutunan ko sa mga pagdalo sa mga forum, natutuhan ko doon na na bawal magsunog ng basura dahil nagdudulot ito ng sakit at pagkawasak ng kalikasan.
Bilang nagsisimulang manunulat sa isang sa blog (salamat sa MindaNews sa seminar sa amin ng Grassroots Journalism) at bilang media man, naipangako ko sa sarili na ipinalaganap ko sa iba’t ibang komunidad lalo na sa Upi na bawal magsunog ng basura.
At alam mo ba Len? Aba’y marami ang tumalima, nakikinig at di ko lang alam kong maging bahagi na ng kanilang buhay na isagawa ang pangangalaga sa kalikasan. Marami na sa kanila ang di na nagsusunog ng basura. Kaya napakahalaga ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa kalikasan. Dapat ang pagbibigay ng information ng LGU Upi ay tuloy-tuloy at iba pang samahang makakalikasan upang tuluy-tuloy ang pangangalaga sa ating kapaligiran.
Kung ating pagninilayan, alam nating lahat na bago pa tayo mabuhay sa mundo, nariyan na ang kalikasan. Nariyan ang dagat, lupa, hangin, atbp. Halos lahat ng ginagamit natin sa araw-araw ay mula sa kalikasan.
Sa kasalukuyan, laganap sa mundo ang sistema ng kalakalan, kung saan nagbebentahan ng iba’t ibang produkto o serbisyo ang iba’t ibang tao, samahan o maging bansa, para sila tumubo. Sa kalakalang ito, malaki ang papel ng kalikasan. Paano? Ang komposisyon ng lahat ng kalakal sa daigdig ay mula sa dalawang elemento :
1. Ang materyal na galing sa kalikasan,
2. At ang paggawang galing sa tao. Sa pangkalahatan, ang unamateryal na galing sa kalikasan ay libre at walang “halaga sa pera”. Ang ikalawapaggawang galing sa tao ay may “bayad” at ito ang nagbibigay ng halaga sa mga kalakal. Magbigay
Ok para maliwanag at maintindihan, magbigay tayo ng mga halimbawa.:
Ang isda na galing sa dagat ay libre. Ang binayaran natin ay ang paggagawa o pagtrabaho ng mga mangingisda.
Ang kahoy na ginamit sa bangka ay libre dahil galing sa gubat, at ang yaman ng gubat ay likha ng Allah. Ang binayaran natin ay ang paggawa nang pumutol ng kahoy at gumawa ng bangka. Kaya’t papasok sa presyo ng isda hindi lang ang paggawa ng mangingisda kundi ang porsyon ng paggawang nagamit para sa kanyang mga kasangkapan sa pangingisda.
Libre ang materyales ng dyamante na walang sangkap ng paggawa ng tao. Kong may binayaran man tayo ay ang paggawa at panahon ng minero para hanapin ito at hukayin sa kailaliman ng lupa, at ang paggawang nakapaloob sa mga kasangkapan at prosesong ginamit sa dyamante. Halimbawa, kung ginamitan ito ng makinarya, ang binarayan natin ay ang makinarya ng paggawa nito at hindi ang mga sangkap ng bakal na hindi gawa ng tao at galing sa kalikasan sa kanyang natural na porma. Kung ginamitan ng kemikal ang paglinang ng dyamante, ang binayaran ay ang paggamit ng kemikal at hindi ang sangkap na galing sa kalikasan.
Isa pang halimbawa ang mineral water. dito sa bayan ng Upi, mayroon na tayong Living Water, na pag-aari ng mga Sapon family, di ba ang kanilang tubig ay libre nilang nasispsip sa ilalim ng lupa? Sa madaling usapan ya Libre ang inuming tubig dahil mula sa kalikasan, ngunit ng kanilang salain sa kanilang makinaryang, de korente, at inilagay na nila ito sa boteng plastik ito’y may bayad. Ang binayaran dito ay ang gumawa at paggawa, mula sa pagkuha ng tubig sa kalikasan, transportasyon, proseso at paglalagay sa boteng plastik, at ang paglalako ng mineral water.
Sa madaling salita, anumang mula sa kalikasan na ginagamit natin ngayon at binabayaran ay dahil sa paggawa ng tao. Ang ginawa ng tao, sa proseso ng produksyon, ay baguhin ang porma ng materyales na galing sa kalikasan at gawin itong produktong may kabuluhan sa pamamagitan ng paggawa.
Kaya kung aanalisahin natin ang materyales mula sa kalikasan, ang matitirang laman ng kalakal ay ang paggawa ng tao. Kaya napakahalaga ng manggagawa sa pag-iral ng ating lipunan ngayon. Sila ang bumubuhay sa lipunan. Sinasabi nga sa Konstitusyon, ang manggagawa ang pangunahing pwersa sa ekonomya ng bansa.
Ngunit dapat nating bigyang diin na hindi ang paggawa ang dahilan ng unti-unting pagkawasak ng kalikasan, kundi ang pagkuha ng materyales mula sa kalikasan upang pagtubuan at pagkakitaan ng ating mga mamayan.
At dahil ang Kalikasan at ang Pag-gawa ang dalawang kambal na elemento na nagpapatakbo sa lipunan, dapat na kilalanin ng mga environmental advocates ang mga manggagawa at ang paggawa, gayundin ang mga manggagawa ay kilalanin ang kahalagahan ng kalikasan at ng mga nangangampanya para protektahan ito.
Ang pagprotekta sa kalikasan ay hindi madaling gawin. Kailangan natin itong pag-isipan at pag-aralan.
Hindi sapat na maunawaan lang natin kung paano nasisira ang kalikasan. dapat din nating malaman ang epekto pag ito ay nasira o naubos.
Hindi simpleng itapon lang natin sa basurahan ang balat ng kendi ay ayos na. pagkat baka naman naihahalo ang nabubulok sa di nabubulok. Dahil iba ang epekto ng hindi nabubulok sa mga tanim, at sa tao, lalo yaong mga kemikal na nakakalason sa tao.
At dapat matino sa ating isipan at damdamin na ang lahat ng ito ay hindi makukuha sa isang tulugan lamang. Dapat ang pangangampanya, o advocacy ay hindi ningas kugon lamang, nararapat lamang na ay tuloy-tuloy, di dapat kalimutan.
Ang mga ganitong mga adhikain ay hindi katulad sa isang piknik, ang pag-aaral hinggil sa proteksyon ng kalikasan ay hindi katulad ng pagbabasa ng komiks. Papaano? Dapat itong isapuso at isa-isip at isagawa.
Tulad din ng pagprotekta sa manggagawa, hindi lamang dapat ianunsyo na pinagsasamantalahan sila ng mga kapitalista. Di lang dapat na pag-usapan sa radyo, dilang dapat isulat sa mga blog at website, dapat na ipakita kung paanon sa walong oras nilang pagtatrabaho, ay maibigay sa kanila ang tamang bayaran, sa ano man overtime ay dapat din kuwentahin,.
Ang panghuli kasamang Leny, ating pag-isipan:
1. Pag-ipan nating lahat , anong klaseng kalikasan, kapaligiran, at sistema ng lipunan ang ating ipamamana sa susunod na henerasyon kung wala tayong gagawin ngayon upang protektahan ito?
2. Pag-isipan mo kaibigan, gusto mo bang wasak na kapaligiran ang ating ipamana sa ating mga salin lahai, sa ating mga anak, mga apo?
3. Kong hindi ang sagot mo sa mga tanong nararapat lamang na isapuso natin papaano mapanatili ang yaman ng kalikasan, kong sakali mang di maiwasan na may masisira tayo, ay matuto tayong palitan o pagyamanin ito, para sa ating mga anak.
Kaka Alih-Dec 10, 2008
( script of radio program: “Bantay Bayan Boses ng Sambayanan” sa segment na “Bantay Kailkasan”. anchor ni Lenyrose Bajar- script writer/segment producer at co-anchor: Alih Anso)
Bago ang lahat kasamang Leny, tayo ay pansamantalang munang magnilay-nilay kahit ilang sandali at humingi ng kapahintulutan sa Poong Maykapal o Sa Allah na bigyan tayo ng lakas at kapahintulutan na mapag-usapan natin ang kanyang biyaya sa tao…. ang kalikasan.
At tayo’y magpasalamat sa kalikasan, lalo na sa mga puno, pagkat sa kanila nanggagaling ang mga papel na ginagawang sulatan, n gating mga anak na nag-aaral at mg aklat na na kanilang binabasa, upang maging marunong sa hinaharap.
Kung wala ang mga puno, na siyang pinanggagalingan ng mga papel, na ginagamit sa pag-gawa ng mga libro, tiyak na wala tayong binabasang mga aklat ang ating mga guro at estudyante, magasin at mga pahayagan.
Pagpugayan din natin ang mga kababayang nagsakripisyo’t nagpakasakit, para pangalagaan ang ating inang kalikasan, lalo na ang mga environmental activists at advocates sa kanilang walang sawang pagtutok at pagkilos upang ang ating kalikasan ay maging maayos at mapareserba para sa susunod na henerasyon.
Pagpugayan din natin ang ating local na pamahalaan ng Upi, sa pangunguna n gating Mayor Ramon A Piang Sr. at ang Bise Alkalde na siya rin ang presiding officer ng Sangguniang Bayan: vice Mayor Abdullah Salik Jr. Al Haj., dahil sa pagpasa ng ordinansa na Municipal Ordinance #3 (Comprehensive Ecologiocal Solid Waste Management,) dahil sa batas na ito ay natuto ang mga mamayan ng Upi na pahalagahan ang ating kalikasan at kapaligiran.
Napakahalaga ng mga isyung pangkalikasan na karaniwang hindi nabibigyang-pansin ng ibang ibang media, (na walang ibang gustong ibalita kundi ang mga giyera at kaguluhan sa ating bansa, lalo na ang giyera dito sa Mindanao, dahil ang ito raw ang gusto ng mga “clients” nila, ang tanong totoo ba ito?) ng karamihan sa opisyal ng gobyerno, ng mga eskuwelahan o ng akademya. Saka lamang gagalaw at mag-iingay kong may trahedya ng nangyari, saka lang sila nagsasalita at gumagalaw..kong marami ng mga nasawi at malawak na ang nasalantang kapaligiran.
Ang tanong Bakit ganito ang mga Pilipino? (dahil bas a nadala sila na panood kay Fernando Poe Jr, na nagpapabugbog muna, bado sumusuntok?) O talagang ang mga Pilipino ay wala silang pakialam o dahil hindi nila alam ang isyu?
Alam mo Len? Kong minsan nga ay nagtataka ako, dahil marami sa atin, bata pa lang ay tinuruan naman sa mga paaralan ng simpleng pagtatapon ng basura sa tamang basurahan, (kaya lang ang tanong tama ba ba ang ginagawa natin noon na itapon sa dumping pit ang ating mga basura?.) Bakit ngayon tila ang iba ay nagkaasakit na ng amnesiya, nakalimutan ang tinuro sa paaralan? Ang tinuro ni Maam at Sir.
Dahil ng lumaki na tayo, nalimutan na ito. Kung saan-saan itinatapon ang basura. Ang balat ng kendi, na hindi naman basura hangga’t hindi pa lumalapat sa basurahan, ay agad pinandidirihan. Itinatapon agad kung saan-saan, at ayaw munang ibalik sa bulsa hanggang sa makakita ng basurahan.
Isang panibagong karanasan ang ating natutunan sa Ordinance #3 o COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT, may nagbabantay nandiyan ang mga EnforcerS, andiyan ang street sweeperS at garbage technicianS, araw-araw ay nanagbabantay, nagwawalis at humahakot ng basura.
Ngunit kahit marahil araw-araw, 365 araw bawat taon, 7 araw bawat linggo, 24 oras bawat araw, ang gagawing paglilinis at paghahakot ng mga basura sa karagatan , hindi pa rin ito mauubos, yes I know, bagamat unti-unti itong mababawasan. Alam nyo ba kung bakit? Dahil habang nililinis natin ang kapaligiran, tuluy-tuloy pa rin ang pagtatapon ng basura ng marami kong saan-saan. Habang nagbabawas tayo, makailang beses ang nadadagdag.. Dapat mapigilan ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at kanal sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, tulad ng eco-mercials (ecology commercials), media, forum, edukasyon sa bawat barangay, atbp.
Dagdag pa rito, isa sa mga natutunan ko sa mga pagdalo sa mga forum, natutuhan ko doon na na bawal magsunog ng basura dahil nagdudulot ito ng sakit at pagkawasak ng kalikasan.
Bilang nagsisimulang manunulat sa isang sa blog (salamat sa MindaNews sa seminar sa amin ng Grassroots Journalism) at bilang media man, naipangako ko sa sarili na ipinalaganap ko sa iba’t ibang komunidad lalo na sa Upi na bawal magsunog ng basura.
At alam mo ba Len? Aba’y marami ang tumalima, nakikinig at di ko lang alam kong maging bahagi na ng kanilang buhay na isagawa ang pangangalaga sa kalikasan. Marami na sa kanila ang di na nagsusunog ng basura. Kaya napakahalaga ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa kalikasan. Dapat ang pagbibigay ng information ng LGU Upi ay tuloy-tuloy at iba pang samahang makakalikasan upang tuluy-tuloy ang pangangalaga sa ating kapaligiran.
Kung ating pagninilayan, alam nating lahat na bago pa tayo mabuhay sa mundo, nariyan na ang kalikasan. Nariyan ang dagat, lupa, hangin, atbp. Halos lahat ng ginagamit natin sa araw-araw ay mula sa kalikasan.
Sa kasalukuyan, laganap sa mundo ang sistema ng kalakalan, kung saan nagbebentahan ng iba’t ibang produkto o serbisyo ang iba’t ibang tao, samahan o maging bansa, para sila tumubo. Sa kalakalang ito, malaki ang papel ng kalikasan. Paano? Ang komposisyon ng lahat ng kalakal sa daigdig ay mula sa dalawang elemento :
1. Ang materyal na galing sa kalikasan,
2. At ang paggawang galing sa tao. Sa pangkalahatan, ang unamateryal na galing sa kalikasan ay libre at walang “halaga sa pera”. Ang ikalawapaggawang galing sa tao ay may “bayad” at ito ang nagbibigay ng halaga sa mga kalakal. Magbigay
Ok para maliwanag at maintindihan, magbigay tayo ng mga halimbawa.:
Ang isda na galing sa dagat ay libre. Ang binayaran natin ay ang paggagawa o pagtrabaho ng mga mangingisda.
Ang kahoy na ginamit sa bangka ay libre dahil galing sa gubat, at ang yaman ng gubat ay likha ng Allah. Ang binayaran natin ay ang paggawa nang pumutol ng kahoy at gumawa ng bangka. Kaya’t papasok sa presyo ng isda hindi lang ang paggawa ng mangingisda kundi ang porsyon ng paggawang nagamit para sa kanyang mga kasangkapan sa pangingisda.
Libre ang materyales ng dyamante na walang sangkap ng paggawa ng tao. Kong may binayaran man tayo ay ang paggawa at panahon ng minero para hanapin ito at hukayin sa kailaliman ng lupa, at ang paggawang nakapaloob sa mga kasangkapan at prosesong ginamit sa dyamante. Halimbawa, kung ginamitan ito ng makinarya, ang binarayan natin ay ang makinarya ng paggawa nito at hindi ang mga sangkap ng bakal na hindi gawa ng tao at galing sa kalikasan sa kanyang natural na porma. Kung ginamitan ng kemikal ang paglinang ng dyamante, ang binayaran ay ang paggamit ng kemikal at hindi ang sangkap na galing sa kalikasan.
Isa pang halimbawa ang mineral water. dito sa bayan ng Upi, mayroon na tayong Living Water, na pag-aari ng mga Sapon family, di ba ang kanilang tubig ay libre nilang nasispsip sa ilalim ng lupa? Sa madaling usapan ya Libre ang inuming tubig dahil mula sa kalikasan, ngunit ng kanilang salain sa kanilang makinaryang, de korente, at inilagay na nila ito sa boteng plastik ito’y may bayad. Ang binayaran dito ay ang gumawa at paggawa, mula sa pagkuha ng tubig sa kalikasan, transportasyon, proseso at paglalagay sa boteng plastik, at ang paglalako ng mineral water.
Sa madaling salita, anumang mula sa kalikasan na ginagamit natin ngayon at binabayaran ay dahil sa paggawa ng tao. Ang ginawa ng tao, sa proseso ng produksyon, ay baguhin ang porma ng materyales na galing sa kalikasan at gawin itong produktong may kabuluhan sa pamamagitan ng paggawa.
Kaya kung aanalisahin natin ang materyales mula sa kalikasan, ang matitirang laman ng kalakal ay ang paggawa ng tao. Kaya napakahalaga ng manggagawa sa pag-iral ng ating lipunan ngayon. Sila ang bumubuhay sa lipunan. Sinasabi nga sa Konstitusyon, ang manggagawa ang pangunahing pwersa sa ekonomya ng bansa.
Ngunit dapat nating bigyang diin na hindi ang paggawa ang dahilan ng unti-unting pagkawasak ng kalikasan, kundi ang pagkuha ng materyales mula sa kalikasan upang pagtubuan at pagkakitaan ng ating mga mamayan.
At dahil ang Kalikasan at ang Pag-gawa ang dalawang kambal na elemento na nagpapatakbo sa lipunan, dapat na kilalanin ng mga environmental advocates ang mga manggagawa at ang paggawa, gayundin ang mga manggagawa ay kilalanin ang kahalagahan ng kalikasan at ng mga nangangampanya para protektahan ito.
Ang pagprotekta sa kalikasan ay hindi madaling gawin. Kailangan natin itong pag-isipan at pag-aralan.
Hindi sapat na maunawaan lang natin kung paano nasisira ang kalikasan. dapat din nating malaman ang epekto pag ito ay nasira o naubos.
Hindi simpleng itapon lang natin sa basurahan ang balat ng kendi ay ayos na. pagkat baka naman naihahalo ang nabubulok sa di nabubulok. Dahil iba ang epekto ng hindi nabubulok sa mga tanim, at sa tao, lalo yaong mga kemikal na nakakalason sa tao.
At dapat matino sa ating isipan at damdamin na ang lahat ng ito ay hindi makukuha sa isang tulugan lamang. Dapat ang pangangampanya, o advocacy ay hindi ningas kugon lamang, nararapat lamang na ay tuloy-tuloy, di dapat kalimutan.
Ang mga ganitong mga adhikain ay hindi katulad sa isang piknik, ang pag-aaral hinggil sa proteksyon ng kalikasan ay hindi katulad ng pagbabasa ng komiks. Papaano? Dapat itong isapuso at isa-isip at isagawa.
Tulad din ng pagprotekta sa manggagawa, hindi lamang dapat ianunsyo na pinagsasamantalahan sila ng mga kapitalista. Di lang dapat na pag-usapan sa radyo, dilang dapat isulat sa mga blog at website, dapat na ipakita kung paanon sa walong oras nilang pagtatrabaho, ay maibigay sa kanila ang tamang bayaran, sa ano man overtime ay dapat din kuwentahin,.
Ang panghuli kasamang Leny, ating pag-isipan:
1. Pag-ipan nating lahat , anong klaseng kalikasan, kapaligiran, at sistema ng lipunan ang ating ipamamana sa susunod na henerasyon kung wala tayong gagawin ngayon upang protektahan ito?
2. Pag-isipan mo kaibigan, gusto mo bang wasak na kapaligiran ang ating ipamana sa ating mga salin lahai, sa ating mga anak, mga apo?
3. Kong hindi ang sagot mo sa mga tanong nararapat lamang na isapuso natin papaano mapanatili ang yaman ng kalikasan, kong sakali mang di maiwasan na may masisira tayo, ay matuto tayong palitan o pagyamanin ito, para sa ating mga anak.
October 3, 2008
Kaka Alih October 3, 2008
Ang bukal [spring, sepot sa Maguindanaon at T’duray, sa Iranon at Meranaw ay Bualan] ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.
Ang Qur’an ay nagpahayag na ang tubig mula sa bukal ay palatable, samantala ang tubig ulan ay distilled water, ito ay mainam para sa mga tanim.
Kailangan ng tao ang tubig inumin mula sa bukal, ang problema walang bukal na mapagkunan ng tubig. “Kong wala, ay di magtanim..” (ng bukal). Maitatanim ba iyan Kaka Alih? (tanong niya sa akin) ..Yes, (sagot ko) … maitatanim ito.. ayon sa aking Lolo Antal. Siya ay native inhabitants ng Barira, na dati ay sakop ng Buldon, na dati ay sakop ng Parang.
Ang kailangan mo para makatanim ng bukal ( sepot, bualan, spring):
Paraan ng “pagtatanim”:
Paalaala, para tumubo at lumago ang “tanim”:
Facts o katotohanan:
Kaka Alih
Alam natin na mahalaga ang tubig sa buhay ng tao, hayop at sa iba pang nilalang ng Diyos. Hindi yata tayo mabubuhay ng walang tubig. Ayon sa pag-aaral, ang mundong ating sinilangan ay may kabuuan na 97% na karagatan (tubig dagat), 2% ang naging yelo sa North at South poles 1% ilog tabang, mga lawa, mga natatagong balon at bukal.
Sa katawan naman ng tao ay 70% ay tubig. Sabi nga nila matitiis mong magutom ng isang linggo, ngunit kapag nawala ang tubig tiyak patay ka.
Nilikha ng Diyos ang tubig para sa tao at kanyang mga nilikaha, ngunit walang nakakaalam kung saan nanggaling ang tubig. Ang alam natin ito’y paikot-ikot lang sa mundong ito. Ito’y pumapatak na ulan sa lupa, pagkatapos ay muling nagbabalik sa kalawakan sa paghigop ng init ng araw at sa pamamagitan ng mga halaman.
Noong unang panahon, tao ang lumalapit sa tubig dahil sa kakulangan ng teknolohiya, di alam ng tao ang paraan upang lumapit ang tubig sa kanya.
Dahil ang tao ay binigyan ng Diyos ng talino, (siyang nating pasalamatan araw-araw sa Poong Lumikha) di nagtagal ay natuto syang humukay ng balon para mapalapit sa kanya ang tubig. At iyan kapatid na nakikinig ang kauna-unahang “water system” na hanggang sa ngayon ay ginagamit pa rin, lalo na sa tulad natin sa Upi.
Hindi nagtagal ay muling nakatuklas ng ibang teknolohiya ang angkan ni Adam, sa mga pook na may bukal o ilog, natuklasan ng tao na maaari palang mapaagos sa mga bahay ang tubig sa pamamagitan ng kawayan, at kalaunan tubo na bakal at ngayon ay matigas na plastic .
Sa ngayon iba’t-iba ang pinanggagalingan ng tubig. May umaagos mula sa bundok. May siyudad naman na sa ilog at lawa umaasa. Ang iba ay humuhukay sila ng malalim hanggang sa bumukal ang tubig o yaong tinatawag na deep well.
Noong unang panahon, ang tubig ay pinakukulo at sinasala, upang ito’y luminaw at maging masarap inumin gaya sa India, may 4,000 taon na ang nakakaraan.
Sa Ehipto noong araw, sa ilog Nilo sila sumasalok ng inumin at ito’y tinitinggal nila sa malalaking tapayan. Pagkatapos na tumining ang buhangin at putik ang tubig ay hinihigop.
Sa Gresya ay ganoon din…pinakukulo at sinasala ang tubig. Iyon ang turo sa kanila ni Hipocrates, ang Ama ng mga Manggagamot.
Taong 1850 nang matuklasan ng mga dalubhasa na ang tubig ay maaaring magdala ng sakit, kaya sinasala nila itong mabuti bago gamitin. Ang mikrobyo at iba pang karumihan ay naibubukod sa paraang ito. Pero ang mga mikrobyo
Pero ang sadyang may angking talino na biyaya ng diyos, natuklasan nito na ang klorina (chlorine) ay mabisang pamatay-mikrobyo, na kinikilala ngayon sa buong mundo. Kaya’t halos lahat ng malaking siyudad ay nagkoklorina na ng tubig-inumin.
Maraming teknilohiya ang nadiskubre ng tao, tulad halimbawa na ang tubig sa ilog, ay pinaaagos sa mga daluyang may sala, nang di pasukin ng isda at iba pang naaanod na bagay. Kong nasa tangke na ito ay hinahaluan naman ng mga sangkap na gamot upang tumining ang dumi. Kong minsan may mga gamut (chemical) ang inihahalo ditto para sumarap ang lasa, maging sariwa ang tubig at mapawi ang kulay at masamang amoy.
Ang iba naman ang “ginamot” (treated) na tubig ay pinaaagos sa sadyang tinggalan (maaring tangke o semento na doon iniimbak ang tubig) at dito pinatitining ang iba pang mabibigat at naglutang na dumi pagkatapos nito pinararaan pa uli at sinasala ang tubig sa mga sapin-saping karbong antrasito o buhangin at graba na may iba-ibang laki para maibukod ang mas pinong karumihan.
Sa ngayon ang mga dalubhasa ay maingat na sinusuri ang kalagayan ng tubig upang maging ligtas na inumin ng tao. Nagbubukod sila ng mga “sample” na sinusuri naman sa laboratory.
Sa mga siyudad o poblacion na tulad natin, ay bumubuo sila ng “waterworks system” (samahan na siyang mamahala sa tubig) na siyang namamahala sa tubig na dumadaloy mula sa pinang-gagalingan patungo sa mga bahay. Pananagutan at tungkulin ng samahan na ito na magkaroon ng malinis at sapat na tubig na maaasahang lagi ng isang bayan. Wala silang layunin kundi mabigyan ng 24 oras na daloy ng tubig at pangangalaga sa planta at mga kasangkapan
Ayon sa paliwanag ng Local Water Utilities Administration (LWUA) “Pag may maaasahang sistema ng tubig, may progreso”.
Kaya ditto sa bayan ng Upi mapalad tayo dahil mayroon pa tayong mapagkunan ng tubig, ang Romagonrong Falls, at sa kasalukuyan ay may proyekto ang bayan natin na padaluyin hanggang ditto sa Nuro, upang sa gayon may mainum ang mga tao. Kaya katungkulan ng bawat mamayan ang pagpapabuti at pangangalaga ng ating water system na itatayo upang matustusan ang dumaraming mamamayan at ang kanilang pangangailangan sa tubig na inumin.
Bakit? Dahil sadyang mahalaga ang tubig sa kalinisan ng kapaligiran, sa kalusugan ng mga mamamayan at kaligtasan ng bayan. Ganoon din sa pagpatay ng sunog. Paano kung walang dumadaloy o sapat na tubig? Di lang libo kundi milyon-milyong piso ari-arian ang magiging abo. Bukod pa ang buhay ng tao.
Paano nagkaroon ng “water district” sa ating bayan?
(live interview with Mayor Mayor Ramon Piang Sr. -topic the Upi Water Level III)
Mga mamamayang ang may responsibilidad, mapalakad ang kanilang water district. Ang tungkulin lang ng funding agency ay tustusan (pautang o loan) ng puhunan ang water district, bigyan ito ng tulong na teknikal tulad ng pagsusuri sa mga kailangang pagbabago, disenyo at pagpapagawa ng niyaring plano at kasanayan sa pagpapatakbo at pamamahala ng water system upang mapabuti ang paglilingkod sa taong-bayan. Ang water district na ito ay hindi aasa sa pamahalaang bayan. Ang bayad lamang ng mga taong gumagamit ng tubig ang inaasahan na maipangbayad sa inutang na ginastos sa watersystem. Dahil taong-bayan ang may-ari ng water district. Sila ang nakikinabang dito kaya’t dapat tulong-tulong sila sa pagbabayad. At kinaklailangan may malikom na salapi ang siyang ginagasta sa pagpapalakad ng water district, sa pagkukumpuni ng kasiraan, sa pagpapalawak at ano pa mang ikabubuti noon, pambayad-utang sa funding agency at sa marami pang paglilingkod nito para sa mga tao.
September 17, 2008- Ang punong kahoy ay napakahalaga sa ating kapaligiran. Nililinis nito ang hangin, nagbibigay ng prutas na makakain, tabla (wood) na magagamit ng tao. Ngunit ang tao patuloy na inuubos ang mga punong kahoy, papaano kasi sinisira nila ang kagubatan na kong saan doon nanahanan ang punong ito.
Ang punong kahoy ang maituturing na pinakamalaking may buhay dito sa mundo. Ang punong kahoy ang sumasala o umii
mbak ng tubig ulan, upang hindi sabay-sabay na umagos tubig mula sa kabundukan pababa sa kapatagan na sanhi ng mga “flash flood”.
Sa ating kagubatan (forest) ng Pilipinas matatagpuan ang mga punong balite (banyan), at iba pang matitigas na punong kahoy na magandang magagamit na tabla tulad ng apitong, yacal, lauan, camagóng, ipil-ipil, white and red narra, and mayapis.
Alam ba ninyo na ang Balite ay gamot?
Ano ba ang Balite? (banyan), Nonok ang tawag ng T’duray, Maguindanaon, Iranon, Meranaw .
Pag banyan ang sinabi mo, tiyak di nila kilala, ngunit
pag sinabi mong balite o nonok kilala.
Balite ay isang malalaking puno na pwedeng mabuhay kahit saan, kahit sa siyudad, sa kabukiran at nabubuhay din ito ng mahabang panahon-300 taon. May nairecord na pwedeng makisilong ang sampung libong tao.
Ang punong ito ay parasites, hindi tumutubo na hindi muna makapit sa ibang puno at pag malaki na siya ay dahan-dahan namamatay ang kinapitan nito, dahil masasaid na ang laman nito.
Sa Pilipinas pinangingilagan ang punong balite, papaano kasi pinaniniwalaan na dito nakatira ang mga kapre, duwende, tunong, (engkanto) white lady, maliban pa dito ay makikita natin ang ibat-ibang ibon, paniki, unggoy, kulisap at insekto.
Dito sa Pilipinas, walang nangangahas na pumutol sa punong ito, sila ay naniniwala na ito ay bahay ng mgha engkanto at magagalit sila sa sinuman ang sisira dito.
Ang lalawigan Phichit sa
Sa bansang
Sa Pilipinas pinaniniwalaan na dito nakatira ang mga kapre, duwende, tunong, (engkanto) white lady,
Sa ibang bansa sa Asia, ang punong Banyan/balite ay kinatatakutan, sapagkat dahil laki ng puno at hitsura. Tila dambuhala, kaya naman napakaraming nilikha ang naninirahan doon. Paniki, insekto, ibat-ibang ibon, maliliit man o malalaki. At pinaniniwalaan din may naninorahan ditto na mga engkanto sa Maguindanaon Iranon at Meranaw “darpa a tunong” (lugar ng mga engkanto). Sa mga ibang Pilipino dito raw nakatira ang lumalabas sa gabi na impakto na tinatawag na tikbalang, (tao ang katawan at ulo ay kabayo)
Sa ‘Diksiyunaryong Ingles-Pilipino’ (Sagalongos, 1968) ang salitang ito ay nasusulat sa baybay na ‘baliti’ at sa dalawang diin – malumay at malumi – na parehong pangngalan kung gamitin. Ang pangngalang baliti na diing malumay ay may kahulugang ‘tie for hands or arms’ (tali o panali sa mga kamay o paa). Ang ikalawa na may diing malumi ay nangangahulugang ‘species of tree’ (Ficus Indica), isang uri ng punungkahoy.
Ayon naman sa ‘Glossary of Non-English Terms’ sa ‘Aswang Syncracy in Philippines Folklore’ (Ramos, 1971) na nasusulat sa baybay na ‘balete’, ito’y isang katawagan ng mga Ilokano, Tagalog at Cebuano sa isang uri ng punongkahoy (sa Latin, Ficus Indica) na pinamamahayan ng iba’t ibang masama, mapanakit at mapaminsalang mitolohikal na mga nilalang.
Sa ‘Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles’ ni Jose Villa Panganiban, ang salitang ito ay nasusulat na ‘balite’, isang pangngalan at may kahulugang ‘nakakatakot na kaalamang-bayang punungkahoy, na tumutubo sa mga ilang, madidilim at malulungkot na mga pook at ipinapalagay na tirahan ng mga lamang-lupa tulad ng tiyanak atbpa.’
Dahilan sa makabagong ng siyensya nagkaroon ng pagkakataon na makapagsaliksik tungkol sa kabutihang maaaring makuha sa balite. Subalit ayon sa paniniwala ng mga matatanda ito’y pugad ng multo, impakto, engkanto, duwende, nuno sa punso at iba pang lamang-lupa at hindi basta-basta mabubunot.
Nitong mga huling panahon, nadiskubre na ang punong kinatatakutan ay nagbibigay pala ng gamot.
Ugat ng balite
Ayon sa pananalikisik na isinagawa ng University of the Philippines sa pakikipagtulungan sa mag-aaral ng
Bukod sa lilim na ibinibigay ng balite, ang hibla nito ay ginagawang lubid. Sinasabi rin na ang balabak ng ugat nito o ang mismong ugat, at ang mga dahon ay nilalaga sa langis upang ipanlunas sa mga sugat at mga galos. Ang katas ng balat nito ay kilalang panlunas din sa sakit sa atay. Sa matinding sakit ng ulo, ang dinikdik na mga dahon at balat ay mabisang panapal (Quisumbing 1951). Ang pag-inom ng dinikdik na katas ng ugat ng balite nakakapanumbalik sa abnormal na metabolism.
Balat ng balite
Ang balat ay nakakalunas o nakakapagbaba ng mataas na lagnat. Nalaman na ang balat nito ay sinisipsip (absorb) ang init na siyang sanhi ng lagnat. Tutuklap ka ng maliit na balat ng balite, linisin ito at ipantapal sa noo ng maysakit at ito na magsisilbing heat absorber.
(Sinulat ni Kaka Alih September 17, 2008-para sa programang Bantay Bayan Boses ng Sambayan-sa segment na Bantay Kalikasan -Every Wednesday 7:00-8:00 umaga-Anchor Miss Lenyrose Bajar at Co-anchor Alih Anso-Program Director DXUP FM)
(Hinango mula sa pamphlet na ginagamit ng EIC- Technical Working Group (TWG) ng Upi Forest Land Use Plan-courtesy ng EcoGov Project representative na si Edwin “Doods” Camacho)
Gaano Kahalaga ang Kagubatan sa ating Buhay?
Mahalaga ang gubat sa ating buhay. Ito ay pinagkukunan ng ating pagkain, gamot, tubig at mga kahoy para magamit sa ibat-ibang pangangailangan. Maliban sa kanlungan ng samut-saring buhay (tao, hayop, at halaman), ang kagubatan din ang nagpapanatili ng malusog na kapaligiran.
Bakit nauubos ang ating kagubatan?
May mga bahagi ang kagubatan na walang kasalukuyang namamahala o hindi pa napasasailalim sa anumang klaseng pamamahala ( o tenure), kung kaya’t kahit sino na lang ay pumapasok dito. Ito ang bahagi ng kagubatan na tinatawag na “open access.” Mayron ding bahagi ang mga kagubatan na mayroon ngang tenure, s
ubalit ang mga may hawak nito ay nagpapabaya naman sa kanilang responsiblidad.
Dahil sa sitwasyong ito, may mga taong basta na lang pumapasok sa kagubatan upang mamutol ng kahoy, magsasagawa ng kaingin, at iba pang mapanirang Gawain, na nagdudlot ng pagkakasira at patuloy na pagkaubos ng ating natitirang yamang-gubat.
Paano natin maiiwasan ang mga ito?
Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at pamamahala ng kagubatan at ibang gubat. Dahil dito, maiiwasan ang mga mapanirang gawain at ang mga masamang epektong nagigng bunga nito , tulad ng mga biglaang pagbabaha, pagbaba ng nagiging poduktibo ng lupa, atbp.
Ano ang FLUP?
Ang Forest Land Use Planning (FLUP) ay isang pamamaaraan ng pagpaplano-matapos ang isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan-upang mailagay sa maayos na pamamahala ang mga ito. Ito rin ang siyang magiging basehan sa “alokasyon” o paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.
Anu-anong klaseng alokasyon ang maaring isagawa sa tulong ng FLUP?
Ang FLUP ay makakatulong sagutin ang mga katanungan tungkol sa alokasyon tulad ng:
Anong bahagi ang dapat ay protektado-tulad ng watershed reservation? Anung parte ang maaring i
pamahala sa kumunidad? O sa probadong sector? O sa pamahalaang lokal (tulad ng communal forest)? O sa ibang ahensiya ng pamahalaan (tulad ng pamantasan, National Power Corp. O NAPOCOR, Philippine National Oil Corp. Oo PNOC, atbp)?
Ang tamang alokasyon, base sa FLUP, ay mangangahulugan ng paglalagay ng naangkop na pamamahala sa mga kagubatanna titunuturing na “open access”. Sa pamamagitan nito, magiging malinaw ang mga responsibilidad at pananagutan ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR), pamhalaang lokal, (LGU), at maging ang lokal na pamayanan, upang tiyakin na maisakakatuparan ang tamang pamamahaang nabanggit.
Bakit kailangan ang FLUP?
Iportante ang FLUP upang matukoy ang open access na kagubatan at mailagay sa tmang pamamahala ito, kasunod ng pagbibigay ng tenure sa mga interesado at responsableng tao o organisasyon na maaring mamahala dito.
Paano makatutulong ang FLUP sa ugnayang DENR-LGU ukol sa alokasyon at pamamahala ng kagubatan?
Ang FLUP ay magsisilbing batayan tungo sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng DENR at pamahalaang lokal at iba pang sektor upang malinaw na maitupad ang mga kasunduan ayon sa alituntunin ng batas. Sa gayon, mapapadali ang pagtutulungan ng DENR at LGU na maisakatuparan ang mga mithiin sa pamamahala ng kagubatan, ganun din sa pagpapasya ng DENR sa pag-isyu ng angkop na tenure, ayon sa itinalaga ng palno (FLUP).
Ano pa ang gamit ng FLUP?
Ang FLUP ay magsislbing batayan ng ibat-ibang sekto sa pagmomonitor ng pagbabago sa kagubatan. Sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor, agarang maaaksyonan ang mga problema na posibleng kaharapin sa pamamahala ng ating kagubatan.
Ano ang pakinabang ng mamamayan mula sa FLUP?
Ang mga mamamayan ay maraming magiging pakinabang sa oras na ang FLUP ay maisakatuparan. Ilan sa mga ito ay ang:
Ø Pagkakaroon ng tenure. Ang mga kwalipikadong komunidad ay maaring mabigyan ng “tenure” na nagbibigay sa kanila ng pribilehiyo upang siyang mangalaga sa ilang bahagi ng lupang gubat, kasama na ang likas-kayang paggamit ng ilang likas-yamang napapaloob sa kasunduan. Ang tagal ng kasunduang ito ay umaabot ng taon-minsa’y mula sa 25 hanggang 50 taon. Ang “tenure” ay isang pribilehiyo lang; hindi ito isang titlo ng lupa.
Ø Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa paggamit ng likas-yaman. Dahil nga ang pamamahala ng kagubatan at paggamit ng mga yamang-gubat ay ipapasaloob sa isang malinaw na kasunduan na kung saan ang lahat ng maaapektuhan ay kukunsultahin, maiiwasan din ang away at anumang di pagkakaunawaan ng iba’t-ibang sector ng pamayanan.
Ø Pagkabawas ng mga illegal na aktibidad. Kung mayron nang isang komunidad o organisasyon ba responsable sa pangangalaga ng kagubatan, siguradong ang mga ilegal na pagpuputol, kaingin at iba pang mga aktibidad na nakakasama sa kagubatan a nababawasan na.
Ø Mga pang-matagalang pakinabang. Sa pamamagitan ng FLUP, maisasaayos ang mga pamamahala ng kagubatan at mga yamang-gubat upang ito ay patuloy ng kabuhayan para sa kumunidad/pamayanan. Kapag maayos ang kalidad ng kagubatan at ang mga yaman nito, patuloy itong magbibigay ng iba’t-ibang uri ng pakinabang, gaya halibawa ng patuloy na supply ng kahoy at iba pang yamgn-gubat, proteksyon sa mga kumunidad, at marami pang iba. Mababantayan din ng mga mamamayan ang paglalagay ng mga proyekto at masusunri nila kung ang mga ito ay naayon sa pangangailangan ng kagubatan at sa kagustuhan ng mga kumunidad.
Ano naman ang pakinabang ng mga nasa kapatagan?
Ang pagsasaayos ng pamamahala sa kagubatan ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga nasa kapatagan. Ang kagubatan at kapatagan ay kunektado sa isa’t-isa. Anumang mangyari sa kagubatan ay makakaapekto sa kapatagan. Ka
ya kung maayos ang pamamahala sa kagubatan, ang kapatagan ay siguradong makikinabang, tulad ng pagkakaroon nto ng regular na panggagalingan ng tubig para sa irigasyon, gamit sa bahay, atbp.
Ano ang proseso sa FLUP at gaano katagal bago matapos ang plano?
Ang proseso sa paghahanda ng FLUP ay dapat malinaw sa lahat at ang pakikilahok ay malawakan upang matiyak na ang pangangailangan at mithin ng komunidad, lkal na pamahalaan at iba pang sektor ay mabibigyan ng kaukulang konsiderasyon. Ang tagal ng proseso ay mababatay sa teknikal na kakayahan ng FLP team. Maaaring umabot ito ng mula anim na buwan hanggang isang taon.
Paghahanda
Ø Pagbubuo ng Planning Team o Technical Working Group
Ø Oryentasyon tungkol sa FLUP para sa Planning Team
Mobilisayon/Community Profiling
Ø Pagpupulong at pagpapalaks ng Technical Working Group
Ø Oryentasyon sa mga barangay/komunidad tungkol sa FLUP
Ø Pagkolekta ng mga mapang teknikal
Ø Pangangalap ng impormasyon ukol sa kultura, kabuhayan at sosyal na kalagayan ng pamayanan
Ø Pagmamapa
Pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan
(tulad ng pag-aaral sa mga socio-economic data at pagsusuri sa mga mapa)
Lakbay Aral
Sa mga minomodelong lugar na nagpapakita ng maayos na pangangalaga at pamamahala ng kagubatan.
Malawakang kasunduan
(kung saan kasama ang iba-ibang sektor ng komunidad) sa alokasyon ng kagubatan/lupang gubat at prioritization ng mga subwatersheds.
Pagpapatibay ng FLUP
Ø Pagsusulat at pagbubuo ng plano;
Ø Pagpapatibay ng Muncipal Development Council;
Ø Pagpapatibay at pag-endorso ng Sangguniang Bayan;
Ø Paglalagda sa kasunduan ng DENR at ng lokal na pamahalaan.
Pagpaplano para sa pagpapatupad ng FLUP
(kagaya ng paggawa ng lokal na ordinansa at pagbubuo ng Multi-sectoral Forest Protection Committee)
Bago ipagtibay ang FLUP, ang komunidad ay kinukunsulta muli upang masegoro na tama ang mga napapalob sa plano.
Ano ang papel na dapat gamapanan ng pamayanan sa pagbuo ng FLUP at sa pagpapatupad nito?
Mahalaga ang pakikilahok ng mamayan sa pagbuo ng FLUP. Upang maging makabuluhan ang pakikilahok, ang mga mamamayan ay maring gawin ang mga sumusunod:
Ø Tumulong na magbigay ng kaukulang impormasyon kakailanganin sa pagbuo ng FLUP.
Ø Makilahok sa pagsusuri ng mga impormasyong nakalap upag matiyak na ang mga ito ay tama.
Ø Tiyakin kung ang nilalaman ng plano ay sang-ayon sa mga napag-usapan o napagkasunduan, at batay sa kagustuhan ng nakakarami.
Ø Makibahagi at tumulong pang tiyakin na ang plano aymaisasakatuparan base sa napagkasunduan.
Ø Makilahok sa mga Gawain o aktibidad na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan at ng iba pang ahensiya kaugnay sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapaunlad ng kakayahan para sa pamamahala ng kagubatan.
Ø Makibahagi sa mga pagpupulong o pag-uusap-usap hinggil sa pangangalaga sa kagubatan para maipahayag ang mga saloobin at mabigyan ng kaukulang pansin ang mga mithiin.
Sinu-sino ang bubuo ng FLUP?
Inaasahan ang malawakan at makabuluhang pakikilahok ng iba’t-ibang sekto at ahensiya sa paghahanda ng FLUP sa pangunguna ng pmalahaang lokal at DENR..
Bukod sa DENR at LGU, ang mga iba pang may mga mahalagang papel na gagampanan sa pagbuo ng FLUP at sa pagpapatupad nito ay ang mga sumusunod:
Ø Pamayanan/mga katutubo
Ø Non-Government Organizations/Pribadong Institusyon
Ø Iba pang stakeholders, tulad ng mga komunidad sa kapatagan na paektado ng pagsasaayos ng kagubatan.
Ø Iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), atbp.
(Posted by Alih Anso-member ng EIC Team-Technical working Group (TWG) FLUP of Upi- May 7, 2008)
Ano ang pangalan ng punong kahoy na ito?
Clue: 1-Ito ay bahagi ng history ng bayan ng Upi.
(Ulat Lucy Billones -Duce- July 31, 2008-Miyerkules)
Nuro, Upi…… Upang mapalakas ang kampanya sa pangangalaga sa kalikasan, puspusan ang pagpapatupad ng municipal ordinance No. 3 o ang Ecological Solid Waste Management Program ( ESWM) sa Upi, Shariff Kabunsuan.
Sa ngayon, ayon kay municipal environment and natural resources officer Glory Centillo, abala sila sa information dissemination upang maunawaan at tuparin ng mga mamamayan ang ordinansa.
Kabilang dito ang paglalagay ng mga billboard sa mga estratehikong lugar at pamplet o babasahin sa mga mamamayan.
Sinabi ni Centillo na may parusa o multa ang mga mapapatunayang lumabag sa naturang ordinansa.
Dahil sa batas na ito, malinis at maganda na ang bayan ng Upi. Umaani rin ng suporta sa lahat ng sektor ang programang ito ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Centillo, ang pangangalaga sa kalikasan ay tungkulin ninuman at hindi ng iilan lamang.
(Pambasang Batas tungkol sa Kalikasan ay ang Republic Act 9003)
(Sinulat na ni Kaka Alih-para sa Programang “Bantay Bayan Boses ng Sambyanan” sa segement na “Bantay Kalikasan” July 16, 2008)
Ang pag-uusapan natin sa araw na ito ay tungkol sa Kalikasan. Hindi ba sa tuwing maririnig ng ating pandinig ang salitang ito, nalalarawan agad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?. Mga iba’t ibang nilalang na hitik sa kagandahan, samu’t saring buhay na naninirahan sa malaparaisong kaharian.
Ang lahat ay hahanga sa ganitong tanawin, hindi ba? Paano nga ba hindi ka mahahalina sa, gayong alam mo na taglay ng kalikasang ito ang lahat ng kanyang mga pangangailangan upang mabuhay sa mundo na kanyang ginagalawan? Dito ay sagana sa mga likas ng yaman, mga kamangha mangha na tanawin na nagbibigay ginhawa at nagpapangiti sa atin. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa atin ng Panginong Lumikha (Allah) dahil sa kanyang dakilang pagmamahal sa tao, sa lahat ng kanyang nilanlang dito sa sansinukob.
Ang tao, siya nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago ang buong sanlibutan? Sa ating kalikasan?
Nakakalungkot mang isipin ngunit kung ating mamasdan ay isang ganap na pagbabago ang bumabalot sa mundo at sa ating napakagandang kalikasan, at ang katotohanang ito’y ‘di lingid sa ating kaalaman. At ang katotohanang, isa tayo sa mga saksi, saksing nagbubulagbulagan sa kasalakuyang narararanasan ng Inang Kalikasan. Tao ang nagging dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.
Ang tanong ko sa mga giliw na nakikinig, Papaano, nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang ating kalikasan? Ito ba ay dahil sa pagbabago; mga pagbabago sa mga bagay-bagay dahil sa natatanging kaalaman ng tao? Kaalaman ng tao na siya ring bumabago sa mukha ng kalikasan?
Nariyan ang mga makabagong paraan ng paghahanap buhay gamit ang mga makabagong teknolohiya. Mga makabagong teknolohiya na siya ring nagdudulot ng polusyon sa mga tubig at hangin. Kabilang din ang pagtaas ng bilang populasyon kasabay din ang pagdami ng mga umaasa sa mga kayamanang galing sa kalikasan. Ngunit nakakalungkot ding isipin na minsa’y napapabayaan natin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan, partikular na ang mga kagubatan at ang mga buhay na nakapalood dito.
Sa kabila ng pakikinabang ng tao, ang pang-aabuso ay nariyan na minsa’y tayo rin ang naapektuhan. Sana’y maramdaman din natin na ang kalikasan ay may napakahalagang papel sa ating mga tao. May buhay na kailangang pag-ingatan upang mapanatili ang maayos na sistema sa bawat bagay sa mundong ito na may kanya-kanyang ginagampanan.
Ayong Jess Geralino sa programang Usaping Bayan…”Sana huwag nating hayaan humantong sa pagkakataong maranasan ang galit ng kalikasan subukan nating gumawa ng mga paraan kung paano mapapanatili ang magandang relasyon ng tao sa kalikasan”.
Hindi pa huli ang lahat upang tayo’y magkaroon ng mga hakbang upang maibalik ang unti-unting pagkawala ng sigla at kagandahang taglay ng “Inang Kalikasan”
Sana’y huwag nating ipagdamot, sanay huwag tayong magtulog-tulogan na masilayan pa ang kagandahang taglay ng kalikasan para sa ating mga susunod pang henerasyon at para sa mga buhay ng bagong kinabukasan!
(Balita- Kaka Alih - July 15, 2008-Martes)
Nuro, Upi…..Malakas ang buhos ng ulan sa mga sandaling ito (12:49) ng hapon, sa Barangay Nuro, Upi, na marahil ay dulot ng bagyong si Helen. Labis na pinangangambahan ng mga residente lalo na ang binaha na noong June 21, 2008 na dulot ng bagyong si Frank.
Kaninang umaga ay maaliwalis ang kalangitan ngunit bandang tanghali ay unti-unti ng namumuo ang maitim na ulap sa papawirin, at di nagtagal namuo na itong ulan.
Sa may basakan bandang Sitio Kabutuyen, ng Barangay Blensong-Nuro ay unti-unti ng lumalalim ang tubig galing sa palayan, nahalos ganito rin noon ng tumaas ang tubig na ang ibang lugar sa Nuro ay abot leeg na, na dito sa may basakan ng Sitio kabutuyen ay umabot ng hanggang biwang.